Ikatlong Linya ng Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Linyang Dilaw)
Jump to navigation Jump to search
Metrostar Express
MRT-3 Manila Yellow Logo Line 3.svg
Line 3 train near Magallanes Interchange(Makati)(2018-02-20).jpg
Buod
UriLight Metro
KalagayanNagana
HanggananNorth Avenue
Taft Avenue
(Mga) Estasyon13
(Mga) Serbisyo1
Araw-araw na mananakay350,000 (orihinal na kapasidad) 650,000 (2012-2013 tala)
WebsaytMRT-3
Operasyon
Binuksan noong15 Disyembre 1999
May-ariKorporasyon ng Metro na Riles Panlulan
(Mga) NagpapatakboKagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Korporasyon ng Metro na Riles Panlulan
Ginagamit na trenČKD Tatra RT8D5
Teknikal
Haba ng linya16.95 km
Luwang ng daambakal1,435 mm (4 ft 8 12 in)
PagkukuryenteLinyang Overhead
Bilis ng pagpapaandar60–65 km/h (37–40 mph)
Mapa ng ruta

future
interchange
North Avenue
 1  7 
Depot
Quezon Avenue
Kamuning
Araneta Center–Cubao
 2 
Santolan
Ortigas
Shaw Boulevard
Boni
Guadalupe
Buendia
Ayala
Magallanes
 PNR 
Taft Avenue
 1 

Ang Ikatlong Linya o ang Linyang Dilaw ng Sistemang Pagkalakhang Riles Panlulan ng Maynila (Yellow Line) at kilala dati bilang Linyang Bughaw (Blue Line) ay ang ikatlong linya ng tren sa Maynila. Sa kasalukuyan binubuo ng labing tatlong estasyon na may 16.95 kilometro. Maaring ang mga estasyon ay may riles na nakaangat, maliban sa Buendia at Ayala na nasa ilalim ng lupa at Boni at Taft na nasa lupa. Katulad ng pinahihiwatig ng pangalan nito, kulay dilaw ang linya sa lahat ng mga mapa ng tren.

Tumatakbo ang linya sa hilaga-timog na direksiyon, at dumadaan sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Quezon, at Mandaluyong. Pwedeng lumipat ang mga pasahero sa Linyang Lunti sa Abenida Taft, at sa Linyang Bughaw sa Sentrong Araneta-Cubao.

Bago ipinalabas ang Sistemang Panlulan ng Matatag na Republika, tinawag ang linya na MRT Line 3, o Metrostar Express. Subalit, ang bughaw na kulay nito, na ginamit simula nang buksan ito noong 1999, ay ginagamit padin kahit na pinalitan na ang kulay ng linya ng dilaw.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Paghahanay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Linyang Dilaw ay nakahanay sa Circumferential Road 4, sa Abenidang Epifanio Delos Santos.

Tumutuloy ang linya pagkatapos ng huling hinto nito sa Abenida Hilaga, at nagtatapos malapit sa Linyang Dilaw.

Mapa at mga estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Estasyon Paglipat Lokasyon
North Avenue Diliman, Lungsod ng Quezon
Quezon Avenue Diliman, Lungsod ng Quezon
Kamuning Diliman, Lungsod ng Quezon
Araneta Center–Cubao Linyang Bughaw: Araneta Center–Cubao Cubao, Lungsod ng Quezon
Santolan Camp Crame, Lungsod ng Quezon
Ortigas Greenhills, Lungsod ng Mandaluyong
Shaw Boulevard Greenhills, Lungsod ng Mandaluyong
Boni Barangka Ilaya, Lungsod ng Mandaluyong
Guadalupe Guadalupe Nuevo, Lungsod ng Makati
Buendia Urdaneta, Lungsod ng Makati
Ayala San Lorenzo, Lungsod ng Makati
Magallanes PNR: EDSA Magallanes, Lungsod ng Makati
Taft Avenue Linyang Lunti: EDSA San Roque, Lungsod ng Pasay

Hinaharap[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagpapahaba ng Linyang Dilaw[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang isang limang kilometrong pagpapahaba sa hilaga ng Linyang Dilaw papuntang Dugtungan ng Monumento sa Caloocan, ay pinlano ngunit isinantabi upang bigyang daan ang pagpapalaki ng Linyang Lunti sa parehong ruta patungong Abenida Hilaga.

Paglilipat ng Operasyon sa Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila[baguhin | baguhin ang batayan]

Nais noon ng administrasyong Arroyo na ilipat ang operasyon ng linya sa Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila upang pag-isahin ang operasyon tatlong linya ng Maynila. Ngayon nais din itong gawin ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng pagbili nito ng mga interes ng mga pribadong kompanya upang mailipat na ito ng tuluyan sa gobyerno.

Mga Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]