Matataas na uri
Sa mga modernong lipunan, ang matataas na uri (Ingles: upper class) ay binubuo ng mga taong may pinakamataas na katayuang panlipunan, kadalasan ay ang pinakamayayamang miyembro ng uring panlipunan, at may pinakamatinding kapangyarihang pampulitika. [1] Ang matataas na uri ay kilala dahil sa kanilang napakalaking yaman na ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Sila ay nagtataglay ng malaking yaman at kapangyarihan na patuloy na nananatili sa kanilang pamilya sa loob ng mahabang panahon.[2] Bago ang ika-20 siglo, ang diin ay nasa aristokrasya, na binibigyang-diin ang mga henerasyon ng minanang marangal na katayuan, hindi lamang kamakailang kayamanan. [3]
Dahil ang mga nakatataas na uri ng isang lipunan ay maaaring hindi na mamuno sa lipunang kanilang ginagalawan, sila ay madalas na tinutukoy bilang ang mga lumang yaman na uri. Ang mga ito ay kadalasang may ibang kultura kumpara sa mga bagong yaman na gitnang uri, na kadalasan ay nangingibabaw sa pampublikong buhay sa mga modernong demokrasya. Ayon sa tradisyunal na pananaw ng mga nakatataas na uri, kahit gaano pa kayaman o kasikat ang isang tao mula sa pangkaraniwang pamilya, hindi siya magiging bahagi ng mataas na uri. Kailangang ipanganak siya sa isang pamilya na kabilang sa mataas na uri at lumaki sa isang paraan na naiintindihan at isinasabuhay ang mga halaga, tradisyon, at pamantayang pangkultura ng mataas na uri. Ang salitang "mataas na uri" ay madalas na ginagamit kasama ng mga terminong "upper-middle class" (nakakaangat na gitnang uri), "middle class" (gitnang uri), at "working class" (uring manggagawa) bilang bahagi ng isang sistema ng paghahati-hati ng lipunan batay sa katayuang panlipunan.
Makasaysayang kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa kasaysayan sa ilang kultura, ang mga miyembro ng mataas na uri ay hindi kailangan magtrabaho dahil sila ay sinusuportahan ng kanilang mga pamumuhunan o minanang yaman, tulad ng mga ari-arian. Gayunpaman, maaaring mas kaunti ang kanilang aktwal na pera kumpara sa mga mangangalakal. [4] Ang mataas na uri ay karaniwang nakabatay sa posisyon ng pamilya sa lipunan, hindi sa sariling mga nagawa o kayamanan. Karamihan sa mga miyembro ng mataas na uri ay aristokrata, naghaharing pamilya, may titulo o ranggo, at mga pinuno ng relihiyon. Ang kanilang katayuan ay namamana at sa kasaysayan, hindi madalas nagbabago ang kanilang posisyon sa lipunan.

Sa maraming bansa, ang terminong 'mataas na uri' ay malapit na nauugnay sa minanang pagmamay-ari ng lupa. Sa maraming lipunan bago ang industriyalisasyon, ang kapangyarihang pampulitika ay kadalasang nasa kamay ng mga may-ari ng lupa, kahit na walang legal na hadlang para sa ibang mga uri ng tao na magmay-ari ng lupa. Ang mga may-ari ng lupa sa mataas na uri sa Europa ay kadalasan ding mga may titulo na maharlika, bagama't hindi laging ganoon sa lahat ng bansa. Ang pagkakaroon ng mga titulo ng maharlika ay nagkakaiba-iba depende sa bansa. May ilang mataas na uri na walang titulo, katulad ng Szlachta sa Polish–Lithuanian Commonwealth. [5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Bartels, Larry (8 April 2014). "Rich people rule!". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 April 2016. Nakuha noong 17 July 2016.
- ↑ Akhbar-Williams, Tahira (2010). "Class Structure". Sa Smith, Jessie C. (pat.). Encyclopedia of African American Popular Culture, Volume 1. ABC-CLIO. p. 322. ISBN 978-0-313-35796-1. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 November 2015. Nakuha noong 29 October 2015.
- ↑ Gregory Mantsios (2010). "Class in America – 2009". Sa Rothenberg, Paula S. (pat.). Race, class, and gender in the United States: an integrated study (ika-8th (na) edisyon). New York: Worth Publishers. p. 179. ISBN 978-1-4292-1788-0.
- ↑ "How should we define working class, middle class and upper class?". The Guardian. Guardian News and Media Limited. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 September 2018. Nakuha noong 15 September 2018.
- ↑ Skwarczyński, Paweł (June 1956). "The Problem of Feudalism in Poland up to the Beginning of the 16th Century". The Slavonic and East European Review. 34 (83). Salisbury House, Station Road, Cambridge, Cambridgeshire county, ENGLAND: Modern Humanities Research Association: 302. JSTOR 4204744.
In 1459 Ostroróg submitted a memorandum to the parliament (sejm), suggesting that the palatines, or provincial governors, should be given the title of prince and their sons the titles of barons and counts. The title of count was suggested by him for a castellanus. But all these suggestions were not accepted.