Mbah Gotho

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mbah Gotho
Kapanganakan
Saparman Sodimejo

31 Disyembre 1870(1870-12-31)
Namatay30 Abril 2017(2017-04-30) (edad 146)
Sragen, Rehensiya ng Sragen, Gitnang Java, Indonesia
Dahilan ng pagkamatayPagpalya ng puso
NasyonalidadTaga-Indonesia
Nakilala saPag-angkin bilang pinakamatandang tao sa mundo

Si Saparman Sodimejo, o mas kilala bilang Mbah Gotho (sinasabing ipinanganak noong 31 Disyembre 1870 – Abril 30, 2017) ay isang lalaking taga- Indonesia na inangkin na nabuhay nang higit 140 taon pero hindi pa napapatunayan. Kapag ito ay lumabas na totoo, siya ay maaaring maging ang pinakamatandang tao na naitala sa kasaysayan.

Si Mbah Gotho mismo ay hindi matandaan ang kanyang eksaktong petsa ng kapanganakan, ngunit sinabi na naalala niya ang pagpapatayo ng isang pabrika ng asukal na itinayo noong 1880. [1] Inirehistro siya ng mga lokal na awtoridad bilang higit na 140 taong gulang noong 2010, at inilagay ang kanyang petsa ng kapanganakan noong 1870 sa isang ID card na inisyu noong 2014.

Ang pinakamatandang kilalang tao na ang edad ay napatunayan, si Jeanne Calment, ay 122 taon nang siya ay namatay.

Pag-angkin[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Mayo 2010, iniulat ng Solopos na naitala ng senso ang kanyang susunod na kaarawan bilang ang kanyang ika-142. Ito ay maaaring magpatunay sa kanya na 19 taong gulang siya mas matanda kaysa sa pinakamatandang naitala na tao, si Jeanne Calment, na namatay na noong 1997.

Iniulat ng website ng Liputan 6 na ang tinatayang edad ni Mbah Gotho ay 165. Hindi niya matandaan ang kanyang petsa ng kapanganakan, ngunit inaangkin na naaalala niya ang pagtatayo ng isang pabrika ng asukal na itinayo sa Sragen noong 1880.

Noong Agosto 2016, matapos ang isang ulat sa telebisyon sa Liputan 6, maraming mga internasyonal na outlet ng media ang nag-ulat tungkol kay Gotho. Pagkatapos ay ipinakita nila ang mga litrato ng kanyang ID card (na inilabas noong 2014), na nagpapakita ng kanyang inaangkin na petsa ng kapanganakan.

Bagaman kinumpirma ng mga opisyal ng Indonesia sa lokal na tanggapan ang ulat ng petsa ng kapanganakan, walang sariling patunay ang kanyang inaangking edad. Kakailanganin iyon para sa pag-alam tungkol sa edad na maitatanggap ng mga awtoridad ng rekord, tulad ng Guinness World Records . Ang gobyerno ng Indonesia ay hindi nagrehistro ng mga kapanganakan bago ang 1900, at mayroong mga pagkakamali sa nakaraan.

Ang Gerontology Research Group ay nagkomento na ang napakalaking bilang na inaangking edad niya ay "kathang-isip" at "hindi kapakipaniwala". Ang kwento sa Liputan 6 ay nagbanggit ng iba pang katulad na mga patunay tungkol sa edad niya. Kasama rito ang isang babaeng nagngangalang Maemunah at kilala bilang Ambu Unah, na nagaangkin na ipinanganak noong 1867, sa Cimanuk, Rehensiya ng Pandeglang .

Pagkamatay[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Abril 28, 2017 Si Mbah Gotho ay isinugod sa Ospital ng RSUD dahil sa kapalyahan sa puso sa Sragen at namatay makalipas ang dalawang araw sa ganap na 5:45 ng hapon lokal na oras noong 30 Abril 2017.

Ayon sa BBC, nabuhay siya ng mas mahigit pa kaysa sa sampung kapatid niya, apat na asawa, at lahat ng kanyang mga anak.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Carmelo Flores Laura
  • Luo Meizhen

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Empty citation (tulong)

Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "solopos2014" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "sol10" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "liputan6" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "liputan6_2010" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "telegraph" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "ibtimes" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "sun" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "metro" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "9news" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "nation" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "issuu_mp" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "cna" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "detik" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "BBC" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2