Pumunta sa nilalaman

Mamamalaka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mamamalaka
Western marsh harrier
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Orden: Accipitriformes
Pamilya: Accipitridae
Subpamilya: Circinae
Bonaparte, 1838
Sari: Circus
Lacépède, 1799
Tipo ng espesye
Falco aeruginosus
Linnaeus, 1758
Species

See text

Ang mamamalaka[1] ay tumutukoy sa ilang partikular na espesye ng diurnal (gising sa araw) na lawin. Minsa'y inilalagay ang mga ito sa Circinae na sub-pamilya ng mga Limbas sa pamilyang Accipitridae. Sila'y katangi-tangi dahil sa kanilang mahabang pakpak, mahaba't makitid na buntot, ang kanilang mabagal at mababang paglipad sa taas ng kadamuhan, at dahil sa kanilang kakaibang hugis ng bungo.

Ang mga mamamalaka ay karaniwang nangangaso sa pamamagitan ng paglipad nang mababa sa bukas na kalupaan, kung saan niya nahuhuli ng maliliit na mamalya, reptilya, o ibon. May dalawang espesye ng mamamalaka na madalas matagpuan sa Pilipinas: ang Circus spilonotus (pied harrier sa ingles) at Circus melanoleucos (eastern marsh harrier sa Ingles).[2]

Ang mga mamamalaka ay pinaniniwalang nag-evolve nung lumawak ng mga damuhan at nung nagsilitawan ang C4 grasses mga 6 hanggang 8 milyong taon na ang nakalilipas, noong Late Miocene at Pliocene.[3]

Northern harrier, Isang adultong lalaking Northern Harrier - isang uri ng mamamalaka mula sa Hilagang Amerika.

Ang saring Circus ay ipinasok ng French naturalist na si Bernard Germain de Lacépède noong 1799. Kinalauna'y pinangalanan espesyeng pantukoy (type species) bilang western marsh harrier (Circus aeruginosus).[4][5] Karamihan sa mga harrier ay inilalagay sa sari na ito.

Ang salitang Circus ay nagmula salitang Sinaunang Griyego na kirkos, na tumutukoy sa isang ibong mandaragit na kilala sa kaniyang paikot na paglipad (kirkos, "bilog") - marahil ang hen harrier (Circus cyaneus).[6]

Ang pangalang harrier sa ingles ay ipinapalagay na hinango mula sa Harrier (aso), o sa pamamagitan ng isang pagbabago ng salitang harrower, o di kaya'y direkta mula sa harry.[7]

Isang lalaking Montagu's harrier.
  • Montagu's harrier, Circus pygargus – Eurasia, nagtataglamig sa Africa at India
  • Hen harrier, Circus cyaneus – Eurasia
  • Northern harrier, Circus hudsonius – Hilagang Amerika[8]
  • Western marsh harrier, Circus aeruginosus – Europe, western Asia; Kasama ang Africa at India sa saklaw kapag .
  • Eastern marsh harrier, Circus spilonotus – Asia (migratory)
  • African marsh harrier, Circus ranivorus – timog at gitnang Africa
  • Swamp harrier, Circus approximans – New Zealand, Australia, mga isla sa Pasipiko
  • Papuan harrier, Circus spilothorax – New Guinea (dating itinuturing bilang isang subspecies ng C. spilonotus, pagkatapos ay C. approximans, ngunit ngayon ay itinuturing na naiiba)
  • Malagasy harrier, Circus macrosceles (dating nasa C. maillardi ) – Indian Ocean (Madagascar at ang Comoro Islands)
  • Réunion harrier, Circus maillardi – (Indian Ocean) Réunion Island
  • Long-winged harrier, Circus buffoni – South America
  • Spotted harrier, Circus assimilis – Australia, Indonesia
  • Black harrier, Circus maurus – timog Africa
  • Cinereous harrier, Circus cinereus – South America
  • Pallid harrier, Circus macrourus – migratory: silangang Europa, Asia, Africa (taglamig)
  • Pied harrier, Circus melanoleucos – Asia
  • Eyles's harrier, Circus eylesi (prehistoric)
  • Wood harrier, Circus dossenus (prehistoric)

Tradisyonal na inasama ang sub-pamilya na Circinae ang genera na Polyboroides at Geranospiza na kinabibilangan ng tatlong species - ang Madagascar harrier-hawk, (Polyboroides radiatus), ang African harrier-hawk, (Polyboroides typus) at ang crane hawk, (Geranospiza caerulescens). Gayunpaman, maaaring hindi ito isang balidong sub-pamilya dahil ang saring monophyletic na Circus ay nakapugad sa loob ng mga grupong Accipiter habang ang iba pang dalawang genera ay paraphyletic at bahagi ng mas malaking clado na Buteonine.

Maraming mga species sa genus Circus ay may kakaunting pagkakaiba-iba sa kanilang mitochondrial DNA, marahil dahil sa matinding pagbaba ng kanilang populasyon. Madalas pagbabago-bago ang kanilang dami sa isang lugar, batay sa dami ng kanilang mahuhuling pagkain.[9][10]

Katawagan sa ibang wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mamamalaka ay kilala sa pangalang "harrier" sa wikang ingles,[1] at ang dalawang espesye na madalas matagpuan sa Pilipinas ay may magkaibang pangalan sa wikang Agta: "buko" ang kanilang pangalan para sa Circus spilonotus, at "tagaw" naman ang tawag nila sa Circus melanoleucos.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Almario, Virgilio, pat. (2010). "mamamalaka". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Ploeg, J., & Weerd, M. V. (2010). Agta bird names: an ethno-ornithological survey in the Northern Sierra Madre Natural Park, Philippines. Forktail, 26, 127-131.
  3. Oatley, Graeme; Simmons, Robert E.; Fuchs, Jérôme (2015). "A molecular phylogeny of the harriers (Circus, Accipitridae) indicate the role of long distance dispersal and migration in diversification". Molecular Phylogenetics and Evolution. 85: 150–60. doi:10.1016/j.ympev.2015.01.013. PMID 25701771.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mayr, Ernst; Cottrell, G. William, mga pat. (1979). Check-list of Birds of the World. Volume 1 (ika-2nd (na) edisyon). Cambridge, Massachusetts: Museum of Comparative Zoology. p. 316.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lesson, René P. (1828). Manuel d'ornithologie, ou Description des genres et des principales espèces d'oiseaux (sa wikang Pranses). Bol. 1. Paris: Roret. p. 105.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Jobling, James A. (2010). The Helm Dictionary of Scientific Bird Names. London: Christopher Helm. p. 109. ISBN 978-1-4081-2501-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Hogg, John (1845). "A catalogue of birds observed in South-eastern Durham and in North-western Cleveland". The Zoologist. 3: 1049–1063.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Etherington, Graham J.; Mobley, Jason A. (2016). "Molecular phylogeny, morphology and life-history comparisons within Circus cyaneus reveal the presence of two distinct evolutionary lineages". Avian Research. 7. doi:10.1186/s40657-016-0052-3.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Griffiths, Carole S.; Barrowclough, George F.; Groth, Jeff G.; Mertz, Lisa A. (2007). "Phylogeny, diversity, and classification of the Accipitridae based on DNA sequences of the RAG-1 exon". Journal of Avian Biology. 38 (5): 587–602. doi:10.1111/j.2007.0908-8857.03971.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Fuchs, Jérôme; Simmons, Robert E.; Mindell, David P.; Bowie, Rauri C. K.; Oatley, Graeme (2014). "Lack of mtDNA genetic diversity in the Black Harrier Circus maurus, a Southern African endemic". Ibis. 156: 227–230. doi:10.1111/ibi.12103.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]