Matviy Nomys
Si Matviy Nomys (Ukranyo: Матвій Номис , totoong pangalan: Matviy Terentiyovych Symonov (Матві́й Тере́нтійович Си́монов, Ruso: Матвей Терентьевич Симонов), Nobyembre 17, 1823, sa Zarih, Orzhytsia Raion, Poltava Oblast - Disyembre 26, 1900, sa Lubny) ay isang Ukranyanong etnograpo, folklorista, manunulata at guro. Kilala siya bilang isang pamatnugot at tagapaglathala ng isa sa mga pinakakomprehensibo at makapangyarihang mga koleksiyon ng ilan sa mga genre ng Ukrainian folklore, tulad ng mga salawikain, kasabihan, bugtong, at iba pa.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Symonov (Nomys) ay ipinanganak sa isang pamilya ng isang mayamang opisyal.
Noong 1848 nagtapos siya sa Unibersidad ng Kiev. Sinimulan niya ang kaniyang karera bilang isang guro ng mga mataas na paaralan sa Nizhyn at Nemyriv. Pagkatapos ay nagtrabaho siya bilang isang klerk sa San Petersburgo, Pskov, Katerynoslav, at Zhytomyr. Noong 1873 siya ay hinirang bilang isang direktor ng Lubny gymnasium at noong 1877 - isang pinuno ng lokal na konseho at mahistrado ng Lubny.[2]
Mga malikhaing gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa buong buhay niya, sinaliksik at itinala ni Nomys ang Ukranyanong alamat, kabilang ang mga kaugalian at ritwal.
Nagsimula siyang maglathala noong 1858. Naglathala siya ng ilang mga artikulo sa mga kaugalian at ritwal ng mga Ukranyano. Ang mga sumusunod na diyornal ay naglathala ng kaniyang mga materyales: Russkaya Beseda [Ang Rusong Colloquy], Osnova [Ang Batayan], Kyivska Mynuvshyna [Nakaraan ng Kiev] at iba pa.
Karamihan sa kaniyang mga mambabasa ay higit na nakakakilala kay Matviy Symonov sa ilalim ng kaniyang alyas na Nomys, na ang kanuyang apelyido na Symonov (minus dalawang titik '-ov') ay binasa pabalik.
Ang pinakatanyag na gawain ni M. Nomys ay ang Mga Ukranynanong salawikain, kasabihan, at iba at Mga koleksiyon ni Opanas Markovych at iba pa. Pinamatnugot ni M. Nomys (San Petersburgo, 1864). Ang aklat ay naglalaman ng higit sa 14.5 libong salawikain, 505 bugtong at iba pang mga alamat.[3] Kasama rin dito ang mga tala ni Stepan Rudanskyi, Vasyl Bilozerskyi, Panteleimon Kulish, Marko Vovchok, at iba pa.
Sumulat din si Nomys ng tuluyan at tinukoy ng mga iskolar bilang isang romantikong manunulat.[4] Ang kaniyang aklat, na pinamagatang Maikling kuwento ng MT Symonov (Nomys), ay inilathala noong 1900.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Padron:Cite Efron
- ↑ 'Nomys, Matvii', Online Encyclopedia of Ukraine
- ↑ Shumeiko, Z. 'Pedagogical Potential or Riddles from Matviy Nomys’ Book ‘Ukrainian Sayings, Proverbs and so on’ in Theoretical and Didactic Philology.
- ↑ Shumeyko Z. Ye. ‘The Aesthetic Principles of Romanticism in Matviy Monys’ Artistic Texts’ in Visnyk Dnipropetrovskoho Universytetu imeni Alfreda Nobelia [Dnipro University in the name of Alfred Nobel, Newsletter] 2016.