Pumunta sa nilalaman

Marlene Dauden

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Marlene Dauden
Kapanganakan
Marlene Daudén

Nobyembre 9, 1937 (gulang na 85)
NasyonalidadFilipino
TrabahoArtista
Aktibong taon1957–1978
AsawaErnesto Hernaez

Si Marlene Daudén ay isa sa mga katriyanggulo nina Lolita Rodriguez at Eddie Rodriguez na namayagpag sa mga telon noong dekada 1960 hanggang 1970.

Ipinakilala siya at gumanap bilang Babaeng Sekreta sa Mga Ligaw na Bulaklak ng Sampaguita Pictures kung saan nag-eespiya ng mga taong nasasangkot sa mga ipinagbabawal na gamot, at gumanap naman siya bilang nakababatang kapatid na nurse ni Lolita Rodriguez sa Kundiman ng Puso at epektibo rin siya bilang kontrabida sa buhay ng isang magandang katulong na si Amalia Fuentes sa Ang Senyorito at ang Atsay.

Si Dauden ay isa sa mga pinakabatikang aktres ng Pilipinas, wika nga sa Ingles, siya ay isang "dramatic actress par excellence." Ito ay pinapatunayan ng kanyang natamong sampung nominasyon sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards, kung saan siya ang kauna-unahang bituin na nagkamit ng limang pampelikulang gawad para sa kapuri-puring pagganap sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Siya ay nominado sa FAMAS nang sampung beses at nanalo ng limang beses. Nanalo siya ng tatlong FAMAS Best Supporting Actress Awards sa mga pelikulang Anino ni Bathala (1958), Kamandag (1959) at Sapagkat Kami'y Tao Lamang (1963). Nanalo naman siya ng dalawang FAMAS Best Actress Awards para sa kanyang kapuri-puring pangganap sa Sa Bawat Pintig ng Puso (1964) at Kapag Puso'y Sinugatan (1967). Siya ay nominado bilang FAMAS Best Supporting Actress sa pelikulang Talipandas (1958) at FAMAS Best Actress sa mga pelikulang Gumuhong Bantayog (1960), Mila Rosa (1965), Alipin ng Busabos (1968) at Babae, Ikaw ang Dahilan (1972).

Siya ay naninirahan ngayon sa Amerika kung saan siya ay isang medical office manager. Mayroon din siyang lumpia business doon. Pamangkin niya si Carol Dauden.


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.