Mashya at Mashyana
Bahagi ng isang serye tungkol sa |
Zoroastrianismo |
---|
Mga pangunahing paksa |
Mga anghel at demonyo |
|
Kasulatan at pagsamba |
|
Mga salaysay at mga alamat |
Kasaysayan at kultura |
Mga tagasunod |
|
Ayon sa kosmogoniyang Zoroastrian, sina Mashya at Mashyana ang mga unang lalake at babae na nagpalitaw sa sangkatauhan. Ayon sa mito ng paglikha na nilalarawan sa Bundahishn, ang ikaanim na paglikha ni Ohrmuzd (Ahura Mazda) ang primebal na hayop na Gayomart (Gayamarətan) na hindi lalake o hindi babae. Si Ahriman(Angra Mainyu), na Espirito ng Masama na nananahan sa Absolutong Kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd at nagpadala ng demonesang si Jeh (Jahi) upang patayin si Gayomard. Ang demonesa ay naging matagumpay ngunit nabihag ng buwan (Mah) ang binhi ng Gayomart bago mamatay ang hayop kung saan ang lahat ng mga hayop ay lumago. Mula sa bangkay ng Gayomard ay lumago ang isang puno na pinagmulan ng lahat ng mga buhay na halaman at mula dito ay lumago sina Mashya at Mashyana. Sila ay nangako na tutulong kay Ohrmuzd sa kanyang pakikipaglaban kay Ahriman at nanganak ng 15 mga hanay ng kambal na kumalat sa buong daigdig at naging mga lahi ng sangkatauhan.