Lionel Messi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lionel Messi
Messi in Germany and Argentina face off in the final of the World Cup 2014 -2014-07-13 (24).jpg

Si Messi na naglalaro para sa pambansang koponan ng Arhentina noong katapusan ng 2014 FIFA World Cup.
Panaong kabatiran
Kabuuang pangalan Lionel Andrés Messi Cuccittini[1]
Petsa ng kapanganakan (1987-06-24) 24 Hunyo 1987 (edad 30)
Lugar ng kapanganakan Rosario, Santa Fe, Arhentina,
Tangkad 1.69 m (5 ft 7 in)[2]
Posisyon sa paglalaro Forward
Kabatiran sa klab
Kasalukuyang klab Barcelona
Bilang 10
Karera noong kabataan
1995–2000 Newell's Old Boys
2000–2003 Barcelona
Karerang pangmatanda*
Mga taon Koponan Pgppkita (Pita)
2003–2004 Barcelona C 10 (5)
2004–2005 Barcelona B 22 (6)
2004– Barcelona 299 (266)
Pambansang koponan
2004–2005 Argentina U20 18 (14)
2007–2008 Argentina U23 5 (2)
2005– Argentina 96 (45)
* Ang mga pagpaapakita at mga pita ng klab na pangmatanda aay ibinilang para sa pantahanang liga lamang and correct as of 8 Pebrero 2015.

† Mga pagpapakita (Pita).

‡ Ang mga kap at mga pita ng pambansang koponan na isinaayos sa kasalukuyang 12 Nobyembre 2014

Si Lionel Andrés "Leo" Messi Cuccittini (ipinanganak noong 24 Hunyo 1987), ay isang Arhentino na propesyunal na manlalaro ng futbol na naglalaro bilang forward para sa koponang Kastila na FC Barcelona, at siya ring kapitan ng pambansang koponan ng Arhentina.

Sa edad na 21, nakatanggap na si Messi ng mga nominasyon sa Ballon d'Or at bilang Manlalaro ng Taon ng Pandaigdigang FIFA (FIFA World Player of the Year). Nang sumunod na taon, noong 2009, napagwagian niya ang kanyang unang mga gantimpala para sa Ballon d'Or at Manlalaro ng Taon ng Pandaigdigang FIFA. Nasundan ito nang nang mapanalunan niya ang unang FIFA Ballon d'Or noong 2010, at muli noong 2011 at 2012. Nagwagi rin siya ng gantimpala bilang Pinakamahusay na Manlalaro sa Europa ng UEFA ng taong 2010-11. Sa edad na 24, si Messi ang nangunang taga-iskor sa lahat ng panahon (all-time top scorer) ng Barcelona sa lahat ng opisyal na kompetisyon ng koponan. Noong Setyembre 2014, naiskor niya ang kanyang ika-400 na goal ng kanyang karerang propesyunal para sa koponan at sa bansa sa edad lamang na 27. Noong Nobyembre 2014, si Messi ang nangunang taga-iskor sa lahat ng panahon sa La Liga, at nangunang taga-iskor ng goal sa lahat ng panahon sa UEFA Champions League.

Madalas na iniluluklok bilang pinakamahusay na manlalaro sa buong mundo at itinatalá ng ilan sa mundo ng palakasan bilang pinakamahusay sa lahat ng panahon, kadikit lamang ang karibal nitong si Cristiano Ronaldo, si Messi ang unang futbolista sa kasaysayan na nagwagi ng apat na FIFA/Ballons d'Or, kung saan lahat ito'y sunud-sunod niyang napanalunan, at unang nagwagi ng tatlong gantimpala ng Ginintuang Sapatos ng Europa (European Golden Shoe). Sa Barcelona, nagwagi na si Messi ng anim na La Liga, dalawang Copa del Rey, anim na Supercopa de España, tatlong UEFA Champions Leagues, dalawang UEFA Super Cup, at dalawang FIFA Club World Cup.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]