Mabuting pamamahala
Ang mabuting pamamahala ay ang proseso ng pagsukat kung paano isinasagawa ng mga pampublikong institusyon ang mga pampublikong gawain at pinangangasiwaan ang mga pampublikong yaman at ginagarantiyahan ang pagsasakatuparan ng mga karapatang pantao sa paraang walang pang-aabuso at katiwalian at may paggalang sa pananaig ng batas. Ang pamamahala ay "ang proseso ng pagpapasya at ang proseso kung saan ipinapatupad (o hindi ipinatupad) ang mga desisyon".[1] Sa kontekstong ito, maaaring ilapat ang pamamahala sa pangkorporasyon, pandaigdigan, pambansa, o panlokal na pamamahala[1] pati na rin sa mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng ibang mga sektor ng lipunan.
Lumilitaw ang konsepto ng "mabuting pamamahala" bilang modelong panghambing ng mga di-epektibong ekonomiya o mga lupon sa politika sa mga masiglang ekonomiya at mga lupon sa politika.[2] Nakasentro ang konsepto sa pananagutan ng mga pamahalaan at mga namumunong lupon na tugunan ang mga pangangailangan ng masa kaysa sa mga piling grupo sa lipunan.Dahil mga estadong liberal-demokratiko ang mga bansang madalas na inilarawan bilang "pinakamatagumpay", na nakakonsentra sa Europa at Amerika, kadalasang sinusukat ng mga pamantayan ng mabuting pamamahala ang iba pang institusyon ng estado kumpara sa mga estadong ito.[2] Kadalasang itinutuon ng mga organisasyong tumutulong at mga awtoridad ng mga mauunlad na bansa ang kahulugan ng "mabuting pamamahala" sa talaan ng mga pangangailangan na umaayon sa adyenda ng organisasyon, kaya nagpapahiwatig ang "mabuting pamamahala" ng maraming iba't ibang bagay sa maraming iba't ibang konteksto.[3][4][5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "What is Good Governance" [Ano ang Mabuting Pamamahala]. UNESCAP (sa wikang Ingles). 2009. Nakuha noong Abril 6, 2021.
- ↑ 2.0 2.1 Khan, Mushtaq Husain (2004). State formation in Palestine: viability and governance during a social transformation: Volume 2 of Political economy of the Middle East and North Africa [Pagbubuo ng estado sa Palestina: biyabilidad at pamamahala sa panahon ng pagbabago sa lipunan: Tomo 2 ng Ekonomiyang pampolitika ng Gitnang Silangan at Hilagang Aprika] (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-0-415-33802-8. found at Google Books[patay na link]
- ↑ Agere, Sam (2000). Promoting good governance [Pagtataguyod ng mabuting pamamahala] (sa wikang Ingles). Commonwealth Secretariat. ISBN 978-0-85092-629-3.
- ↑ Fletcher, Terry; Hayes-Birchler, Andria (Enero 2023). "Is remote measurement a better assessment of internet censorship than expert analysis? Analyzing tradeoffs for international donors and advocacy organizations of current data and methodologies" [Ang malayuang pagsukat ay mas mahusay na pagtatasa ng pagsensura sa internet kaysa sa pagsusuri ng eksperto? Pagsusuri ng mga tradeoff para sa mga internasyonal na donor at mga organisasyon ng adbokasiya ng kasalukuyang data at mga pamamaraan]. Data & Policy (sa wikang Ingles). 5: e9. doi:10.1017/dap.2023.5. ISSN 2632-3249.
Habang naglalayon ang mga donor na suportahan ang mabuting pamamahala sa pamamagitan ng iba't ibang paraan ng tulong tulad ng mga proyekto, teknikal na tulong, o sa pamamagitan ng diyalogo sa patakaran tungkol sa suporta sa badyet at ginhawa sa pagkakautang, sa kabilang banda, gumamit din sila ng pamantayan sa mabuting pamamahala para sa alokasyon ng tulong. Gayunpaman, iba-iba ang pagpapatupad ng pamantayang ito ayon sa donor at ayon sa panahon. (Isinalin mula sa Ingles)
- ↑ Poluha, Eva; Rosendahl, Mona (2002). Contesting 'good' governance:crosscultural perspectives on representation, accountability and public space [Pagtutol sa 'mabutig' pamamahala: mga kroskultural na pananaw sa representasyon, pananagutan at pampublikong espasyo] (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-0-7007-1494-0.