Pumunta sa nilalaman

Magwayen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Magwayen (binaybay din minsan bilang Maguayan[1]) ay isang diyosa (o anito) ng kamatayan[2] at dagat[3][4][5] sa mitolohiyang Bisaya.[6] Sa mga sinaunang taga-Panay, siya ang nahahatid ng mga kaluluwa na tatawid sa kabilang buhay,[7] at nilikha siya ni Kan-Laon upang pambalanse kay Kaptan, ang anito ng langit. Mainitin ang ulo ni Kaptan habang mahinahon naman si Magwayen. Subalit, nagagalit din minsan si Magwayen at nagdudulot ang galit niya ng mga unos at tsunami.[8] Para sa mga Sebuwano, mag-asawa sina Kaptan at Magwayen habang tinuturing na magkalaban sila ng mga taga-Negros.[9]

Nagdarasal ang mga sinaunang Pilipinong mangingisda para masaganang paghuli ng mga isda na pinapakain sa kanilang mga barangay o pamayanan.[9]

Nilikha si Magwayen ni Kan-Laon,[9] ang sinaunang punong diyosa ng mga Hiligaynon,[10][11] bilang diyosa ng dagat at tubig at para pambalanse sa diyos ng langit na si Kaptan.[9] Magkaiba ang ugali nilang dalawa. Magagalitin si Kaptan habang kabaligtaran naman si Magwayen.[9] Bagaman, nagagalit din si Magwayen.[9] Sinasalarawan siya bilang isang ganap na babeng hubad na may dalang budyong o kabibe, at minsan ay may kalong na sanggol o kasama ng isa pang diyosa at pinpalibutan ng isda.[8] Sinasalarawan din siya bilang isang malawak na karagatan na umaabot sa kalupaan hanggang sa ilog sa kalaliman ng lupa. Dulot ng paglalarawan na ito, umusbong ang paniniwalang nahahatid siya ng kaluluwa sa kalaliman ng lupa kung saan naroon ang mga namatay.[8] Sa katangian niyang ito, naikukumpura siya sa mga sinaunang diyos ng mga Griyego na sina Poseidon, na namamahala ng dagat, at Hades, ang diyos ng mga patay.[8]

May mga kuwento na mag-asawa sina Magwayen at Kaptan at mayroon namang magkalaban sila. Sa isang kuwento,[1] may anak na babae si Magwayen na nagngangalang Lidagat, samantalang may anak na lalaki naman si Kaptan na nagngangalang Lihangin. Kinasal ang mga anak nina Magwayen at Kaptan. Nagkaroon ng mga anak sina Lidagat at Lihangin na nagngangalang Licalibutan, Liadlao, Libulan, at Lisuga. Nang naglaon, namatay sina Lidagat at Lihangin at sina Magwayen at Kaptan ang nag-alaga sa kanilang mga apo. Isang araw, nais ni Licalibutan na magkaroon pa ng karagdagang kapangyarihan. Kaya, tinawag niya ang kanyang mga kapatid na sina Liadlao at Libulan na sugurin ang kanilang lolo Kaptan sa langit. Noong una, ayaw nina Liadlao at Libulan na sumama subalit nagalit si Licalibutan at nag-atubili silang sumama. Hindi nagtagumpay ang magkakapatid at napatay sila ng kanilang lolo sa pamamagitan ng mga kidlat. Tumungo si Lisuga, ang natitirang apo, sa langit para hanapin ang kanyang mga kapatid. Sa kasamaang palad, tinamaan din siya ng kidlat ni Kaptan at namatay. Pagkatapos nito, bumaba si Kaptan mula sa langit at winasak ang dagat, at binintangan si Magwayen sa pagsugod sa langit. Tinanggi ito ni Magwayen at napakalma niya si Kaptan. Tumangis sila sa pagkawala ng kanilang apo at hindi nila gawang buhayin sila. Kaya, naging araw si Liadlao at buwan si Libulan. Habang si Lisuga ay naging bituin sa langit. Nabigyan ng liwanag ang lahat ng magkakapatid maliban kay Licabutan na naging lupa ng daigdig dahil sa kanyang kasakiman. Mapupuno ng tao ang naging lupang si Licalibutan. Kaya, binigyan ni Kaptan si Magwayen ng buto para itanim sa lupa. Tumubo ang isang kawayan mula sa butong ito at nang nahiwalay lumabas ang unang babae na si Sibacay, at unang lalaki na si Sicalac. Sinasalamin ng kuwanto na ito ang kuwento nina Malakas at Maganda, ang kuwentong-bayan ng mga Tagalog bilang unang mga tao sa mundo na nagmula din sa kawayan.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naitampok si Magwayen sa ilang mga pinta ng iba't ibang pintor.[12][13] May partikular na ilustrador, si Jap Mikel, ang gumawa ng isang obra na may pamagat na The Ultramar Leones Troop (o The Children of Sulad) na kinukuwento ang mitolohiya ni Magwayen sa makabagong panahon.[14] Sa kanyang istorya at ilustrasyon, binuhay ni Magwayen ang tatlong bata na namatay sa pagkalunod at naging mga tagapatanggol laban sa mga mananakop (partikular na sinasalamin ang mga tunay na pangyayari – ang labanan sa teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa Karagatang Kanlurang Pilipinas).[14][15]

Sa mundo ng telebisyon, si Magwayen ay naitampok sa dalawang teleserye ng GMA Network. Noong 2011 ang una na ginampanan ni Aubrey Miles ang papel na Magwayen sa teleseryeng Amaya.[16][17][18][19] Sumunod naman si Isabelle Daza noong 2013 na gumanap bilang Magwayen sa teleseryeng Indio.[8][20]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Miller, John Maurice (2004-01-01). "Philippine Folklore Stories". Project Gutenberg (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Unitas (sa wikang Ingles). University of Santo Tomás. 2008. p. 235.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Panitikan Png Pilipinas. Rex Bookstore, Inc. 1995. ISBN 978-971-23-1784-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Panganiban, José Villa; Panganiban, Consuelo Torres- (1962). A Survey of the Literature of the Filipinos (sa wikang Ingles). Limbagang Pilipino. p. 19.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Clark, Jordan (2016-02-06). "Visayan Deities in Philippine Mythology • THE ASWANG PROJECT". THE ASWANG PROJECT (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Francia, Luis H. (2013-09-18). History of the Philippines: From Indios Bravos to Filipinos (sa wikang Ingles). Abrams. ISBN 978-1-4683-1545-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The Ancient Visayan Deities of Philippine Mythology - FilipiKnow". filipiknow.net (sa wikang Ingles). 2016-05-13. Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 Gancayco, Stephanie (2016-09-15). "Magwayen, Bisayan Goddess of the Sea & Underworld + Full Moon Eclipse in Pisces". Hella Pinay (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 De Guzman, Nicai (2018-07-31). "These Characters from Filipino Mythology Would Make for Really Original TV Series". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2023-02-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Legend of Mt. Kanlaon". canlaoncity.gov.ph. Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  11. Eugenio, Damiana L. (2001). Philippine Folk Literature: The myths (sa wikang Ingles). University of the Philippines Press. ISBN 978-971-542-291-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Myths and Legends". Google Arts & Culture (sa wikang Ingles). Center for Art, New Ventures & Sustainable Development (CANVAS). Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Cajes, Michele. "Magwayen - Goddess of Sea and Underworld". 2023-02-21.
  14. 14.0 14.1 Espiritu, Monica; Go, Sabrina Joyce (2020-11-20). "A reimagined world: Filipino folklore in the 21st century". The LaSallian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. japmikel. "Jap MKL". Tumblr. Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Chane, Dishon (2020-02-25). "Aubrey Miles profile, biography, and other personal details". Kami.com.ph - Philippines news. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Miralles, Nitz (2011-06-27). "Kahit sweet pa rin kay Sam YG, Daiana kasama na sa bahay si direk GB?". Philstar.com. Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Sibonga, Glen (2015-03-02). "Aubrey Miles makes a 'big comeback' in acting via ABS-CBN's Pasion de Amor". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Fernandez, Amanda (2011-10-16). "Amaya cast, nagpasalamat sa pag-extend ng palabas". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Indio mas mainit na ang mga pangyayari". Philstar.com. Pilipino Star Ngayon. 2013-03-06. Nakuha noong 2023-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)