Lutuing Kastila
Ang lutuing Kastila ay kinabibilangan ng sari-saring mga pagkaing nagmula sa iba't ibang bahagi ng Ispanya. Kilala ito sa paggamit ng mga sangkap na nagmula sa mga dating kolonya nito. Ito ang isa sa mga naging batayan ng kasalukuyang lutuing Pilipino, partikular na sa pamamaraan ng pagluto.
Marami sa mga gulay na ginagamit sa lutuing Kastila ay idinala mula sa Kaamerikahan ng mga Kastilang manunuklas noong ika-15 at ika-16 dantaon. Sa kasalukuyan, ang mga gulay tulad ng kamatis, sili, patatas, at Cucurbita pepo ay malakas na nauugnay hindi lamang sa lutuing Kastila kundi pati man sa kabuuan ng lutuing Mediterano. Ilan pa sa mga gulay na madalas na ginagamit ay ang sibuyas, bawang, isparago, talong, ispinaka, repolyo, pepino, alkawsil, letsugas, at kabute.
Ang València ang pinagmulan ng paelya, isa sa mga pangunahing kasapi ng lutuing Pilipino.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.