Pumunta sa nilalaman

Lučka Kajfež Bogataj

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lučka Kajfež Bogataj
Kapanganakan
Lučka Kajfež Bogataj

(1957-06-28) 28 Hunyo 1957 (edad 67)
Slovenia
EdukasyonUniversity of Ljubljana
TrabahoClimatologist
Aktibong taon1999–present
ParangalBoris Kidrič Fund award (1988), Order for Merits (2008)

Si Lučka Kajfež Bogataj ay isang climatologist sa Slovenia, dalubhasa sa meteorolohiya sa agrikultura. [1][2]

Pagkabata at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtapos siya noong 1980 sa Ljubljana Faculty of Natural Science and Technology at natanggap ang kanyang titulong doktoral mula sa Faculty of Biotechnology.[3]

Karanasan sa trabaho

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Siya ay isang mananaliksik at propesor sa Unibersidad ng Ljubljana, ganap na propesor sa Faculty of Biotechnology, at pinuno sa Agrometeorology . Siya ay miyembro din ng komite sa edukasyon ng European Meteorological Society. Sa kanyang bansa siya ay itinuturing na isa sa mga tagapagpasimula sa pag-aaral ng epekto ng pagbabago ng klima, partikular sa paglago at produksyon ng agrikultura. [4] Si Bogataj ay pinangalanang miyembro ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) sa Geneva at, noong 2007, ay naging vice-chairman ng Working Group II na "Impacts, Adaptation and Vulnerability" sa paghahanda ng Ika-apat na Assesssment report ng IPCC.

Mga Pagkilala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2008, ang Pangulo noon ng Slovenia na si Danilo Türk, ay ginawadan sya ng Order of Merit para sa kanyang pang-agham na gawain partikular sa pagbabago ng klima at ang kanyang dedikasyon sa pagprotekta sa kalikasan. Bahagi siya ng pangkat ng IPCC na noong 2007, kasama si Albert Arnold (Al) Gore Jr, ay ginawaran ng Nobel Peace Prize para sa kanilang pagsisikap na buuin at ipalaganap ang mas maraming kaalaman tungkol sa pagbabago ng klima na resulta ng kagagawan ng mga tao.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Magazine, Kongres (2018-07-16). "Interview with Nobel Peace Prize Winner, Lučka Kajfež Bogataj". KONGRES – Europe Events and Meetings Industry Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Admin. "Dürre wie 2003 befürchtet". Volksgruppen. Nakuha noong 2020-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ljubljani, Univerza v. "Alumni - University of Ljubljana". www.uni-lj.si (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2021-05-06. Nakuha noong 2020-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. https://web.archive.org/web/20090704160514/http://www.gtp89.dial.pipex.com/ipccstr.htm. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-07-04. Nakuha noong 2020-04-03. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]