Pumunta sa nilalaman

Lumba-lumba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lumbalumba)

Lumba-lumba[1]
Temporal na saklaw: Maagang Miocene - Kailan lang
Isang Bottlenose Dolphin na sumasabay sa along sanhi ng isang bangkang de-motor
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Artiodactyla
Infraorden: Cetacea
Parvorden: Odontoceti
Kabilang na family

Delphinidae at Platanistoidea

Ang mga lumba-lumba (mas kilala sa tawag na dolphin [Ingles] o delfín [Kastila]) ay mga mamalyang pantubig na malapit na kamag-anakan ng mga balyena at mga posenido (Kastila: focénido) o porpoise sa Ingles (mga lumba-lumbang may mga pangong ilong at bibig). Mayroong halos mga 40 espesye ng mga lumba-lumba sa loob ng 17 genera. Nagkakaiba-iba sila sa laki mula sa 1.2 metro (4 na talampakan) at 40 kilogramo (88 libra), katulad ng dolpin sa Maui, Hawaii; hanggang sa 9.5 m (30 talampakan) at 10 tonelada, katulad ng mga Orka o balyenang mamamatay (Ingles: killer whale). Matatagpuan sila sa buong mundo, karamihan ang sa mga mabababaw na karagatan ng mga pitak pangkontinente. Mga kumakain ng karne (o karniboro), at halos isda at mga pusit lamang. Ang pamilyang Delphinidae ang siyang pinakamalaki sa mga Cetacea, at pinakakaylan lamang lumitaw. Lumitaw ang mga lumba-lumba nang may 10 milyong mga taon na ang nakalilipas, sa kapanahunang Miocene. Tinatanggap na ang mga dolpin na kabilang sa mga pinakamatatalinong hayop, at ang kanilang kadalasang maamong anyo at tila mapaglarong ugali ang sanhi ng kanilang kabantugan sa kalinangan ng mga tao.

Ang mga cetacean na mga balyena, mga dolphin at mga porpoise ay mga inapo ng pamilyang artiodactyle na Raoellidae na mga mammal na panglupain na inilalarawan ng bungo ng even-toed ungulate, balingkitang mga hita at tengang katulad sa mga sinaunang balyena.[2] Ang pinagmulang panglupain ng mga cetacean ay pinapakita ng kanilang paghinga mula sa ibabaw ng katubigan sa pamamagitan ng kanilang baga, ang mga buto ng kanilang mga palikpik na tulad sa mga hita ng mga mammal na panglupain at ang kanilang mga bestihiyal na likurang hita na namana sa kanilang mga ninunong panglupain na may apat na hita.

Pinagmulan ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinalaw ang pangalang dolpin mula sa matandang wikang Griyegong delphís, na may kaugnayan sa salitang Griyegong delphys (δελφυς) o sinapupunan. Samakatuwid, ang pangalan ng hayop na ito ay maaaring isalin bilang "isdang may sinapupunan".[3] Nadala ang pangalan sa pamamagitan ng salitang delphinus ng wikang Latin, ng dolfinus ng Gitnang Latin at ng daulphin ng Matandang Pranses, na muling gumamit ng mga titik na ph sa loob ng salita.

Ginagamit ang salita sa ilang magkakaibang paraan. Maaaring tumukoy ito sa:

  • Anumang miyembro ng pamilyang Delphinidae (mga lumba-lumbang pandagat),
  • Anumang miyembro ng mga pamilyang Delphinidae at Platanistoidea (lumba-lumbang pandagat at yaong pang-ilog),
  • Anumang miyembro ng sub-order na Odontoceti (mga balyenang may ngipin; kabilang dito ang mga pamilyang nabanggit sa itaas at ilang iba pa),
  • Kaswal na ginagamit bilang sinonimo o kasingkahulugan ng bottlenose dolphin (lumba-lumbang may ngusong-bote), ang pinakapangkaraniwan at pinakakilalang espesye ng mga lumba-lumba.

Katawagan sa grupo ng mga lumba-lumba

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa wikang Ingles, ang isang grupo ng mga lumba-lumba ay tinatawag na school, paaralan ng mga lumba-lumba, at pod, kalipunan ng mga lumba-lumba.

Common dolphin
Bottlenose dolphin
Spotted Dolphin
Commerson's Dolphin
Dusky Dolphin
Killer whales, also known as Orcas
The Boto, or Amazon River Dolphin

Ang 6 na species ng pamilyang Delphinidae ay karaniwang tinatawag na "mga balyena" ngunit mga henetikong mga dolphin. Sila ay minsang tinatawag na blackfish.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Lumba-lumba". UP Diksiyonaryong Filipino. 2001.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Thewissen, J.G.M., Cooper, L.N., Clementz, M.T., Bajpai, S, & Tiwari, B.N. 2007. Whales originated from aquatic artiodactyls in the Eocene epoch of India. Nature 450: 1190–1195.
  3. The American Heritage® Dictionary of the English Language (Talatinigan sa Wikang Ingles ng Pamanang Amerikano), Pang-apat na edisyon, Pinasok na lahok (online entry) ay nasa Dictionary.com, kinuha noong Disyembre 17, --~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~.
  4. "New Dolphin Species Discovered in Australia". Setyembre 15, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.