Luis Eduardo Aute
Nangangailangan ang artikulong ito ng karagdagang mga pagsipi o sanggunian para sa pagpapatunay. (April 2020) |
Luis Eduardo Aute | |
---|---|
Kapanganakan | Luis Eduardo Aute Gutiérrez 13 Setyembre 1943 |
Kamatayan | 4 Abril 2020 | (edad 76)
Nasyonalidad | Spanish |
Trabaho |
|
Si Luis Eduardo Aute Gutiérrez, (ipinanganak noong Setyembre 13, 1943 sa Maynila) ay isang Kastilang manunugtog, mang-aawit, direktor, pintor, at makata. Siya ang may-akda ng tanyang na awit na Al Alba. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Catalunya. Siya ay punaw sa edad na 76 noong Abril 4, 2020.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Unang Taon Sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Luis Eduardo Aute ay isinilang sa Maynila noong ika-13 ng Septyembre, 1943. Ang kanyang ama ay isang Katalan (galing sa Katalunya, Espanya ) na nagtrabaho doon sa isang kumpanya ng tabako simula noong 1919 at nakapagasawa ng isang Pilipinang Espanyola.
Sa kanyang kabataan, si Aute ay nagaral sa paaralan ng La Salle kung saan siya ay natutong magsalita ng Ingles at Tagalog na wikang gamit ng kayang buong pamilya. Sa maaga niyang edad, nagpakita siya ng galing sa pagpipinta at paglililok . Ang isa pa niyang hilig noon kanyang kabataan ay ang sining ng sinehan; binigyan siya ng 8 mm kamera bilang paggbay ng kanyang mga magulang sa pagkahilig niya sa paglikha ng pelikula. Ginamit niya ito sa paggawa ng mga pelikulang pangbahay kasama ng mga kaibigan niya.
Pagbalik sa Espanya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1954, pagkatapos ng maikling panahong pagtigil sa Barcelona, Bumalik nang tuluyan si Aute sa Madrid kung saan siya ay nagaral sa Kolehiyo ng Nuestra Senyora de las Maravilas. Sa edad na 15 anyos, gamit ang bagong gitara na regalo sa kanya nung kanyang kaarawan, tumugtog siya at ng kanyang mga kaibigan bilang triyo sa salo-salo ng pagtatapos ng taon sa paaralan. Datapwat mahilig siya sa musika, biswal na sining ang kanyang pangunahing pagkahilig. Sa panahon ng kanyang kabataan, siya ay naimpluwensiyahan ng "Espresyonismong Aleman" at ginugol niya ang maraming sandali sa pagpinta na naging daan sa kanyang pagkapanalo ng medalyang pilak sa isang patimpalak ng pagpipinta para sa kabataang Espanyol.
1960s and 1970s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang balak ni Aute ay maging isang arkitekto pero umalis kaagad siya sa kanyang paaralan tungo sa karera ng musika, sining, at sinema. Siya ay nagsulat din ng mga kwentong pampelikula at maikling makdang agham . Si Aute ay tumira ng mahigit isang taon sa Pransiya pagkatapos ng kanyang serbistong miltar sa Catalunya at naging trabahador ng industriyang pelikula. Isa sa una niyang naging trabaho ay ang tagasaling wika at pangalawang katulong ng direktor na si Joseph L. Mankiewicz sa pelikulang Kleopatra (1963).[1]
Musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nang siya ay bumalik sa Espanya, Nagsimula siyang magsulat ng mga kanta para sa mga ibang mang-aawit tulad ni Massiel (Rosas en el mar). Ang kanyang awit na "Aleluya #1" ay naging tanyag sa Amerika. Pinasikat ito ng tanyag na mang-aawit na si Ed Ames sa bersyon na "Who Will Answer". Inudyukan siya ng kanyang mga kaibigan at kasamaha na isaplaka ang kanyang mga komposisyon sa kanyang sariling bersyon subalit ayaw niyang gawin nung sa una. Sinabi niya na hindi siya naaliw na gumanap sa harap ng publiko.
Datapwat, natuto rin niyang maibsan ang kanyang pagkamahiyain at inilunsad niya mga awit na tulad ng "Don Ramón" at "Made in Spain"; napasimulan din niya ang kanyang tagumpay bilang mang-aawit. Ang kanyang unang album ay Diálogos de Rodrigo y Ximena lumabas noong 1968. Noong dumating ang 1970, siya gumagawa na ng awit pang sinema para sa mga pelikula sa direksyon nina Jaime Chávarri, Luis García Berlanga, Fernando Fernán-Gómez, Fernando Méndez, at iba pa.
Noong 1977, Si Aute ay unang beses na nagkonsiyertong malaki sa Espanya. Siya ay naimbitahan ng gobyernong Kubano na makasama sa Pandaigdigang Pagdiriwang ng Kabataan (World Festival of Youth) sa Habana. Nagkasakit siya ng tuberkulosis sa pagdayo doon at napilitang magpagaling sa Kuba ng limang buwan. Habang siya ay naratay, naging matalik niyang kaibigan ang musikerong Kubano na si Silvio Rodríguez. Nakasama niya si Rodriguez sa konsiyertong Mano a Mano na naging basehan ng isang mabentang album na pang-internatyonal.
Noong 1980, Si Aute ay nagsimulang makisalamuhang pangmusika kay Luis Mendo na lumikha at magayos ng maraming niyang piyesa at mga awitin. Noong 1983, Nagtanghal si Aute sa isang konsierto - "Entre Amigos (Pasok Mga Kaibigan)", kasama sina Silvio Rodríguez, Pablo Milanés, Teddy Bautista, and Joan Manuel Serrat. Ang konsiyerto ay ginanap sa Teatro Salamanca sa Madrid. Ang konsiyertong ito ay isinaplaka. Ang album ng konsiyertng ito ay nagtamo ng maraming gantimpala at naging tanyag sa Espanya at Latinong Amerika.
Noong 1984, inilunsad niya ang "Cuerpo a cuerpo (Katawan sa katawan)", Sa unang pagkakataon ay pinaghalo niya ang kanyang sairiling mga tema sa musika at sining. Noong 1992, "Slowly (Dahan-dahan)" ay umakyat at napasama sa taas ng talaang pangmusika at sinundan pa ito ng Mano a Mano (Kamao sa Kamao) with Silvio Rodriguez pagkatapos ng isang taon.
Sining Biswal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Aute ay unang nageksibisyon pangindibidwal sa galleryang Alcon de Madrid noong 1960. Siya ay labing anim na taong gulang lang. Pagkatapos ng dalawang taon, Naganap ang pangalawa niyang eksibisyon sa Gallery Quixote ng Madrid. Tumungtung ang 1964, ang kanyang mga gawang pintang biswal ay nabenta sa Amerika doon sa Juarez Gallery in Palm Beach, Florida.
Noong 1966, Siya ay napili para sumali sa Nona Biennial de São Paulo sa Brazil, dala niya ang tatlong malaking piraso ng gawang sining. Sa maikling pagtigil sa gawaing musika, siya ay lumikha ng disenyong pabalat ng album na ngayon ay itinataguring mahalagang koleksyon para sa mga taong mahilig mangolekta. Noong 1974, Aute ay nagwagi ng Pangunahing premyo ng pagpipinta sa XXVIII Mostra Michetti sa Italia. Ang kanyang mga likha ay makikita sa mga galerya at museo sa buong Europa.
Noong dekadang 1980s, Ang mga trabaho ni Aute ay itinanghal sa mga galerya at presentasyon sa buong Europa. Noong 1987, pinaglahok niya ang tema ng album niyang "Templo" sa kanyang eksibisyong biswal. Sinunod niya ang ganitong kolaborasyon sa kanyang eksibisyon na tinagurriang "Ad Libidum". Ito ay naging sikat nang nilibot niya ang Latino Amerika at Espanya noong dekadang 1990.
Sinema at Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang interes ni Aute sa paggawa ng pelikula ay nagsimula pa sa kanyang pagkabata. Noong 1961, nilikha niya ang "Senses", isang maikling pelikula. Noong 1970, Minutos después, isang maikling pelikula sa panulat at direksyon ni Aute, ay napili sa II festival de Cine de Autor de Benalmádena. 1974, ang maikling pelikulang "A flor de piel" ay ang naging pinakahuli niyang obra sa loob ng sampung taon.
Diskograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1968.- DIÁLOGOS DE RODRIGO Y GIMENA
- 1968.- 24 CANCIONES BREVES
- 1974.- RITO
- 1974.- FORGESOUND
- 1974.- ESPUMA
- 1974.- ALBANTA
- 1976.- BABEL (CANCIONES SATÍRICAS 1968–1975)
- 1976.- SARCÓFAGO
- 1979.- DE PAR EN PAR
- 1979.- ALMA
- 1981.- FUGA
- 1981.- PASABA POR AQUÍ
- 1983.- ENTRE AMIGOS (DIRECTO)
- 1984.- CUERPO A CUERPO
- 1985.- NUDO
- 1986.- 20 CANCIONES DE AMOR Y UN POEMA DESESPERADO
- 1987.- TEMPLO
- 1989.- SEGUNDOS FUERA
- 1990.- ¡UFF!
- 1992.- SLOWLY
- 1993.- MANO A MANO
- 1994.- ANIMAL (CD-AKLAT)
- 1995.- ALEVOSÍA
- 1998.- AIRE/INVISIBLE
- 2002.- ALAS Y BALAS
- 2003.- AUTERRETRATOS VOL. 1
- 2005.- AUTERRETRATOS VOL. 2
References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ceballos, Juan (Abril 6, 2020). "Spanish singer Luis Eduardo Aute is dead". Archyde. ARCHYDE. Nakuha noong Mayo 19, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
General references
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Luis Eduardo Aute, an all-embracing artist[patay na link], cubanow.net
- Profile, cancioneros.com
- David Shea. Aute: De la luz y la sombra. El latido de una cancion, Editorio Puentepalo, Las Palmas Gran Canaria (2003)
- Profile, soypoeta.com; accessed 24 August 2017
- Transfiguraciones, Museo Nactional de Bellas Artes: Cuba. Exhibition catalog 20 March–2 June 2008