Literatura at literary history

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang literary history ay kinakaingalan ba sa pagbabasa ng literatura? Ang sagot ay isang masigabong “hindi”. Sa dami ng mga estudyante ng literatura at mga kritiko ng literatura, kahit ipagsama pa dito ang mga akademiko ng kasaysayan at mga taong mahilig pag-aralan ang kasaysayan ay maliit lamang kung ikukumpara sa mga hindi mabilang na mga henerasyon ng mga mambabasa na nagbasa para lamang sa simpleng kasiyahan ng pagbabasa at hindi pinaggugugulan nang panahon at pansin kung ang isang may akda ay kabilang sa isang literary movement. Para sabihin na ang literary history ay kinalailangan, kinakailangan ang operatibong salita dito, na ito ay indispensible, isang requirement para kalugdan ang literatura ay may bahid ng elitismo at pagmamataas dahil nangangahulugan ito na ang isang tao na nagbabasa ng isang libro na may kaalaman sa literary hsitory ay may mas mayaman na karanasan kung ikukumpara sa isang tao na walang alam tungkol sa kontekstong historikal at buhay at panahon ng may-akda. At paano naman ang mga panahon bago inimbemto ng mga kritiko ang literary history? Ibig sabihin ba nito na ang pagbasa ng literatura noon ay lalong maralita na karanasan?

Ang mismong mga elemento ng literatura ay siyang nagpapawalang saysay sa mga ideyang ito. Ang literatura ay dapat mag libang at madala ng saya. Hindi dapt alamin nang mambabasa na si Oscar Wilde ay isang Victorian na dramatista sa isang panahon sa Inglatera kung saan ang lipunan ay lulong sa usapin ng moral, tamang pagkilos at pera para matuwa sa mga pakana ni John Worthing, na kilala din sa pangngalang Earnest Bunburying o matawa sa mga ideya ni Lady Bracknell tungkol sa kasal at buhay may asawa. Ang isang bata na nagbabasa nang Gulliver’s Travels at Alice in Wonderland ay matutuwa pa rin sa mga ito kahit hindi niya alam na ang mga ito ay mga satirikong katha at mga komento at kritik ng lipunan.

Ang literatura, kahit kailan man ito naisulat, ay tungkol sa saloobin ng isang tao, ang kanyang mga motibo, pangangainlangan. Ang mga kagustuhan ng isang karakter ay nananatiling pareho sa kahit anong mang lugar at panahon. Ang mga emosyon sa likod ng madilim na bahagi ng pag-ibig ay maiintindihan pa rin kahit ito man ay naganap sa Othello ni Shakespeare, Tess of the D’Urvervilles ni Harding o Wuthering Heights ni Bronte. Ang literatura ay wika na nauunawaan nang lahat. Naiintindihan nang mambabasa ang sakit na nararanasan ni Hari Lear habang siya ay naglalakad sa ilalim nang malakas na hangin at ulan sapagkat ito rin ang emosyon na matatagpuan sa loob ng kaniyang puso. Hindi niya dapat maintindihan ang pampolitika na sitwasyon kung kailan isinulat ang libro, o malaman na ang isang karakter ay hango kay Oliver Cromwell para maintindihan ang mga damdamin ng pagpapahalaga sa sariling dangal at pagseselos ng Satanas ni Milton. Hindi niya dapat malaman ang nangyari sa Great Depression para ilagay niya ang kaniyang sarili sa lugar ng mga Joads at mag-empatya.

Kahit na ang mambabasa ay walang alam tungkol sa literary tradition, pwede siya magbukas ng isang akla at gawing kanya ang buhay ng isang protagonist. Ang literatura ay ang substitut para sa mga karanasan na hindi kailan man mararanasan nang mambabasa. Ang mambabasa ay pwede pumunta sa isang sea adventure at manatili sa isang isla nang 27 na taon at sa ganoong paraan masubukan ang kaniyang lakas at katatagan na hindi umaalis nang bahay. Pwede siyang tumira sa gubat tulad ni Thoreau at maranasan ang maging social climber gaya ni Becky Sharp. Hindi lamang nagbibigay daan ang literatura para mabuhay ang mambabasa sa isang mundo hindi niya pwede makamtan, siya ay pwede maging kritiko at suriin ang buhay ng ibang tao.

Pinapayagan nang literatura ang isang tao na maranasan ang buhay ngunit maging hiwalay dito. Maaaring matagpuan ng isang mambabasa ang kaniyang sarili sa gitna nang isang moral at emosyonal na kaguluhan at tignan ang abyss na hindi kinalailangan na lumukso sa ilalim nito. Siya ay nasa isang likha na mundo kung saan siya ay pinapakita ng mga dramatikong pwedeng pagpilian at sa proseso nang pagbabasa natututunan niya ang mga maaaring mangyari dahil dito. Kapag hindi alam nang isang mambabasa ang mga petsa at literary movements ay hindi ibig sabihin na hindi niya maiintindihan ang kamuhian at takot na naranasan ni Oedipus nang malaman niya ang katotohanan at makikita niya ang mangyayari kapag ipinagbili nang isang tao ang kanyang kaluluwa para sa walang hangganang kaalaman. Ang mambabasa ay maaari pa rin magmunimuni tungkol sa pagpili at responsibilidad kahit siya ay walang alam tungkol sa Ancient Greek o English Renaissance Literature.

Kahit ang mga mismong may akda ay parang walang pakialam sa mga literary movements. Si Jane Austen ay matatagpuan sa gitna ng Romantic Movement, kasama nila Shelley, Coleridge, Byron at Keats. Nakapanghihinala kung inisp man lang ni Austen ang ideyang “emotions recollected in tranquility” habang isinulat niya ang napakarestrained, sa kontekso ng Romanticism, na Pride and Prejudice.

Ang mga pinakamahusay na literatura ay hindi nakakahon sa kontekstong historikal o mga literary movements. Pinapahiwatig nito ang mga unibersal na mga katotohanan at pinapahiwatig sa mambabasa na hindi sya nag-iisa, na limang daang taon sa nakaraan, sa ibang panahon at lugar, may isang tao na may mga emosyon at saloobin na pareho sa kanya. May pag-uusap at pagkakaintindihan na nagaganap . Ang magaling na literatura ay nananatili sa kabila ng pagsubok ng panahon sapagkat ito ay makaluhugan pa rin sa alin mang lugar at panahon.