Pumunta sa nilalaman

Ludvík Svoboda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Ludvík Svoboda (1968)
Wangis ni Ludvík Svoboda.

Si Ludvík Svoboda (Nobyembre 25, 1895 sa Hroznatín [dating Hrovnedin], MoraviaSetyembre 20, 1979, sa Praga) ay isang was a Tsekoslobakong (o Czechoslovak) pinuno ng militar at politiko. Nakipaglaban siya noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa paglaon, naging pangulo siya ng Sosyalistang Republika ng Czechoslovakia. Pinahirapan ng mga Aleman ang kanyang labimpitong taong gulang na anak na lalaki hanggang sa mamatay. Naglingkod siya bilang ministro ng tanggulang pambansa subalit nabilanggo noong panahon ni Stalin. Pagkaraang makalaya, pagkatapos ng pagkamatay ni Stalin, pinamunuan niya ang akademyang militar ng Czechoslovakia. Nahalal siya bilang pangulo ng bansa noong 1968. Tumanggap siya ng mahigit sa 50 mga medalya, kabilang ang Amerikanong Lehiyon ng Merito. Isa siya sa mangilan-ngilang mga banyagang nabigyan ng pamagat o titulong "Bayani ng Unyong Sobyet".[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ludvik Svoboda". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 568.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.