Pumunta sa nilalaman

Live While We’re Young

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
"Live While We're Young"
Awitin ni One Direction
mula sa album na Take Me Home
Nilabas28 Setyembre 2012
Nai-rekord2012; Kinglet Studios (Stockholm, Sweden)
TipoBubblegum pop
Haba3:18
TatakSyco
Manunulat ng awitRami Yacoub, Carl Falk, Savan Kotecha
ProdyuserRami Yacoub, Carl Falk
Music video
"Live While We're Young" sa YouTube

Ang Live While We’re Young ay ang pangunahing isahang awit (single) ng pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction na nagmula sa kanilang ikalawang studio album na Take Me Home (2012). Isinulat nina Savan Kotecha at ng mga prodyuser na sina Rami Yacoub at Carl Falk, ang awitin ay inilabas ng Syco Records noong ika-28 ng Setyembre 2012. Sina Falk, Kotecha at Yacoub din ang nasa likod ng sumikat na mga awitin ng One Direction na What Makes You Beautiful at One Thing. Ang kanta ay mailalarawan bilang uptempo, upbeat bubblegum pop na nagtatampok ng mga rock undertones, harmonya ng mga tinig, mga palakpak, prominenteng riff ng elektronikong gitara at paulit-ulit na mga synthesizer. Ang koro ng kanta'y dominanteng tampok kasama ng tulay nito, at may mga chant na maririnig sa background. Ang pasakalyeng riff ng gitara nito'y may pagkakahawig sa isahang awit ng grupong The Clash noong 1982 na "Should I Stay or Should I Go."


Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.