Taeng-bituin

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Meteorita)
Jump to navigation Jump to search
Taeng-bituing Willamette na natuklasan sa estado ng Estados Unidos na Oregon.

Ang isang taeng-bituin ay isang natural na bagay na nagmumula sa panlabas na kalawakan na nakaligtas sa pagbangga sa ibabaw ng mundo. Ang sukat ng isang taeng-bituin ay maaaring may saklaw na mula maliit hanggang sukdulang malaki. Ang karamihan ng mga taeng-bituin ay hango sa mga maliliit na mga bagay astronomikal na tinatawag na mga meteoroid ngunit ang mga ito ay maaari ring nalilikha ng mga pagbangga ng mga asteroid. Kapag ang isang meteoroid ay pumasok sa atmospero, ang mga pang-priksiyon, presyur at mga interaksiyong kemikal sa mga gaas na atmosperiko ay nagsasanhi sa katawang ito na uminit at maglabas ng liwanag at kaya ay bumubuo ng isang bolang apoy na tinatawag ring bulalakaw o bumabagsak ng bituin. Ang terminong bolide ay tumutukoy sa isang katawang hindi galing sa mundo na bumangga sa mundo o sa isang eksepsiyonal na maliwanag na tulad ng bolang apoy na meteor kahit pa ito ay huling bumabangga sa ibabaw. Sa pangkalahatan, ang isang taeng-bituin sa ibababaw ng anumang katawang pangkalawakan ay isang natural na bagay na nagmula sa iba pang lugar sa kalawakan. Ang mga taeng-bituin ay natagpuan sa buwan at planetang Marte. Ang mga taeng-bituing narekober pagkatapos mapagmasdan habang ito ay dumadaan sa atmospero o bumangga sa mundo ay tinatawag na mga fall. Ang ibang mga taeng-bituin ay alam bilang mga natagpuan. Simula 2010, may tinatayang mga 1,086 na napagmasdang pagbagsak(falls) na may mga specimen sa mga koleksiyon ng mundo. Salungat dito, may higit sa 38,660 na mahusay na nadokumentong mga natagpuang taeng-bituin. Ang mga taeng-bituin ay tradisyonal na hinahati sa tatlong mga malalawak na kategorya: ang mga mabatong taeng-bituin ay mga bato na pangunahing binubuo ng mga mineral na silikata; an mga bakal na taeng-bituin ay malaking binubuo ng metalikong bakal-nickel; at ang mabato-bakal na mga taeng-bituin na naglalaman ng malalaking mga halaga ng parehong metaliko at mabatong materyal. Ang mga modernong skemang klasipikasyon ay naghahati ng mga taeng-bituin sa mga pangkat ayon sa istraktura nito, kemikal at istopikong komposisyon nito at mineralohiya.