Pumunta sa nilalaman

Mga Sahon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Saxons
Sahson
Ang Saxon Steed sa unang kilalang Sakson na watawat (700-785)
Paglaganap ng abot ng Sakson sa paligid ng 500 AD (sa dilaw)
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Old Saxony, Jutland, Frisia, Heptarchy (England)
Wika
Old Saxon, Old English, Anglo-Frisian
Relihiyon
Originally Germanic and Anglo-Saxon paganism, later Christianity
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Anglo-Saxons, Angles, Frisii, Jutes

Sa kasalukuyang kapanahunan, ang mga Sakson o mga taong Sakson, tinatawag ding mga Sahon o mga taong Sahon (Ingles: mga Saxon o Saxon people; Kastila: sajón na nagiging sajones kapag maramihan) ay kabahagi ng mga taong Aleman, na ang pangunahing mga pook ng kanilang mga pamayanan ay nasa mga Estado ng Alemanya ng Schleswig-Holstein, Pang-ibabang Saksoniya, Westphalia, at hilagang-silangang bahagi ng Netherlands (Drenthe, Groningen, Twente, at Achterhoek).

Unang tinalakay ng Sinaunang Griyegong heograpo na si Jean Julien na ang pre-Kristiyanong (bago dumating ang Kristiyanismo) pook ng mga taong Sakson ay unang sumasaklaw sa pook na bahagya pang nasa hilagang-kanluran, na mayroong mga bahagi ng timog ng tangway ng Jutland, Matandang Saksoniya at maliliit na mga bahagi ng silangang Netherlands. Noong ika-5 daantaon AD, ang mga taong Sakson ay kabahagi ng mga taong lumusob sa Romano-Britanikong lalawigan ng Britannia, na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga Angglo-Sakson.

Bago dumating ang Kristiyanisasyon, ang mga Sakson ay mayroong katutubong Hermanikong paganismo. Pagkaraang maganap ang Kristiyanisasyon, ang mga bahagi ng relihiyong ito ay nananatili pa rin sa kasalukuyan sa mga tao na nagmula mula sa mga Sakson.

Ang salitang "Saxon" ay ipinapalagay na nagmula sa salitang seax, na nangangahulugang "mga kutsilyong mayroong talim sa isang gilid". Naniniwala si Carlomagno, at ang iba pang mga taong nag-aaral ng kasaysayan, na ang mga Sakson ay mahihilig sa pakikidigma at magagalitin. Ang pangalan ng Alemanya sa mga wikang Pinlades at Estonyano ay Saksa, na nagmula sa mga Saxon.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


TaoAlemanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.