Pumunta sa nilalaman

McFarland, USA

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang McFarland, USA (kilala rin bilang McFarland ) ay isang American sports drama film noong 2015 na idinirek ni Niki Caro, prinodyus nina Mark Ciardi at Gordon Gray, isinulat nina Christopher Cleveland, Bettina Gilois at Grant Thompson kasama ang musikang isinulat ni Antônio Pinto. Ang pelikula ay parehong prinodyus ng Walt Disney Pictures at Mayhem Pictures. Batay sa totoong kwento ng isang cross country team noong 1987 mula sa isang hayskul na karamihan ay Latino sa McFarland, California, pinagbibidahan ni Kevin Costner bilang Jim White, ang coach ng paaralan, na nangunguna sa koponan upang manalo ng isang state championship. [1] Pinagbibidahan din ng pelikula sina Maria Bello at Morgan Saylor.

Ang McFarland, USA ay ipinalabas noong ika-20 ng Pebrero 2015, nakatanggap ng mga positibong review mula sa mga kritiko, at kumita ng mahigit $45 milyon. Ipinalabas ang pelikula sa DVD at Blu-ray noong ika-2 Hunyo 2015 ng Walt Disney Studios Home Entertainment.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ Kit, Borys (20 July 2013). "Kevin Costner in Talks to Star in Disney's Sports Drama 'McFarland'". The Hollywood Reporter. Nakuha noong 1 December 2013.