Pumunta sa nilalaman

Managua

Mga koordinado: 12°09′16″N 86°16′26″W / 12.1544°N 86.2738°W / 12.1544; -86.2738
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Managua
big city, municipality of Nicaragua
Watawat ng Managua
Watawat
Eskudo de armas ng Managua
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 12°09′16″N 86°16′26″W / 12.1544°N 86.2738°W / 12.1544; -86.2738
Bansa Nicaragua
LokasyonManagua Department, Nicaragua
Itinatag24 Marso 1819 (Huliyano)
Lawak
 • Kabuuan267.2 km2 (103.2 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2005, Senso)
 • Kabuuan937,489
 • Kapal3,500/km2 (9,100/milya kuwadrado)
Websaythttp://www.managua.gob.ni

Ang Managua (pagbigkas sa wikang Kastila: [maˈnaɣwa]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Nicaragua, at sentro ng isang departamentong may parehong pangalan din. Matatagpuan sa timog-kanlurang baybayin ng Lawa ng Managua at sa loob ng Departamento ng Managua, tinatayang nasa 1,042,641 ang populasyon nito noong 2016 sa loob ng administratibong hangganan ng lungsod[1] at isang populasyon na 1,401,687[1] sa kalakhang lugar nito, na karagdagang kabilang ang Ciudad Sandino, El Crucero, Nindirí, Ticuantepe at Tipitapa.[2]

Dinideklera ang lungsod bilang pambansang kabisera noong 1852.[3][4] Noong nakaraan, nagpapalit-palit ang kabisera sa pagitan ng mga lungsod ng León at Granada.

May dalawang posibleng pinagmulan ng pangalang "Managua". Maaring nagmula ito sa katawagang Mana-ahuac, na sa katutubong wikang Nahuatl ay sinasalin bilang "katabi sa tubig" o ang lugar na "pinapaligiran ng tubig."[3][4] O, maari itong nagmula sa wikang Mangue, kung saan ang salitang managua ay sinasabing nangangahulugang "lugar ng malaking tao" o "pinuno."[5] Tinatawag ang mga residente ng lungsod bilang managuas, managüenses, o capitalinos.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Anuario Estadístico 2015 (PDF) (Ulat) (sa wikang Kastila). INIDE. Pebrero 2016. pp. 2, 51. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong Disyembre 15, 2017. Nakuha noong Disyembre 1, 2017.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Proyecto NIC10-59044: Promoción de un Transporte Ambientalmente Sostenible para Managua Metropolitana (PDF) (Ulat) (sa wikang Kastila). UNDP, Pamahalaan ng Nicaragua. Hulyo 2008. p. 9. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2016-05-09. Nakuha noong 2016-04-24.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Managua". La Prensa (sa wikang Kastila). Marso 9, 2006. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 11, 2013. Nakuha noong Hunyo 19, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Resurge el centro de Managua en busca de su antiguo esplendor" [The center of Managua resurges in search of its old splendor]. El Nuevo Diario (sa wikang Kastila). Pebrero 1, 2014. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 9, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Richard Arghiris (Abril 10, 2014). Nicaragua Footprint Handbook (sa wikang Ingles). Footprint Travel Guides. p. 36. ISBN 978-1-907263-89-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)