Pumunta sa nilalaman

Epikureismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Epikuryano)

Ang epikureismo (Espanyol: epicureísmo; Ingles: epicureanism) ay isang paniniwalang ibinunsod ni Epikurus na naghahangad ng kalayaan mula sa kirot, sakit, at ligalig ng damdamin. Nagtatakwil ang mga epikuro o epikureano ng paniniwalang may kabilang buhay at nagtatakwil din sila ng pagsaklaw ng mga bathala o mga diyos sa buhay ng mga tao.[1] Sa pagtuturo ni Epikurus, ang kasiyahan ang pinakamataas na mabuti o kabutihan sa buhay.[2] Subalit naging tumutukoy naman din ang salitang epikureano sa pagiging maluho, marangya, o mahilig sa masasarap na alak o pagkain at maalwang pamumuhay, naging katumbas din ng salitang hedonistiko, o angkop sa panlasa ng isang taong epikuro.[1]

Ang etika ng Epikureismo ay nakasalig sa hanay ng mga pagpapahalagang hedonistiko. Sa pinakapangunahing kahulugan, nakikita nito ang kaligayahan bilang ang layunin ng buhay..[3] Bilang ebidensiya nito, isinasaa ng mga Epikurio na ang kalikasan ay tila nagtuturo sa tao na lumayo sa kirot at hirap at ang lahat ng mga hayop ay tila lumalayo sa anumang kirot hangga't posible.[4] Ang mga Epikurio ay may spesipikong pagkaunawa kung ano ang pinakadakilang kaligayahan at ang kanilang pinagtutuunan ay ang pag-iwas sa kirot sa halip na maghanap ng kaligayahan.[5]

Ang Epikureismo ay nahahati sa dalawang kategorya: ang kaligayahan o kaaliwan ng katawan at kaligayahan o kaaliwan ng isipan.[5]

  • Kaligayahan ng katawan: Ito ay nauukol sa mga pandamdam ng katawan gaya ng pagkain ng masasarapa na pagkain o bilang nasa estado ng isang komportableng buhay na walang hirap at umiiral lamang sa kasalukuyan.[5] Nararanasan lamang ng isang tao ang mga kaligayahan ng katawan sa kasalukuyang sandali habang kanila itong nararanasan.[6]
  • Kaligayahan ng isipan: Ito ay nauukol sa mga proseso ng isipan at estado; mga pakiramdam ng kaligayahan, kawalang takot at maliligayang ala-ala.[5] Ang mga ito ay umiiral hindi lamang sa kasalukuyang sandali kundi pati sa nakaraan at sa hinaharap dahil ang ala-ala ng nakaaraang masayang karanasan o e inaasahang maligayang hinaharap ay parehong maliligayang mga karanasan.[6] Dahil dito, ang mga kaligayahang ito ay mas dakila kesa sa kaligayahan ng katawan.[6]

Karagdagan pang nahahati ang Epikureismo sa dalawang kategorya: Kaligayahang kinetiko at kaligayahang katastematiko.[7]

  • Kaligayahang kinetiko: Ito ay naglalarawan sa pisikal o mga kaaliwang pang-isipan na nauukol sa pagkilos o pagbabago.[8] Ang pagkain ng masarap na pagkain at pagtugon sa mga kagustuhan at pag-aalis ng kirot ang mga halimbawa nito sa kahulugang pangkatawan.[7][9] According to Epicurus, feelings of joy would be an example of mental kinetic pleasure.[7]
  • Kaligayahang Katastematiko: Ito ay naglalarawan sa kaligayahang nararamdaman habang walang nararamdamang kirot.[9] Katulad ng kaligayahang kinetiko, ito ay maaari ring sa pangkatawan gaya ng hindi pagkauhaw o pang-isipan gaya ng kawalan ng takot.[7][8] Ang kumplegtong kaligayahang katastematiko ay tinatawag na aponia at ang kumpletong pang-isipang kaligayahang katastematiko ay tinatawag na ataraxia.[7]

Mula sa pagkaunawang ito, naniniwala ang mga Epikurio na ang pinakadakilang kaligayahan na matatamo na isang tao ay kumpletong pag-aalis ng lahat ng kirot sa parehong katawan at isipan.[10] The ultimate goal then of Epicurean ethics was to reach a state of aponia and ataraxia.[10] Upang mangyari ito, kailangang kontrolin ng mga Epikurio ang kanilang mga pagnanasa dahil ang mismong pagnanasa ay isang bagay na nagsasanhi ng kirot.[11] Hindi lamang ang pagpipigil ng pagnanasa ng isang tao ang nagdudulot ng aponia sapagkat ang isa ay bihirang dumanasa mula sa pagiging masaya ngunit ang pagpipigil ng mga pagnanasa ay nagududlo rin ng ataraxia dahil ang isang tao ay hindi mababalisa sa pagiging hindi walang kaginhawaan dahil ang isa ay may kakaunti rin namang mga pagnanasa.[12]

Hinahati ng mga Epikurio ang mga pagnanasa sa tatlong uri: ang natural at kailangan, ang natural at hindi kailangan at ang walang kabuluhan at kawalan.[11]

  • Natural at kailangan: Ang mga pagnanasang ito ay mga limitadong pagnanasa na likas na umiiral sa lahat ng tao. Ito ay bahagi ng kalikasan ng tao na magkaroon nito.[11] Ang mga ito ay kailangan sa isa sa tatlong kadahilanan: kailangan sa kaligayahan, kaligayahan sa kalayaan sa kawalan ng kaginhawaan sa katawan at kailangan para sa buhay.[11] Ang pananamit at pagkakaroon ng tirahan ay nabibilang sa unang dalawang kategorya samantalang ang pagkakaroon ng pagkain ay nabibilang sa ikatlo.[11]
  • Natural ngunit hindi kailangan: Ito ay likas sa mga tao ngunit hindi kailangang tugunan para sa kanilang kaligayahan o pagpapatuloy sa buhay.[12] Ang pagkain ng masarap na pagkain kapag nagugutom ay isang halimbawa ng natural ngunit hindi pagnanasang kinakailangan.[12] Ang pangunahing problema sa mga pagnanasang ito ay nabibigo itong dagdagan ang kaligayahan ng isang tao at sa parehong pagkakataon ay nangangailangan ng pagsisikap upang makamit ito at ninanasa ng mga tao dahil sa mga maling paniniwala na ang mga ito ay kailangang aktuwal.[12] Dahil dito, ang mga ito ay dapat iwasan.[12]
  • Kawalang kabuluhan at kawalan: Ito ay hindi likas sa mga tao o kailangan man upang lumigaya o magkaroon ng kalusugan. Sa katunayan, ang mga ito ay walang hanggan at hindi kailanman matutugunan.[13] Ang mga pagnanasa sa pagkakaroon ng kayamanan o kasikatan ay nahuhulog sa uring ito at ang gayong mga pagnanasa ay dapat iwasan dahil sa huli ang mga ito ay magdadalal lamang ng kawalang kaginhawaan.[13]

Kung ang susunudin lamang ang mga pagnanasang natural at kailangan ayon kay Epicurus, makakamit ng isang tao ang aponia at ataraxia at sa paraang ito ay ang pinakadakilang anyo ng kaligayahan.[13]

Si Epicurus rin ang isa sa mga naunang intelektuwal na nagsulong ng ideya ng hustisya bilang isang kontratang panlipunan. Kanyang inilarawan ang katarungan bilang isang kasunduan na ginagawa ng mga tao na huwag manakit ng bawat isa.[kailangan ng sanggunian] Ang layunin ng pamumuhay sa isang lipunan na mayroong mga batas at kaparusahan ay upang maingatan mula sa mga pasakit upang ang isang tao ay malayang makapagtamo ng kaligayahan.[kailangan ng sanggunian] Dahil dito, ang mga batas na hindi nag-aambag sa pagsusulong ng kaligayan ng mga tao ay hindi makatarungan.[14] Nagbigay si Epicurus ng kanyang natatanging bersiyon ng etika ng resiprosidad (pagtugon sa aksiyon ng iba sa ginawa sa isang sarili) na iba sa ibang mga anyo nito(hal. ginintuang patakaran, mata sa mata) sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa pagbabawas ng pananakit at pagpapataas sa kaligayahan para sa sarili at para sa ibang tao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Epicureanism, epucurean - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. American Bible Society (2009). "Epicureans, Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 132.
  3. Sharples, R. W. (1996). Stoics, Epicureans, and Sceptics: An Introduction to Hellenistic Philosophy. New York, NY: Routledge. p. 84.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Wilson, Catherine (2015). Epicureanism: A Very Short Introduction. United States of America: Oxford University Press. p. 93.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 O'Keefe, Tim (2010). Epicureanism. University of California Press. pp. 117–121.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 O'Keefe, Tim (2010). Epicureanism. University of California Press. pp. 118–119.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 O'Keefe, Tim (2010). Epicureanism. University of California Press. pp. 119–120.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Sharples, R. W. (1996). Stoics, Epicureans, and Sceptics: An Introduction to Hellenistic Philosophy. New York, NY: Routledge. pp. 91–92.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Warren, James (2002). Epicurus and Democritean Ethics: An Archaeology of Ataraxia. New York, NY: University of Cambridge. p. 4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 O'Keefe, Tim (2010). Epicureanism. University of California Press. p. 120.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 11.4 O'Keefe, Tim (2010). Epicureanism. University of California Press. pp. 124–125.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 O'Keefe, Tim (2010). Epicureanism. University of California Press. pp. 126–127.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 O'Keefe, Tim (2010). Epicureanism. University of California Press. pp. 125–126.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang :1); $2