Pumunta sa nilalaman

Lualhati Bautista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lualhati Bautista
Kapanganakan2 Disyembre 1945
Kamatayan12 Pebrero 2023(2023-02-12) (edad 77)
Trabahonobelista; manunulat sa pelikula at telebisyon

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong 2 Disyembre 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon.

Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kuwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.

Mga gawain niya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best story-best screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra, unang gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang pantelebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards.

Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong 10 Marso 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika.[1]

Ang mga maiikling kuwento na isinulat ng mga kababaihang Pilipino ay inilimbag sa Finland ng The Finnish-Philippine Society (Ang Samahang Pinlandes-Pilipino, o FPS), isang hindi-pampahalaang organisasyon na itinatag noong 1988. Pinatnugutan at isinalin ni Riitta Vartti, at iba pa, ang Tulikärpänen. Sa Firefly: Writings by Various Authors (Alitaptap: Mga Sulatin ng Iba't Ibang May-akda), ang bersiyong Ingles ng kalipunang Pinlandes, ang sipi mula sa nobelang Pilipinong Gapô (daglat ng Olongapo) ay pinamagatang The Night in Olongapo (Ang Gabi sa Olongapo) samantalang ang sipi mula sa Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? ay pinamagatan namang Children's Party (Handaang Pambata).[2][3][4]

Ang buong salinwika ng mga pinakamahahalagang akda ni Bautista ay maaaring makabuwag sa hadlang sa palimbagang pansandaigdigan, bagaman may mga nagsasabi na ang dahilan kung bakit walang nasasagawang pagsasalinwika ay ang paggamit ni Bautista ng payak ngunit makabuluhang wika para maisalarawan ang ang mga masasalimuot na katayuang panlipunan at pangkaluluwa sa Pilipinas, isang katangian palagiang ipinagsasawalang-bahala ng mga samahang pampanitikan.[2]

  • Bulaklak sa City Jail
  • Dekada '70
  • Bata, Bata… Pa'no Ka Ginawa?
  • 'GAPÔ
  • Kan-uman sa Siyudad
  • Sa Panag-igsoonay
  • Sonata
  • Hinugot sa Tadyang (dili fiction)
  • Buwan, Buwan, Kahulugan Mo Ako ng Sundang: Duha Dekada sa Maiikling Kuwento
  • Desaparesidos

Mga Novelette

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Sila Sa Ang Gabi: Usa ka Buong Laot ug Kalahati sa Daigdig (1994)  
  • Ang Babaye sa Basag na Salamin (1994)  
  • Araw ng mga Puso  
  • Ang screenshot sa Apat Na  
  • Ang Kabilang Panig ng Bakod
  • Hugot sa Sinapupunan
  • Desisyon
  • Sumakay kita sa bulan

Mga Screenplays

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Sakada (co-writer)
  • Kung Mahawi Man ang Ulap
  • Bulaklak sa City Jail
  • Kadenang Bulaklak
  • The Maricris Sioson Story
  • Nena
  • Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?: The Screenplay
  • Dekada '70
  • Gusto Ko Nang Lumigaya (screenplay)
  • Sex Object
  • Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (television drama)

Mga Teleplays

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Dear Teacher (kauban sa magsusulat)
  • Daga sa Timba ng Tubig
  • Si Mama
  • Pira-pirasong Pangarap
  • Balintataw (titulo sa Episode: "Labinlimang Taon"; 1987)
  • Desaparesidos (1998)

Mga talaugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lualhati Bautista, Ateneo Library of Women's Writings, kinuha noong: 27 Mayo 2007
  2. 2.0 2.1 "Firefly: Writings by Various Authors (Salinwika ng mga katha ni Lualhati Bautista sa wikang Pinlandes at Ingles), pinatnugutan at isinalinwika ni Riitta Vartti, at iba pa, Our Own Voice (Ang sarili nating tinig) Hunyo 2001 (OOV Bookshelf 2001), kinuha noong: 27 Mayo 2007". Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2008. Nakuha noong 7 Marso 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Bata, Bata Pa'no Ka Ginawa? (Lea's Story/Kuwento ni Lea): Pahina ng Pamagat mula sa Geocities.com, kinuha noong: 27 Mayo 2007". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-25. Nakuha noong 2008-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Buod ng Bata, Bata Pa'no Ka Ginawa? (Lea's Story/Kuwento ni Lea), buod ng bawat kabanata, nasa wikang Ingles, mula sa Geocities.com, kinuha noong: 27 Mayo 2007". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-16. Nakuha noong 2007-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)