Mehmed II ng Imperyong Otomano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mehmed II ng Imperyong Otomano
Sultan ng Imperio Otomano
Caesar ng Imperio Romano
Sultan ng Dalawang Lupain at Khan ng Dalawang Dagat[1]

Fatih Sultan Mehmed Han - السلطان محمد خان الفاتح.jpg
Pagsasalarawan kay Sultan Mehmed II
Sultan ng Imperio Otomano
Unang paghahari Agosto 1444 – Setyembre 1446
Hinalinhan Murad II
Kahalili Murad II
Ika-2 paghahari 3 Febrero 1451 – 3 Mayo 1481
Hinalinhan Murad II
Kahalili Bayezid II
Consorts
Isyu
Buong pangalan
Mehmed bin Murad Han
Dinastia Otomano
Ama Murad II
Ina Hüma Hatun
Ipinanganak 30 Marzo 1432
Edirne, Bayang Otomano
Namatay 3 Mayo 1481(1481-05-03) (edad 49)
Hünkârçayırı (Tekfurçayırı), malapit sa Gebze, Imperyong Otomano
Libingan Masjid Fatih, Istanbul
Lagda
Relihiyon Islam na Sunni[2][3]

Si Mehmed II (Kasalukuyang Turko: II. Mehmet, bigkas: [icinˈdʒi ˈmehmet] o /ikindyi MEH-met/) (30 Marso 1432 - 3 Mayo 1481), ay isang sultang Otomano na namuno mula Agosto 1444 hanggang Septiembre 1446 at mula Febrero 1451 hanggang Mayo 1481. Siya ay kilala rin sa Kanluran sa katawagang Mehmed na Mananakop (Turko: Fatih Sultan Mehmet) dahil sa kanyang pagsakop sa dakilang bayan ng Constantinopla.

Sa kanyang unang pamumúnò, tinalo niya ang cruzada ng mga Hungaro na pinamunuan ni Juan Hunyadi, o yaong tangka nilang pagbawi sa mga lupain na banal sa Cristianismo, matapos malabag ng paglusob nila sa kanyang lupain ang kasunduan sa Szeged. Nang siya ay nakapamúnò ulit noong taóng 1451, binalak niyang agawin ang dakilang bayan ng Constantinopla mula sa Imperyong Romano at sa layuning ito pinalakas niya ang hukbong pandagat na Otomano at nagsagawa ng mga paghahanda.

Nasakop niya ang Constantinopla noong taóng 1453 noong siya ay 21 taóng gulang at winakasan ang natitira sa imperyong Romano na pinamumunuan sa Constantinopla (Bizancio). Matapos ang pagsakop, inangkin niya ang pamagat bilang Caesar ng Imperyo Romano (Qayser-i Rûm) sapagkat naging pamunuan ng natitirang Imperyong Romano ang Constantinopla magmula nang ito ay hirangin ni Emperador Constantino I noong taóng 330 bilang pamunuan ng silangang imperyong Romano. Ang Patriarcado ng Constantinopla lamang ang kumilala sa pamagat na ito. Gayon pa man, ang pananaw ni Mehmed II ay pagpapatuloy lamang ng Imperio Romano ang pamumunong Otomano at hindi niya ito pinalitan. Nanatili siya sa paniniwalang ito hanggang sa katapusan ng kanyang buhay, ngunit tuluyan din itong binitiwan ng mga sumunod sa kanya.

Nagpatuloy si Mehmed sa kanyang mga pananakop sa lupaing Anatolia hanggang sa pagsasaanib muli nito at gayon na rin sa timog-silangang Europa pakanluran hanggang Bosnia. Sa Constantinopla ay ipinagpabuti niya ang mga usapin ng pamumuno at pinaigting ang pagpapaunlad ng mga kasanayan at kaalaman. Sa pagtatapos ng kanyang paghahari, iniahon niya muli ang dakilang bayan dulot ng kanyang mga pag-uutos upang lumaon at ito ay maging maunlad na bayan ng pamunuan ng kanyang nasasakupan.

Itinuturing siya ngayong bayani sa Turkiya at ng mga Muslim. Ipinangalan sa kanya ang ilang mga pook katulad ng bahaging Fatih ng Istanbul (katawagan ngayon sa Constantinopla), tulay Fatih Sultan Mehmet at masjid Fatih.

Kasaysayan ng kanyang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paglipat ng kapangyarihan kay Mehmed II sa Edirne, taóng 1451

Si Mehmed II ay ipinanganak noong 30 Marso 1432 sa bayan ng Edirne na pamunuan noon ng bayang Otomano. Ang kanyang ama ay si Murad II (1404–1451) at ang kanyang ina ay si Hüma Hatun na isang alipin na naging asawa ng sultan. Hindi tiyak kung saan nagmula ang kanyang ina.[4][5]

Nang si Mehmed II ay may 11 taon ipinadala siya sa Amasya upang makapamahala at magkaroon ng karanasan tulad ng kagawian ng mga naunang pinúnong Otomano. Pinadalhan din siya ng kanyang ama ng mga guro upang siya ay makapag-aral.

Nang makipagkasundo ng kapayaan si Murad II sa mga Karamanida sa Anatolia noong Agosto 1444 ay iniwan niya ang pamumuno sa 12 taóng gulang niyang anak na si Mehmed II.

Tinalo ni Mehmed II ang cruzadang pinamunuan ni Juan Hunyadi matapos labagin ng mga Hungaro ang mga kasunduang pantigil-digmaan sa Kasunduan sa Szeged nang sila ay lumusob. Nahikayat ni Cardinal Julian Cesarini, na ipinadala ng Santo Papa, ang hari ng Hungria na ang paglabag sa tigil-digmaan sa mga Muslim ay hindi itinuturing na isang pagtataksil. Sa pagkakataong iyon, hiniling ni Mehmed II sa kanyang ama na umupo muli sa trono, ngunit tinanggihan ito ng kanyang ama. Sa galit niya sa kanyang amang matagal nang namumuhay nang tahimik sa timog-kanlurang Anatolia, isinulat ni Mehmet sa kanya: "Kung ikaw ang sultan, pamunuan mo na ang iyong hukbo. Kung ako ang sultan, inaatasan kitang pamunuan mo ang aking hukbo." Nang matanggap lamang ito ni Murad II saka niya pinamunuan ang hukbong Otomano na nanaig sa labanan sa Varna noong 1444.

Ang pagbalik ni Murad II sa pamumuno ay pinilit ni Çandarlı Halil Paşa na punong gabay at katiwala sa pamamahala (wazir) sa bayang Otomano sa panahong iyon at humadlang sa pamumuno ni Mehmed II dahil katunggali niya ang guro (lala) nito na si Akshamsaddin.

Pag-agaw sa Constantinopla[baguhin | baguhin ang batayan]

Nasasakupan ng Imperio Otomano sa simula ng ikalawang paghahari ni Mehmed II (1451)
Kuta ng Rumelia na ipinatayo (1451-1452) ni Mehmed II laan sa pagsakop sa Constantinopla[6]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Cihan Yüksel Muslu, (2014), The Ottomans and the Mamluks: Imperial Diplomacy and Warfare in the Islamic World (Ang mga Otomano at Mamluk: Ugnayan at Digmaan ng mga Imperyo sa Kalaganapan ng Islam), p. 118
  2. The Essential World History, Volume II: Since 1500. By William J. Duiker, Jackson J. Spielvogel
  3. The Rise of Turkey: The Twenty-First Century's First Muslim Power. By Soner Cagaptay
  4. Freely, John (2009). The Grand Turk: Sultan Mehmet II - Conqueror of Constantinople, Master of an Empire and Lord of Two Seas (Ang Dakilang Turco: Sultan Mehmet II - Sumakop sa Constantinopla, Pinuno ng Imperio at Panginoon sa Dalawang Dagat) (sa wikang Ingles). I.B. Tauris. pa. 9. ISBN 978-1-84511-704-7.
  5. Babinger, Franz (1978). Mehmed the Conqueror and His Time (Mehmed na Mananakop at ang Kanyang Panahon) (sa wikang Ingles). Princeton University Press. pa. 11. ISBN 978-0-691-01078-6.
  6. "Bosforo, tanawin sa Kuleli, Istanbul, Turquia". World Digital Library. 1890–1900. Nakuha noong 2013-12-12.