Pumunta sa nilalaman

Manuel Morales

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si San Manuel Morales (1898-1926) ay isang Mehikanong santo at martir na nagmula sa Mesillas, Mehiko. Isa siyang ama at asawa na naglingkod bilang pangulo ng Pambansang Liga para sa Pagtatanggol ng Kalayaang Pampananampalataya (National League for the Defense of Religious Liberty), isang samahang nagtatanggol ng mga Katolikong Mehikano laban sa pag-uusig ng sekularistang pamahalaan ng Mehiko. Pagkaraan ng unang pagpupulong ng samahan, dinakip ng mga sundalong Mehikano si Morales at iba pang mga opisyal ng samahan. Noong Agosto 15, 1926, dinala si Morales, kasama sina San Luis Batis Sainz, San Salvador Lara Puente, at San David Roldan upang parusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril. Bagaman nagsumamo si Padre Batis Sainz sa mga sundalo na huwag kitilin ang buhay ni Morales alang-alang sa kanyang mga anak, nagpahayag si Morales na mamamatay siya para sa Diyos, at nanalig siyang pangangalagaan ng Diyos ang kanyang mga anak.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Magnificat, Bol. 11, Blg. 6, Agosto 2009, pahina 122.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.