Manila American Cemetery and Memorial

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Manila American Cemetery and Memorial

Ang Manila American Cemetery and Memorial (sa Tagalog: Libingan at Pang-alaala ng Amerikano sa Maynila) ay isang libingan itinatag noong 1948 na matatagpuan sa Fort Bonifacio, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila sa Pilipinas na nasa loob ng mga hangganan ng dating Fort William McKinley. Nasa 152 akre ang lawak nito na may kabuuang 17,206 nitso. Ito ang pinakamalaking bilang ng mga nitso ng anumang libingan para sa mga tauhan panghukbo ng Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay naglalaman rin ng mga namatay na Pilipino at iba pang lahi. Pag-aari ng American Battle Monuments Commission ang libingan.