Pumunta sa nilalaman

Pagbabanto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa May banto)

Ang pagbabanto o adulterasyon (Ingles: adulteration) ay ang pagdaragdag ng anumang sustansiya o sangkap sa isang artikulo ng pagkain na maaaring kasangkutan ng panloloko na hindi nakakapagdulot ng ibang pinsala, maliban sa pagbabayad sa binantuang produkto. Sa maraming mga kaso, ang adulterasyon o pagbabanto upang hindi maging dalisay ng pagkain o mga gamot ay nakakapinsala sa kalusugan.[1]

Ang isang halimbawa ng adulterasyon ay ang pagtatangal ng ilan sa krema ng gatas na tanging pagkain ng mga sanggol at ng mga imbalido, at pagdadagdag naman ng tubig sa nasabing gatas upang mapababa ang espesipikong grabidad. Isa pang halimbawa ang pagdaragdag ng mga pampreserba sa gatas, karne, sapal ng prutas, at iba pang pagkain. Isa ring halimbawa ang paghahalo o pagpapalabnaw (diluted) sa serbesa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tubig at asin o kaya pinagsamang asin at alum upang kumapal (densidad) ang serbesa. Ang mumurahing mga alak ay karaniwang timplada ng espiritu ng patatas at may mga pampalasang kemikal o ibang uri ng pampalasa at sangkap na pangkulay.[1]

Ang mamimili na may suspetsang siya ay pinagbentahan ng pagkaing "marumi" o gamot na may banto (adulterant) o binantuan ng ibang sangkap, imbis na orihinal o puro, ay karaniwang hinihikayat na magsumbong sa ahensiya ng pamahalaan katulad ng Lupon ng Kalusugan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Adulteration". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 20.