Pumunta sa nilalaman

Layog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Menopause)
Layag
EspesyalidadHinekolohiya Edit this on Wikidata

Ang layog o layag (bigkas: /la·yág/, Ingles: menopause, nagmula sa Griyegong mens o "buwanan" at pausi o "paghinto") ay ang likas at permanenteng paghinto ng pagreregla. Ang pagtigil ng regla ay kinasasangkutan ng pagtigil sa pagganap ng mga bahay-bata sa kanilang pangunahing mga tungkulin: ang pagpapahinog at pagpapakawala ng mga oba o obum (itlog) at ng pagpapakawala ng mga hormona na nagsasanhi ng kapwa paglikha ng sapin ng bahay-bata (uterus) at ang kasunod na pagkalagas ng saping ito (iyung tinatawag na pagreregla o "buwanang dalaw"). Nagsisimula ang hindi na pagreregla kapag huminto na ang mga obaryo sa pagpapakawala ng mga obum o itlog bawat buwan. Maaari itong maganap habang nasa katandaan na, partikular na ang kababaihang nasa gitnang kapanahunan ng kanilang buhay (kahulihan ng edad na 40 o kaagahan ng edad na 50) ang isang babae o dahil sa siruhiya sa bahay-bata. Isa itong palatandaan ng wakas ng yugto ng pertilidad o pagkakaroon kakayahang mag-anak sa buhay ng isang babae. Bumabagsak ang antas ng mga hormonang pambabae, dahil nililikha ang mga ito ng mga bahay-bata na tumigil na sa pagtatrabaho. Dahil sa pagbabago sa kaantasan ng mga hormona, ang isang babae ay nagkakaroon ng mainit at rumaragasang pamumula (hot flushes) at mga palpitasyon, depresyon, pagkabahala, pagkainis, pagbabagu-bago ng asal (mood swings) at kawalan ng konsentrasyon.

Taba at paghinto ng regla

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Harvard Medical School Family Health Guide, bago maganap ang pagtigil ng regla ang taba sa katawan ng babae ay mas nakatuon ang pag-iimbak doon sa mga balakang at mga binti. Subalit pagkaraan ng pagtigil ng regla, ang taba sa katawan ng babae ay mas naiimbak sa tiyan at sa itaas ng baywang.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Fat Distribution Before and After Menopause", Health of Women, Harvard Medical School Family Health Guide, Simon & Schuster, New York, pahina 1048.