Pumunta sa nilalaman

Litsong baboy

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang litsong baboy sa Pilipinas na nililitson sa isa sa mga tindahan ng litson sa La Loma, Lungsod Quezon, Pilipinas

Ang litsong baboy (Ingles: pig roast o hog roast) ay isang kaganapan o pagtitipon na kinabibilangan ng paglilitson o pag-ihaw ng isang buong baboy. Karaniwang tradisyonal na kaganapan ang litsong baboy, na kilala sa iba't ibang pangalan, sa maraming dako kabilang ang Reyno Unido, Pilipinas, Puerto Rico at Cuba. Sikat din ito sa Estados Unidos, lalo na sa estado ng Hawaii (isang luau)[1] at sa Timog Estados Unidos (pig pickin). Sa Timog-silangang Asya, ang litsong baboy ay isang pangunahing pagkain sa mga pamayanang Budista, at Kristiyano, lalo na sa mga Katolikong Pilipino at mga Balines na Hindu, o mga Tsinong Budista.

Sa Pilipinas, ang katawagang litson na hango sa Kastilang lechón (na ibig sabihin ay biik na pasusuhin) ay maari din na tumukoy sa ibang karne tulad ng manok o baka. Bagaman, karaniwang tumutukoy ang litson sa paraan ng pagluluto ng baboy (biik man o hindi) na minsan'y nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na maluto na nakatuhog sa kawayan (o anumang pantuhog) habang nakadarang sa nagbabagang mga uling.[2][3] May kanya-kanyang paraan ng pagluluto ng litson sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas na nilalagyan ng iba't ibang uri ng pampalasa.

Mga tradisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mababakas ang tradisyon paglilitson ng baboy sa mga libong taon at matatagpuan sa maraming kultura. Maraming paraan ng paglilitson ng baboy, kabilang ang istilong pagtuhog sa baboy sa bukas na apoy na paglilitson, at istilong "caja china" na na pag-iihaw sa kahon. Maraming mga pamilya ang tradisyonal na may litsong baboy para sa Araw ng Pasasalamat o Pasko. Sa Miami at iba pang mga lugar na may malaking populasyon ng Cubano, Puerto Riqueño, Hondureño o iba pang populasyong Karibe, ang mga litsong baboy ay kadalasang ginagawa tuwing Bisperas ng Pasko ng mga pamilya at kaibigan, samantalang ang mga pamilya mula sa Hawaii ay madalas na nagdaraos ng litson sa Araw ng Paggunita.[1]

Karaniwang tradisyonal na noche buena tuwing Bisperas ng Pasko na pagkain sa Pilipinas ang litson na sentrong tinantanghal

Sa karamihan ng mga rehiyon ng Pilipinas, ang buong-litsong baboy ay kilala sa salitang hango sa Espanyol na lechón (na ibig sabihin ay biik na karaniwang binabaybay na lechon na walang tuldik, na may alternatibong baybay sa Tagalog na litson o lichon).[4] Tradisyonal itong inihahanda sa anumang araw sa buong taon para sa mga espesyal na okasyon, pagdiriwang, at mga pista opisyal. Bagama't nakuha nito ang pangalang Kastila, mayroon na bago dumating ang mga Kastila ang pag-ihaw ng baboy na isa sa mga katutubong alagang hayop ng lahat ng mga Austronesyong kalinangan at dinala sa buong Pagpapalawak ng Austronesyo hanggang Polinesya. Naiiba ito sa lechón ng mga Kastila at Amerikang Latino sa mga sangkap nito, paghahanda, at sa katotohanang gumagamit ito kadalasan ng mga adultong baboy.[4] Pinakakatulad ito sa mga kalapit na bansa na katutubong pagkain tulad ng Balines na babi guling (bagaman naiiba sa palaman at pampalasa na ginamit).[5][6] Itinuturing na isa sa mga hindi opisyal na pambansang pagkain ng Pilipinas ang litson.[7]

Maaaring tawaging "inihaw [na baboy]" sa likas na Tagalog ang litson,[8] subalit isang pangkalahatang katawagan ang "inihaw" at maaaring nangangahulugan sa Ingles na roasted (pagluluto gamit ang tuyong init kung saan tinatakpan ng mainit na hangin ang pagkain), grilled/broiled (pagluluto sa ibabaw na bahagi ng pagkain na kadalasang gingamitan ng parilya), o barbecued (gumagamit ng bukas na apoy at usok upang lutuin ang pagkain). Mas ginagamit ang katawagang "litson" sa paraan ng pagluluto ng buong baboy (biik man o hindi) na tinutuhog sa kawayan (o kahit anumang pantuhog) at iniikot ito sa nagbabagang uling.[2][3] Nilalagyan ito ng mga pampalasa at kung minsa'y mansanas sa bibig ng baboy. Kadalasang tumutukoy naman ang "inihaw na baboy" sa parte ng isang baboy (partikular liempo) na inihaw sa parilya o binarbekyu. Ang katawagang "litson" ay hindi lamang limitado sa baboy at maaring tukuyin ang ibang karne tulad ng "litsong manok" o "litsong baka".[9][10][11] Bagaman, kapag sinabing "litson" lamang, tumutukoy ito sa "litsong baboy".

Sa Cebu, kilala ang "litson" bilang inasal sa Bisaya hanggang napalitan ito ng impluwensyang Tagalog na "lechon" noong dekada 2000.[12] Bagaman, kilala pa rin naman ang katawagang "inasal" sa wikang Filipino, na tumutukoy sa "manok na inasal" ng Kanlurang Bisayas. Pinagkakaiba naman ang litsong biik (pasusuhin pa) bilang "lechon de leche" (na kalibasan na panalita sa wikang Kastila).[13][14] Ang lutuin na tahasang hinango sa istilo ng paglulutong Kastila na lechón ay kilala bilang cochinillo (mula sa cochinillo asado). Hindi tulad ng mga katutubong litsong Pilipino, gumagamit ang cochinillo ng pasusuhing biik na itinadtad at iniihaw sa hurno.[15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Pig Out! Mainland Luau" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2008-07-25.
  2. 2.0 2.1 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Lechon". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
  3. 3.0 3.1 English, Leo James (1977). "Litson, letson". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  4. 4.0 4.1 Palanca, Clinton (Disyembre 2018). "This is the Philippines' love story with pork". Smile Magazine (sa wikang Ingles). Cebu Pacific. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Oktubre 2019. Nakuha noong 1 Oktubre 2019.
  5. Paredes, Radel (5 Agosto 2012). "Lechon in Bali". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Mayo 2024.
  6. Patawaran, AA (18 Agosto 2022). "Babi guling for a spit-roast pig snob like me". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Mayo 2024.
  7. Vicky B. Bartlet (17 Disyembre 2011). "Palmonas: Make 'buko' juice as national drink". Business Mirror (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Enero 2012. Nakuha noong 26 Enero 2012. In his House Resolution 1887, Agham (Science) Party-list Rep. Angelo Palmones said the Philippines has already a number of national symbols, such as narra as national tree, sampaguita as national flower, mango as national fruit, milkfish as national fish and lechon (roast pig) as national dish.
    Minahan, James B. (23 Disyembre 2009). The Complete Guide to National Symbols and Emblems [2 volumes] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 152. ISBN 978-0-313-34497-8.
    Geis, Darlene (1961). A Colorslide Tour of the Philippines: Island Democracy : Bright Garden of the Pacific (sa wikang Ingles). Columbia Record Club. p. 11.
    Chan, Bernice (31 Agosto 2017). "The secrets to great lechon - whole roasted suckling pig that's virtually a Filipino national dish". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Hong Kong. Nakuha noong 14 Disyembre 2019.
    Winn, Patrick (20 Disyembre 2012). "Philippines: New Year's Eve Lechon". Public Radio International (sa wikang Ingles). Minneapolis. Nakuha noong 14 Disyembre 2019.
    Goodman, Vivian (26 Disyembre 2014). "Filipino community enjoys a taste of home in Akron". WKSU (sa wikang Ingles). Kent State University. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Disyembre 2019. Nakuha noong 14 Disyembre 2019.
    Gardiner, Michael A. (11 Disyembre 2017). "Pork fat rules at Porky's Lechon". San Diego City Beat (sa wikang Ingles). United States. Nakuha noong 14 Disyembre 2019.
  8. "LITSÓN". Tagalog Lang. Nakuha noong 11 Pebrero 2021.
  9. Santos, Rachelle (17 Setyembre 2014). "Lechon Manok" (sa wikang Ingles). Yummy.ph. Nakuha noong 26 Abril 2024.
  10. Reyes, Lai S. (1 Hulyo 2021). "Now roasting: Rico's Lechon Baka". PhilStar Global. Nakuha noong 26 Abril 2024.
  11. Merano, Vanjo (7 Marso 2010). "Lechon Dinner". Panlasang Pinoy (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Abril 2024.
  12. Eslao-Alix, Louella (1 Setyembre 2019). "From Pugapo to Lapu-lapu". Cebu Daily News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Pebrero 2021.
  13. Reynaldo G. Alejandro (8 Disyembre 2015). Food of the Philippines (sa wikang Ingles). Tuttle Publishing. p. 10. ISBN 978-1-4629-0545-4.
    Customs and Culture of the Philippines (sa wikang Ingles). Tuttle Publishing. 15 Hunyo 1963. pp. 112–113. ISBN 978-1-4629-1302-2.
  14. "Lechon de Leche (Roasted Piglet)". Panlasang Pinoy Meaty Recipes (sa wikang Ingles). 30 Oktubre 2014. Nakuha noong 3 Hunyo 2022.
  15. Avelis, Maribel (19 Abril 2022). "The Original Cochinillo restaurants, Yes it's where we got the plates technique, too". Cook Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Abril 2024.