Pumunta sa nilalaman

Manuel L. Quezon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Manuel Quezon)

Manuel Luis Quezon y Molina

Quezon in November 1942

Ika-2 Pangulo ng Pilipinas
Nasa puwesto
Naglingkod kasama si Jose P. Laurel
15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944
Pangalawang PanguloSergio Osmeña
Nakaraang sinundan
Sinundan ni
Nasa puwesto
16 July 1941 – 11 December 1941
PanguloHimself
Nakaraang sinundanTeófilo Sison
Sinundan niJorge B. Vargas
Ika-1 Pangulo ng Senado ng Pilipinas
Nasa puwesto
29 Agosto 1916 – 15 Nobyembre 1935
Sinundan ni
Mayor of Quezon City
Nasa puwesto
12 October 1939 – 4 November 1939
Nakaraang sinundanPosition established
Sinundan niTomas Morato
Senator of the Philippines from the 5th district
Nasa puwesto
16 October 1916 – 15 November 1935
Nagsisilbi kasama ni
Nakaraang sinundanPosition established
Sinundan niPosition abolished
Resident Commissioner of the Philippines
Nasa puwesto
23 November 1909 – 15 October 1916
Nagsisilbi kasama ni
Nakaraang sinundanPablo Ocampo
Sinundan niTeodoro R. Yangco
Assembly Majority Leader
Nasa puwesto
16 October 1907 – 23 November 1909
Nakaraang sinundanPosition established
Sinundan niAlberto Barreto
Member of the Philippine Assembly from Tayabas's 1st district
Nasa puwesto
16 October 1907 – 15 May 1909
Nakaraang sinundanPosition established
Sinundan niFilemon Pérez
Governor of Tayabas
Nasa puwesto
1906–1907
Nakaraang sinundanRicardo G. Parás
Sinundan niAlfredo Castro
Member of the Lucena Municipal Council
Nasa puwesto
1906–1906
Personal na detalye
Isinilang
Manuel Luis Quezon y Molina

19 Agosto 1878(1878-08-19)
Baler, El Príncipe, Captaincy General of the Philippines (now Baler, Aurora, Philippines)
Yumao1 Agosto 1944(1944-08-01) (edad 65)
Saranac Lake, New York, U.S.
Dahilan ng pagkamatayTuberculosis
Himlayan
Partidong pampolitikaNacionalista (1907–1944)
AsawaAurora Aragon (k. 1918)
Anak4
KaanakManuel L. Quezon III (grandson)
EdukasyonColegio de San Juan de Letran
Alma materUniversity of Santo Tomas
Pirma
Serbisyo sa militar
Katapatan
Sangay/Serbisyo
Taon sa lingkod
  • 1899–1900
  • 1941–1944
Ranggo
Labanan/Digmaan

Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878Agosto 1, 1944), kilala rin sa kanyang mga inisyal na MLQ, ay Pilipinong sundalo, abogado, at politiko na itinatagurian bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kung saan pinangunahan niya ang Amerikanong Komonwelt mula 1935 hanggang 1944.

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[kailangan ng sanggunian]

Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[kailangan ng sanggunian]

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[kailangan ng sanggunian]

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.[kailangan ng sanggunian] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon. Siya rin ay tinawag bilang Ama ng Wikang Pambansa.

Talambuhay

Maagang buhay

Si Quezon ay ipinanganak sa Baler sa distrito ng El Principe. Ang kanyang mga magulang ang mga Espanyol na sina Lucio Quezón at María Dolores Molina. Ang kanyang ama ay isang guro ng panimulang baitang mula sa Paco, Maynila at isang retiradong sarhento ng hukbong Espanyol samantalang ang kanyang ina ay isang guro ng panimulang baitang sa kanilang bayan.

Siya ay nag-aral sa mga panimulang baitang sa mga libreng pampublikong paaralan na itinatatag ng mga Espanyol sa Pilipinas sa kanyang bayan. Siya ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran sa mataas na paaralan. Noong 1898, ang kanyang ama at kapatid na si Pedro ay tinambangan at pinaslang habang pauwi sa Baler mula Nueva Ecija. Noong 1899, si Quezon ay huminto sa kanyang pag-aaral ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila upang sumali sa pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Noong Digmaang Pilipino-Amerikano, siya ay isang ayuda-de-campo kay Aguinaldo. Siya ay umakyat sa ranggong Major at lumaban sa Bataan. Pagkatapos niyang sumuko noong 1900, si Quezon ay bumalik sa unibersidad upang tapusin ang kanyang pag-aaral at nakapasa sa mga eksaminasyon sa batas noong 1903 na naging ikaapat sa mga kumuha nito.

Siya ay nagtrabaho bilang isang clerk at surveyor. Siya ay pumasok sa serbisyong pampamahalaan bilang hinirang na piskal ng Mindoro at kalaunan ng Tayabas. Siya ay naging konsehal at nahalal na gobernador ng Tayabas noong 1906.

Pinakasalan ni Quezon ang kanyang unang pinsan na si Aurora Aragon noong 17 Disyembre 1918. Sila ay may apat na anak.

Kongreso

Kinatawan

Si Quezon ay nahalal sa unang Asembleyang Pilipino noong 1907 na kalaunang naging Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Siya ay naglingkod na majority floor leader at chairman of the committee sa mga apropriasyon. Mula 1909–1916, siya ay nagsilbing isa sa dalawang mga komisyoner sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados. Siya ay naglobby para sa pagpasa ng mga kinatawan ng Estados Unidos ng Philippine Autonomy Act o Jones Law.

Senado

Si Quezon ay bumalik sa Maynila noong 1916 at tumakbo at nahalal sa Senado ng Pilipinas. Siya ay kalauanng naging Pangulo ng Senado sa 19 taon hanggang 1935. Pinamunuan niya ang unang Indendiyenteng Misyon sa Kongreso ng Estados Unidos noong 1919 na nagpasa ng Batas Tydings-McDuffie noong 1934. Noong 1922, siya ay naging pinuno ng Partido Nacionalista.

Bilang Pangulo

Inaugurasyon ni Manuel L. Quezon bilang pangulo noong 15 Nobyembre 1935.

Noong 1935, Si Quezon ay tumakbo at nahalal na pangulo ng Pilipinas. Nakamit niya ang 68% laban kina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay. Siya ang ikalawang pangulo ng Pilipinas pagkatapos ni Aguinaldo.

Unang Termino

Ekonomiya

Ang kondisyon sa ekonomiya ng Pilipinas na nasa ilalim ng Estados Unidos ay matatag. Ang kalakalang pandayuhan ay umabot sa kasagsagang 400 milyong piso. Ang pagluluwas ng mga pananim ay maganda maliban sa tabako. Ang halaga ng mga inululuwas ng Pilipinas ay umabot ng 320,896,000 piso na pinakamataas simula 1929. Ang mga kinita ng pamahalaan ay umabot ng 76,675,000 piso noong 1936 mula 65,000,000 piso ng nakaraang taon. Ang produksiyon ng ginto ay tumaas ng mga 37% at ang bakal sa halos 100% samantalang ang produksiyon ng semento ay lumaki ng 14%. Ang National Economic Council ay nilikha ng batas. Ito ay nagpapayo sa pamahalaan sa mga tanong na pang-ekonomiya at pangsalapi kabilang ang pagtataguyod ng mga industriya, dibersipikasyon ng mga pananim, mga taripa, pagbubuwis at pagbuo ng programang pang-ekonomiya.

Pambansang wika

Ang isang probisyon sa konstitusyong ipinatupad ni Quezon ang tanong hinggil sa pambansang wika ng Pilipinas. Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang Surian ng Wikang Pambansa na itinatag noong 1936 ay nagrekomenda na ang wikang Tagalog ang gawing basehan ng pambansang wika. Ang mungkahing ito ay mahusay na tinanggap sa kabila ng pagiging katutubong Bisaya ng unang direktor nitong si Jaime C. de Veyra. Noong Disyembre 1938, si Quezon ay naglabas ng proklamasyon na nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari ang pag-tanggap ng pambansang wika sa loob ng dalawang taon mula dito.

Karapatang pagboto ng mga kababaihan

Sinimulan ni Quezon ang karapatang pagboto ng mga kababaihan. Ang 1935 konstitusyon ay nag-aatas na ang karapatan ay maipagkakaloob kapag ang hindi kaunti sa 300,000 ay aayon sa plebisito. Ang pamahalaan ni Quezon ay nag-utos ng isang plebisito noong 3 Abril 1937. Ang kinalabasan ng plebisito ay pag-ayon ng 447,725 laban sa pagtutol na 44,307

1940 plebisito

Kasabay ng mga lokal na halalan noong 1940, ang isa pang plebisito ay idinaos upang pagtibayin ang iminungkahing mga susog sa Konstitusyon hinggil sa pagpapanumbalik ng lehislaturang bikameral, ang termino ng pangulo na itatakda sa apat na taon na may isang muling paghalal at ang pagtatatag ng independiyenteng Komisyon sa Halalan. Ang mga susog ay pinagtibay at sina Speaker Jose Yulo at Assemblyman Dominador Tan ay tumungo sa Estados Unidos upang kunin ang pagpapatibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt na ibinigay nito noong 2 Disyembre 1940. Pagkatapos ng dalawang araw, ito ay prinoklama ni Quezon.

Ikalawang termino

Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na pumapayag sa kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng pagkapangulo noong 1941 na may halos 82 porsiyento laban kay Juan Sumulong.

Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ni Quezon sa Estados Unidos
Paglapag ng mga Hapones sa Corregidor noong 5 Mayo 1942.
Si Quezon kasama ni Pangulong Franklin D. Roosevelt sa Washington, D.C. sa Estados Unidos noong 13 Mayo 1943.

Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941, sina Heneral Douglas MacArthur at Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24 Disyembre 1941. Si Quezon ay pinayuhan ni Macarthur na lumikas sa Corregidor kung saan isinagawa ang kanyang inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre 1941. Ang mga Hapones ay pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito bilang kabisera. Buong nasakop ng Hapon ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942 pagkatapos ng Labanan ng Corregidor. Pagkatapos ay lumikas si Quezon sa Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng pamahalaan ng Estados Unidos ay lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos ay itinatag niya ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may mga headquarter sa Washington, D.C.. Doon ay nagsilbi siyang kasapi ng Pacific War Council at lumagda sa deklarasyon ng United Nations laban sa mga kapangyarihang Aksis. Kanya ring isinulat ang kanyang sariling talambuhay.

Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang Komonwelt ng Pilipinas at itinatag ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na si Jorge B. Vargas ang unang chairman noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap noong 8 Disyembre 1942 na nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na partidong pampolitika at paglikha ng mga bagong alyansang pamahalaan. Bago ang pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng Hapon ng opsiyon na isailalim ang Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte na ibinalik ng mga Hapones mula sa Yokohama. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing republika ang Pilipinas. Sa unang pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro Hideki Tōjō noong 6 Mayo 1943 ay nangako siyang ibabalik ang kalayaan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pan-Asyanismo nito o Asya para sa Asyano. Ito ay nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng komiteng paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas noong 19 Hunyo 1943. Ang isang draptong konstitusyon ay binuo ng komisyon na binubuo ng 20 kasapi mula sa KALIBAPI. Ito ay pinamunuan ni Jose P. Laurel na nagtanghal ng draptong konstitusyon noong Setyemre 4,1943 at pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng pangakalahatang asemblea ng KALIBAPI. Noong 20 Setyembre 1943, hinalal ng mga pangkat na kinatawan ng KALIBAPI sa mga probinsiya at siyudad mula sa kanilang sarili ang 54 kasapi ng Pambansang Asemblea ng Pilipinas na may 54 gobernador at mga alkalde ng lungsod bilang mga kasaping ex-oficio. Pagkatapos ng 3 araw, ang sesyon ng Pambansang Asemblea ay humalal kina Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at Benigno S. Aquino bilang unang speaker nito. Itinaas nina Aguinaldo at Ricarte ang watawat ng Pilipinas.

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, ang termino ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ay magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo na si Sergio Osmeña ang automatikong halili sa kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmeña kay Quezon ngunit naniwala si Quezon na hindi matalinong ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga kasalukuyang sirkunstansiya ng pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmena at hiniling ang opinyon ni U.S. Attorney General Homer Cummings na umayon kay Osmeña. Gayunpaman, ito ay hindi tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos na magbigay ng desisyon ngunit ito'y tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong ito ay lutasin ng mga opisyal ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong, hiniling ni Osmena sa Kongreso ng Estados Unidos na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tadhana ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang pagkatapos mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng kanyang Gabinete. Ang panukala ay pinagtibay ng Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 10 Nobyembre 1943.

Kamatayan

Nitso ni Pangulong Quezon at kanyang butihing maybahay na matatagpuan sa Dambana ni Quezon sa Quezon Memorial Circle, lungsod Quezon

Si Quezon ay nagkasakit ng tuberkolosis at gumugol ng kanyang huling taon sa cottage sa Saranac Lake sa New York kung saan siya namatay noong 1 Agosto 1944. Siya ay inilibing sa Arlington National Cemetery sa Estados Unidos. Ang kanyang katawan ay kalaunang muling inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila noong 17 Hulyo 1946 bago inilipat sa Quezon Memorial Circle noong 19 Agosto 1979.

Sipi

Si Quezon ay nahirang na residenteng komisyoner ng Pilipinas sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 1909-1916. Kanyang masiglang ipinaglaban ang pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa pamamahala ng Estados Unidos at nagkaroon ng mahalagang papel sa pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Jones noong 1916 na nagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.

Sinambit ni Quezon na:

Mas nanaisin kong magkaroon ng bansa na pinapatakbong tulad ng impiyerno ng mga Pilipino kesa sa bansa na pinapatakbong tulad ng langit ng mga Amerikano dahil gaano man kasama ang pamahalaang Pilipino, palagi natin itong mababago.[1]

Mga sanggunian

  1. I would rather have a country run like hell by Filipinos than a country run like heaven by the Americans, because however bad a Filipino government might be, we can always change it.

Silipin din

Sinundan:
Emilio Aguinaldo
Pangulo ng Pilipinas
1935–1944
Susunod:
Jose P. Laurel