Marilyn Monroe

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Marilyn Monroe
Kapanganakan 1 Hunyo 1926
Los Angeles
Kamatayan 5 Agosto 1962
Brentwood
Libingan Westwood Village Memorial Park Cemetery
Pagkamamamayan Estados Unidos
Alma mater University High School
Hanapbuhay artista, artista sa pelikula, modelo, prodyuser ng pelikula, mang-aawit, awtobiyograpo
Pananampalataya Hudaismo
Asawa James Dougherty, Joe DiMaggio, Arthur Miller
Lagda

Si Marilyn Monroe[1][2] (1 Hunyo 1926 – 5 Agosto 1962), ipinanganak bilang Norma Jeane Mortenson, ngunit bininyagan bilang Norma Jeane Baker, ay isang Amerikanang aktres, mang-aawit, at modelo. Gumanap siya sa mahigit sa 29 mga pelikula at naging bida sa loob ng 15 ng mga ito. Nagwagi siya ng maraming mga parangal na kinabibilangan ng tatlong Ginintuang Globo. Noong dekada ng 1950, naging simbolo siya ng seks sa kanluraning mundo. Kilala rin siya dahil sa kanyang tatlong bigong pagkakakasal kina, ayon sa pagkakasunudsunod, James Dougherty na isang pulis, kay Joe DiMaggio na isang manlalaro ng beysbol, at kay Arthur Miller na isang mandudula o manunulat ng dula. Noong 1999, inihanay siya ng instituto ng pelikula sa Amerika bilang pang-anim na dakilang bituin sa pelikula sa lahat ng panahon.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Nakatanggap siya ng orden mula sa Hukuman ng Lungsod ng Estado ng Bagong York at legal na nakapagbago ng pangalan upang maging Marilyn Monroe noong 23 Pebrero 1956.
  2. Opisyal na websayt ni Marilyn Monroe.::. Fast Facts
  3. AFI's 100 YEARS...100 STARS.



TalambuhayEstados UnidosPelikula Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.