Maritimong Timog-silangang Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Maritime Southeast Asia
Heograpiya
LokasyonKapuluang Indonesia
Kapuluang Pilipinas
Tangway ng Malaysia
Silangang Malaysia
Singapore
Kabuuang pulo25,000
Pangkalahatang puloBorneo, Java, Luzon, Mindanao, New Guinea, Sulawesi, Sumatra
Sukat2,870,000 km2 (1,108,000 mi kuw)[1]
Pinakamataas na elebasyon4,884 m (16,024 tal)
Pinakamataas na puntoPuncak Jaya
Pinakamalaking paninirahanBandar Seri Begawan
Pinakamalaking paninirahanDili
Pinakamalaking paninirahanJakarta
Pinakamalaking paninirahanKuala Lumpur
Pinakamalaking paninirahanLungsod Quezon
Pinakamalaking paninirahanSingapore
Demograpiya
Populasyon380,000,000 [2]
Mga pangkat etnikoPinangingibabawan ng mga Austronesyo, at mga minorya ng Negrito, Papues, Melanesyo, Tsino sa ibayong dagat, inapo ng Arabe, Eurasyano, Mestiso, Asli, at Indiyano sa ibayong dagat
Isa sa karamihan ng mga isla ng Pilipinas na hindi tinatahanan. Binubuo ang Timog-silangang Asya ng dalawa sa pinakamalaking kapuluan na nasa gitna ng Karagatang Indiyo, Dagat Timog Tsina at Kanlurang Pasipiko.

Binubuo ang Maritimong Timog-silangang Asya ng mga sumusunod na bansa: Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Singapore.[3] Tumutukoy rin ang "Silangang Kaindiyahan" mula sa ika-16 na siglo at "Kapuluang Malay" sa Maritimong Timog-silangang Asya.

Sa Indonesia, ginagamit din ang pangalang "Nusantara" mula sa Lumang Habanes bilang singkahulugan ng Maritimong Timog-silangang Asya. Gayunman, makabansa at may pabagu-bagong hangganan ang terminong ito. Kadalasan, sumasaklaw lamang ito sa Tangway ng Malaysia, Kapuluang Sunda, Maluku, at kalimitang Kanluarang Bagong Ginea at hindi isinasali ang Pilipinas.[4]

Sa haba na ilang libong kilometro, tampok sa lugar ang malaking bilang ng mga pulo at nangangalandakan ang ilan sa pinakamayamang biodibersidad sa dagat, halaman at hayop sa mundo.

Ang pangunahing pagkakaiba sa demograpiko na nagbubukod ng Maritimong Timog-silangang Asya mula sa modernong Kalupaang Timog-silangang Asya ay ang populasyon, kung saan nangingibabaw ang mga Austronesyo. Naglalaman ang rehiyon ng ilan sa mga pinakaurbanisadong lugar ng mundo—Gran Jakarta, Gran Kuala Lumpur, Kalakhang Maynila, at Singapore—ngunit hindi pinagtitirahan ng mga tao ang karamihan ng mga pulo sa malawak na rehiyong ito.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakahihigit sa 2 million km2 ang sukat ng lupain at dagat ng Maritimong Timog-silangang Asya.[5] May higit sa 25,000 pulo sa lugar na nagbubuo sa mga mas maliliit na kapuluan.[6]

Ang mga pangunahing pagpapangkat ay:

Ang pitong pinakamalaking pulo ay Bagong Ginea, Borneo, Sumatra, Sulawesi at Java sa Indonesia; at Luzon at Mindanao sa Pilipinas.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Moores, Eldridge M.; Fairbridge, Rhodes Whitmore (1997). Encyclopedia of European and Asian regional geology [Ensiklopedya ng Heolohiyang Panrehiyon ng Europa at Asya] (sa Ingles). Springer. p. 377. ISBN 0-412-74040-0. Nakuha noong Nobyembre 30, 2009.
  2. Department of Economic and Social Affairs Population Division (2006). "World Population Prospects, Table A.2" [Mga Inaasam-asam sa Populasyon ng Mundo] (PDF). 2006 revision (sa Ingles). United Nations: 37–42. Nakuha noong Hunyo 6, 2007. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  3. Tarling, Nicholas (1999). The Cambridge history of Southeast Asia, Volume 1, Part 1 [Ang kasaysayang Cambridge ng Timog-silang Asya, Tomo 1, Bahagi 1] (sa Ingles) (2 pat.). Cambridge University Press. p. 304. ISBN 978-0-521-66369-4.; RAND Corporation. (PDF); Shaffer, Lynda (1996). Maritime Southeast Asia to 1500 [Timog-silangang Asya pa-1500] (sa Ingles). M.E. Sharpe. ISBN 978-1-56324-144-4.; Ciorciar, John David (2010). The Limits of Alignment: Southeast Asia and the Great Powers Since 197 [Ang Hanggahan ng Kasunduan: Timog-silangang Asya at Mga Dakilang Kapangyarihan Mula 197] (sa Ingles). Georgetown Univeffrsity Press. p. 135. ISBN 978-1589016262.; Nichiporuk, Brian; Grammich, Clifford; Rabasa, Angel; DaVanzo, Julie (2006). "Demographics and Security in Maritime Southeast Asia". Georgetown Journal of International Affairs. 7 (1): 83–91.
  4. Evers, Hans-Dieter (2016). "Nusantara: History of a Concept" [Peryodiko ng Sangay ng Malaysia ng Royal Asiatic Society]. Journal of the Malaysian Branch of the Royal Asiatic Society (sa Ingles). 89 (1): 3–14. doi:10.1353/ras.2016.0004. S2CID 163375995.
  5. Moores, Eldridge M.; Fairbridge, Rhodes Whitmore (1997). Encyclopedia of European and Asian regional geology [Ensiklopedya ng heolohiyang panrehiyon ng Europa at Asya] (sa Ingles). Springer. p. 377. ISBN 0-412-74040-0. Nakuha noong Nobyembre 30, 2009.[kailangang tiyakin]
  6. Philippines: General Information. Government of the Philippines. Nakuha noong Nobyembre 6, 2009; "World Economic Outlook Database" (Nilabas sa mamamahayag). International Monetary Fund. Abril 2006. Nakuha noong Oktubre 5, 2006.; "Indonesia Regions". Indonesia Business Directory. Nakuha noong Abril 24, 2007.[kailangang tiyakin]
  7. Shaffer, Lynda (1996). Maritime Southeast Asia to 1500 [Maritimong Timog-silangang Asya pa-1500] (sa Ingles). M.E. Sharpe. p. 3. ISBN 978-1-56324-144-4.
  8. Gaynor, Jennifer L. (2014). "Maritime Southeast Asia, Not Just a Crossroads" [Maritimong Timog-silangang Asya, Hindi Lang Sangang Daan]. Education About Asia (sa Ingles). 19 (2): 16. Nakuha noong Abril 25, 2021.