Likidong katinig
Sa ponetika, likidóng katínig ang mga katinig na karaniwang inilalarawan bilang mga katinig na dinadaluyan na hindi pailong.[1] Kabilang rito ang mga katinig na tunog-R at mga pagilid (na tinatawag ding mga tunog-L). May dalawang likidong katinig sa wikang Tagalog, [l] at [ɾ].
Estraktura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinokonsidera ang mga likidong katinig bilang mga pinakamauugong na tunog kasama ng mga patinig at malapatinig,[2] kung saan mas maugong ang mga tunog-R kesa sa mga pagilid.[3] Ito ang itinuturong dahilan kung bakit mas madalas makikita ang mga ito bilang bahagi ng mga kambal-katinig kesa sa ibang mga katinig (bukod sa mga malapatinig), gayundin bilang kasunod ng mga katinig na hinaharangan sa simula ng mga kambal-katinig at nauuna kung nasa dulo ng salita ang naturang kambal-katinig.[4]
Hawak din ng mga likidong katinig ang pagtatanging ito sa tugatog ng pantig; ibig sabihin, mas madalas na maging silabiko (sa gitna ng mga pantig) ang mga ito kesa sa ibang mga katinig, bagamat ipinapakita ng ilang mga pag-aaral na mas pinapaboran sa pangkalahatan ang mga silabikong katinig na pailong.[4] Ito ang dahilan bakit pinapayagan ng ilang mga wika tulad ng wikang Tseko, Eslobako, at ibang mga wikang Eslabo ang mga likidong katinig na r at l sa gitna ng mga pantig, kagaya sa makikita sa pulupot-dila na strč prst skrz krk (lit. na 'itulak ang daliri sa lalamunan').[5]
Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa isang sarbey ng lingwistang si Ian Maddieson, nagtataglay ang karamihan ng mga wika ng mundo ng isa hanggang tatlong likidong katinig, at mas madalas itong katinig sa ngipin o gilagid.[6] Bihira ring sumailalim ang mga likidong katinig sa pagpapahaba.[6] Mas karaniwan sa mga wika ng mundo ang magkaroon ng mas maraming katinig na pagilid kesa tunog-R, pero kung may iisang likidong katinig ang isang wika, mas malaki ang tiyansang isa itong katinig na tunog-R.[7] Meron ding ilang mga wika tulad ng wikang Hapon at Koreano na nagtataglay ng iisang likidong katinig na parehong umaakto bilang pagilid at tunog-R.[7]
Nagtataglay ang lahat ng mga wika sa Europa ng di bababa sa isang katinig na pagilid at tunog-R.[8] Kabilang rito ang wikang Ingles,[9] bagamat may mga wikang Europeo din tulad ng wikang Griyego at Italyano na may tatlo: /l/, /ʎ/, /r/. Sa ibang bahagi ng mundo, nananatili pa ring karaniwan ang mga pagilid at tunog-R maliban sa mga katutubong wika ng Hilagang Amerika at Australia. May mga wika sa Asya, Aprika, at mga wika sa Amazon na walang likidong katinig habang karaniwan naman sa Polinesya ang pagkakaroon ng iisang likidong katinig.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ballard, Elaine; Starks, Donn (10 Oktubre 2005). "Liquids: Laterals and Rhotics or Much More?" [Mga Likido: Pagilid at Tunog-R o Mas Marami pa?]. Proceedings of the 2004 Conference of the Australian Linguistic Society (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2025. Nakuha noong 25 Mayo 2026.
- ↑ Gordon, Matthew K. (1 Abril 2016), "Introduction" [Panimula], Phonological Typology (sa wikang Ingles), Oxford University Press, pp. 1–16, doi:10.1093/acprof:oso/9780199669004.003.0001, ISBN 978-0-19-966900-4, nakuha noong 28 Disyembre 2023
{{citation}}: CS1 maint: work parameter with ISBN (link) - ↑ Wiese, Richard (28 Abril 2011). "The Representation of Rhotics" [Ang Representasyon sa mga Tunog-R]. The Blackwell Companion to Phonology [Ang Katulong ng Blackwell sa Ponolohiya] (sa wikang Ingles). pp. 1–19. doi:10.1002/9781444335262.wbctp0030. ISBN 978-1-4051-8423-6.
- 1 2 Gordon, Matthew K. (1 Abril 2016), "Syllables" [Mga Pantig], Phonological Typology (sa wikang Ingles), Oxford University Press, pp. 83–122, doi:10.1093/acprof:oso/9780199669004.003.0004, ISBN 978-0-19-966900-4, nakuha noong 28 Disyembre 2023
{{citation}}: CS1 maint: work parameter with ISBN (link) - ↑ Bloch-Rozmej, Anna (1 Mayo 2010). "Syllabic Consonants in Slavic and Celtic Languages: The Mechanism of Element Extension" [Mga Silabikong Katinig sa mga Wikang Eslabo at Keltiko: Ang Mekanismo ng Pagdurugtong ng Elemento]. Studia Celto-Slavica (sa wikang Ingles). 4 (1): 53–66. doi:10.54586/WWJF8701.
- 1 2 Gordon, Matthew K. (1 Abril 2016), "Phoneme inventories" [Mga Imbentaryo ng Ponema], Phonological Typology (sa wikang Ingles), Oxford University Press, pp. 43–82, doi:10.1093/acprof:oso/9780199669004.003.0003, ISBN 978-0-19-966900-4, nakuha noong 30 Disyembre 2023
{{citation}}: CS1 maint: work parameter with ISBN (link) - 1 2 Maddieson (1984). Patterns of Sounds [Mga Pattern ng Tunog]. Cambridge Studies in Speech Science and Communication (sa wikang Ingles). Cambridge: Cambridge University Press. doi:10.1017/CBO9780511753459. ISBN 978-0-521-11326-7.
- ↑ Hickey, Raymond, pat. (2017). The Cambridge Handbook of Areal Linguistics [Ang Katulong ng Cambridge sa Lingguwistikang Panlugar]. Cambridge Handbooks in Language and Linguistics (sa wikang Ingles). Cambridge: Cambridge University Press. doi:10.1017/9781107279872. ISBN 978-1-107-05161-4.
- ↑ Kirkham, Sam (Abril 2017). "Ethnicity and phonetic variation in Sheffield English liquids" [Pagkakaiba sa etnisidad at ponetika sa mga likidong katinig ng wikang Ingles ng Sheffield]. Journal of the International Phonetic Association (sa wikang Ingles). 47 (1): 17–35. doi:10.1017/S0025100316000268. ISSN 0025-1003.