Pumunta sa nilalaman

Manok at kaning Hainanes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Manok at kaning Hainanes
Manok at kaning Hainanes sa isang Singapurenseng kainan
Ibang tawagHainanese chicken rice, Hainan chicken, chicken rice, Hainan chicken rice, nasi ayam, khao man gai, khao man kai
Rehiyon o bansaMga rehiyon ng Timog-silangang Asya na may populasyong Tsino[1][2][3]
Kaugnay na lutuinSingapura, Taylandiya, Myanmar, Indonesya, Malasya, Biyetnam, Kambodya
Pangunahing SangkapManok, sabaw ng manok, taba ng manok, kanin, pipino
Enerhiya ng pagkain
(per paghain)
670 kcal (2805 kJ)
Manok at kaning Hainanes
Tradisyunal na Tsino海南雞飯
Pinapayak na Tsino海南鸡饭
Kahulugang literalHainan manok kanin
Mga transkripsyon
Pamantayang Mandarin
Hanyu PinyinHǎinán jīfàn
Hakka
Romanisasyonhoi nam gai fan
Yue: Kantones
Jyutpinghoi2 naam4 gai1 faan6
Southern Min
Hokkien POJhái-lâm-kue-pn̄g, hái-lâm-ke-pn̄g

Ang manok at kaning Hainanes o Hainanese chicken rice ay isang ulam na binubuo ng nilaga o inihaw na manok na may kasamang tinimplang kanin. Inihahain ito kasama ng sarsang sili, at karaniwang sinasamahan ng pipino, mga hiwa ng kamatis o palamuting kulantro.[4] Nilikha ito ng mga imigrante mula sa Hainan sa timog Tsina at hinango mula sa mga putaheng Hainanes na manok na Wenchang at manok at kaning Wenchang.[5][6]

Malawak itong itinuturing na isa sa mga pambansang putahe ng Singapura,[7][8] at kadalasang iniuugnay sa lutuing Singapurense,[9] dahil karaniwan itong mabibili sa karamihan ng mga kainan at hokeran sa buong bansa.[8] Makikita rin ang mga baryante ng putaheng ito sa buong Timog-Silangang Asya kung saan nanirahan ang mga Hainanes, lalo na sa Indonesya, Malasya, Taylandiya, at Biyetnam, kung saan nananatili itong isang pangunahing putahe.

Hainanes na manok mula sa Lungsod ng Jiangyin

Ang manok at kaning Hainanes ay isang ulam na hinango mula sa mga unang imigranteng Tsino na nagmula sa lalawigan ng Hainan sa timog Tsina.[1] Batay ito sa isang kilalang putaheng Hainanes na tinatawag na manok na Wenchang, na isa sa apat na mahahalagang putahe ng Hainan na nagmula pa noong Dinastiyang Qing.[10] Ang orihinal na putahe ay iniangkop ng mga Hainanes na Tsino sa ibayong dagat sa rehiyon ng Nanyang (kasalukuyang Timog-Silangang Asya).[11][12][13][14][15] Tradisyonal na gumagamit ang mga Hainanes sa Tsina ng isang partikular na lahi ng manok, ang manok na Wenchang, upang ihanda ang putaheng ito.[1] Karaniwan nilang niluluto ang kanin gamit ang natirang sabaw ng manok upang makalikha ng putaheng kilala bilang "Manok at kaning Wenchang" (文昌鸡饭).[5] Nanatiling putahe para sa mga espesyal na okasyon ang manok at kaning Wenchang sa mga tahanan ng mga Hainanes sa Singapura hanggang noong dekada 1940.[6]

May magkakatulad na tradisyon ng mga putaheng may tinimplahang kanin sa Hainan at sa Tangway ng Leizhou. Ang manok at kaning Wenchang ay malapit na nauugnay sa isa pang putaheng kani't manok na kilala bilang manok at kaning Anpu (安铺鸡饭) mula sa Zhanjiang sa kanlurang lalawigan ng Guangdong, at pinaniniwalaang maaaring nauna ang manok at kaning Anpu sa manok at kaning Wenchang.[16][17][18] Kilala rin ang lungsod ng Zhanjiang sa kani't hitso (蛤蒌饭)[19] at kani't pato (鸭仔饭).[20]

Halos bawat bansa sa Asya na may kasaysayan ng imigrasyon mula sa Tsina ay may sariling bersiyon ng manok at kaning Hainanes.[10] Ayon sa San Francisco Chronicle, "isinasalamin ng ulam ang 150 taon ng imigrasyon mula sa Pulo ng Hainan sa Tsina... patungong Singapura at Malasya, kung saan karaniwang kilala ito bilang manok at kaning Hainan; sa Biyetnam, kung saan tinatawag itong "manok na Hai Nam"; at sa Taylandiya, kung saan kilala ito bilang khao man gai ("taba ng manok at kanin").[12][21]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 2 3 Lisa Cam (25 Hulyo 2018). "So, if Hainan chicken didn't come from Hainan, where is it from" [Kaya, kung hindi nagmula ang Hainanes na manok sa Hainan, saan ito nanggaling?] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 March 2019. Nakuha noong 13 Hunyo 2021.
  2. ↑ "Food Museum and Gallery: Who's the first Chicken Rice hawker in Singapore?" [Museo at Galeriya ng Pagkain: Sino ang unang nagtinda ng Chicken Rice sa Singapura?]. Makansutra. Oktubre 14, 2014. Nakuha noong Setyembre 26, 2021. Ipinakikita ng galeriya ng pagkain ang isang pangkalahatang-ideya ng sampung putaheng karaniwan at natatangi sa Singaura... Ayon sa galeriya, si Wang Yiyuan ang unang nagpakilala ng chicken rice sa Singapura. Nagsimula siyang magbenta ng mga bolang chicken rice na nakabalot sa dahon ng saging bilang isang naglalakong tindero noong dekada 1920 (Pambansang Museo ng Singapura, 2014).
  3. ↑ "The Most Popular Malaysian Chinese Dishes and Its Origins" [Ang Pinakasikat na mga Lutuing Tsino ng Malasya at ang Pinagmulan Nito]. Convergence by Malaysia Airports Holdings Berhad (MAHB). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2022. Nakuha noong Setyembre 26, 2021. [Karamihan sa mga sanggunian ay magsasabi na ang ulam na chicken rice na kilala bilang Manok at Kaning Hainanes na sikat sa Timog-silangang Asya nitong mga araw ay nilikha ng mga Singapurense, na may ilang pagtatantya na nagmula pa noong dekada 1920. Sinasabing ito ang panahon nang isang G. Wang Yiyuan ang nagdala ng ulam mula sa Tsina at nagbenta ng mga bola-bolang kaning manok mula sa kanyang puwesto sa tindahan.]
  4. ↑ "Hainanese Chicken Rice in Singapore" [Manok at Kaning Hainanes sa Singapura] (sa wikang Ingles). Visit Singapore Official Site. Nakuha noong Hulyo 15, 2020.
  5. 1 2 "海南文昌鸡饭,一起海南网". www.17uhn.com (sa wikang Tsino). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Enero 2022. Nakuha noong 2022-04-15.
  6. 1 2 "Hainanese Chicken Rice" [Manok at Kaning Hainanes]. www.sg101.gov.sg (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-01-11. Nakuha noong 2023-01-11.
  7. ↑ "Singapore's de-facto national dish in the crossfire as Malaysia bans chicken exports" [Nadamay ang de-paktong pambansang ulam ng Singapura sa pagbabawal ng Malasya sa pagluwas ng manok] (sa wikang Ingles). Reuters. Hunyo 1, 2022. Nakuha noong Marso 15, 2024.
  8. 1 2 "Chicken Rice" [Kani't Manok] (sa wikang Ingles). Roots.sg. Nakuha noong March 15, 2024. [Ang chicken rice ay isang ulam na makikita sa halos lahat ng kainan sa Singapura, mula sa mga hokeran hanggang sa mga mamahaling restoran. Pinuri ito bilang isa sa mga "pambansang putahe" ng Singapura.]
  9. ↑ "In search of Singapore's beloved national dish in San Francisco" [Sa paghahanap ng paboritong pambansang ulam ng Singapura sa San Francisco] (sa wikang Ingles). San Francisco Standard. Agosto 16, 2023. Nakuha noong Marso 15, 2024. [Nadagdagan pa ng mga kakaibang lasa ang pagkalat nito sa Timog Asya, mula Biyetnam hanggang Singapura—kung saan ito kilala bilang isang pambansang ulam—mula Malasya hanggang Taylandiya.]
  10. 1 2 O'Change, Hanji (Marso 29, 2017). "The Way Rice Should Be: Hainanese Chicken Rice" [Ganito Dapat ang Kanin: Manok at Kaning Hainanes] (sa wikang Ingles). Free Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Enero 2019. Nakuha noong Enero 7, 2026.
  11. ↑ "Chicken Rice" (sa wikang Ingles). VisitSingapore.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2018. Nakuha noong 13 Enero 2019.
  12. 1 2 "Dipping sauce and a little controversy: who knew chicken rice had such 'wow' factor" [Sawsawan at kaunting kontrobersiya: sino ang mag-aakalang ang chicken rice ay may kakaibang 'wow' factor?]. SBS (sa wikang Ingles). 21 Enero 2019. Nakuha noong 2020-11-14.
  13. ↑ Benton, G. A. "10 Best Restaurants of 2019: #4 Service Bar" [10 Pinakamahusay na Restaurant ng 2019: #4 Service Bar]. Columbus Monthly (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2021. Nakuha noong 2020-11-14.
  14. ↑ "A Brief History of Hainanese Chicken Rice, Singapore's National Dish" [Isang Maikling Kasaysayan ng Manok at Kaning Hainanes, Pambansang Putahe ng Singapura] (sa wikang Ingles). The Culture Trip. Enero 24, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2020. Nakuha noong Hulyo 15, 2020.
  15. ↑ Kugiya, Hugo. "Singapore's national dish: Hainan chicken rice" [Pambansang ulam ng Singapura: Manok at kaning Hainan] (sa wikang Ingles). Crosscut. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Agosto 2011. Nakuha noong 13 Enero 2019.
  16. ↑ "安铺鸡饭 广东省人民政府门户网站". www.gd.gov.cn (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2024-02-08.
  17. ↑ "安铺鸡饭_饮食文化_听遍湛江—湛江特色音频资源库". zhanjiang.ibeimen.com (sa wikang Tsino). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Pebrero 2024. Nakuha noong 2024-02-08.
  18. ↑ "廉江安铺特色美食 之"安铺鸡饭"吸引四方客!_廉江市". www.sohu.com (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2024-02-08.[patay na link]
  19. ↑ "蛤蔞飯:飲食文化,食品做法,原料特徵,功效作用,_中文百科全書". www.newton.com.tw (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2024-02-08.
  20. ↑ "鸭仔饭 广东省人民政府门户网站". www.gd.gov.cn (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2024-02-08.
  21. ↑ Kauffman, Jonathan (3 Pebrero 2016). "Hainanese chicken rice: Southeast Asia's ever-evolving comfort food" [Manok at kaning Hainanes: Ang patuloy na nagbabagong pagkaing pampaginhawa sa Timog-silangang Asya]. San Francisco Chronicle (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Enero 2019. Nakuha noong 13 Enero 2019.