Mga manunulat na kababaihang Pilipino
Ang kasaysayan ng mga manunulat na kababaihang Pilipino ay isang paglalarawan kung paano naging mga pampanitikang "kasintahan ng tinta" at mga "binibini at ginang na nagtutulak ng mga pluma" ang mga Pilipinong kababaihan, na nakalikha ng mga akdang kathang-isip at makasaysayang mga aklat ng kuwento, tula, nobela, maiikling salaysayin, sanaysay, talambuhay ng ibang tao, sariling-talambuhay, at iba pang mga anyo ng pagsusulat. Nagsisipagsulat sa Ingles, Kastila, Filipino at iba pang mga katutubong wika at diyalekto, kinasangkapan ng mga babaeng manunulat mula sa kapuluan ng Pilipinas ang panitikan bilang mga buhay na mga tinig ng kanilang mga sariling karanasan, kaisipan, diwang pandama, pananaw sa kanilang mga sarili, politika, kasaysayan ng Pilipinas at ng mundo. Ginamit nila ang panitikan na may pagsalungat sa tradisyong oral o ang paggamit ng paglalahad na sadyang ginagamitan ng tinig lamang noong mga nakalipas na mga panahon. Kinasangkapan nila ang "kapangyarihan ng pluma" at ng nalimbag na salita upang mabuwag ang tinatawag na "Malaki at Malawak na Katahimikan ng mga Dantaon" ng mga Pilipinong kababaihang kasapi, kasama, at taga-ambag sa progreso at pagunlad ng Republikang Pilipino, at dahil dito maging sa iba pang bahagi ng mundo. Inilapat ng mga kababaihang Pilipino ang mga "nilalaman" ng kanilang pluma sa ibabaw ng nakalatag na papel para iharap, ipadama, at ilarawan ang kanilang sariling imahen at kalinangan sa mundo, kung paano nila nakikita ang kanilang mga sarili.[1][2]
Anyo at impluwensiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga pangunahing artikulo: Mga kababaihan sa Pilipinas at Kasaysayan ng Pilipinas.
Kasama sa mga pangunahing impluwensiya sa mga kaanyuhan ng Pilipina sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga isinulat ang apat na mga babae sa kasaysayan ng Pilipinas, sina: Gabriela Silang, Leonor Rivera, Imelda Marcos at Corazon Aquino. Kalimitang nababanggit sa panitikan Pilipino, kinakatawan ng apat na ito ang mga pakikibaka, pananaw at katauhan kung paano maging isang babae sa lipunan ng Pilipinas. Isang katipunera si Gabriela Silang o isang rebolusyonaryo - kumakatawan sa katapangan ng kababaihan - na lumaban sa kolonyalismong Kastila noong mga 1700. Salungat si Silang sa wagas, mahinahon, relihiyosa at debotong imahen ng isang babaeng Pilipino na inilarawan ni Jose Rizal sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang nasa wikang-Kastila, Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa loob ng mga pahina ng nobelang nagkabuhay noong mga 1800, ipinakita ni Rizal si Leonor Rivera - isa niyang kasintahan - sa pamamagitan ng likhang-isip na tauhang si Maria Clara bilang halimbawa ng mataas na uri ng kabaitan, ang huwarang Pilipina. Sumunod dito ang pagdating ni Imelda Marcos – ang “reyna ng kagandahan… esposa ng diktador… ang uri ng babaeng mapaghanap ng kapangyarihan…” – at sumapit din naman ang pagsisimula at pagbangon ni Corazon C. Aquino, ang unang babaeng pangulo sa Asya at sa Pilipinas – ang nahalal na kapalit ng isang lalaking diktador na si Ferdinand Marcos noong 1986. Makaraan ang panunungkulin bilang presidente ng dalawang kalalakihan (sina Fidel V. Ramos at Joseph Estrada), sumunod si Gloria Macapagal-Arroyo sa mga hakbang ni Corazon Aquino sa pagiging pinuno at tao ng politika ng isang nasyong Asyano.[1][2]
Sa mga sumunod na mga taon sa panitikan ng makabagong panahon sa Pilipinas, mula sa mga dekada ng 1960 hanggang sa mga dekada ng 1980, peminismo ang napagtuonan ng pansin ng mga manunulat na kababaihang Pilipino – una sa panulaan at sumunod ang sa prosa – upang makahulagpos mula sa tinatawag na "Malaki at Malawakang Pananahimik ng mga Dantaon." Naging pangkaraniwan para sa kanila ang paglikha ng isang larawang natatangi para lamang sa mga kababaihan - sa pamamagitan ng kanilang sari-sariling pagsisikap. Nagkoroon ng mga pagtuligsa laban sa paglalarawan ng Pilipinong bayaning si Jose Rizal hinggil sa imaheng maka-Maria Clara, maging pagpuna at di-pagsang-ayon sa kung paano sumulat ang kalalakihang manunulat na Pilipino tungkol sa mga kababaihan. Napahilig din ang mga makabagong manunulat na babae patungo sa paghiwalay mula nakaugalian, naka-uliranan at nakasanayang larawan ng mga babaeng Pilipino noong mga nakalipas na panahon, bilang mga misteryosang matriyarka (mistikal na mga ina), at mga hubog na nagsasagawa ng mga pagtitiis, sumasailalim ng paghihirap at mga gawain maka-martir na sadyang inaasahan dahil sa kanilang makapananampalatayang pagpapalaki simula pagkabata. Hinusgahan din mga babaeng manunulat ang mga pangkaraniwang paglalarawan ng mga babae bilang mga sagisag na pangkasarian. Kabilang sa mga unang babaeng manunulat na humiwalay sa lumang gawi at anyo, na mababasa sa mga akdang isinulat ng mga nagdaang mga babaeng manunulat tulad ng tradisyunal na mga "turo" ni Paz Latorena hinggil sa ulirang Pilipina, si Marjorie Evasco, isang makababaeng Pilipina at makata. Mayroon pang mga kababaihang humakbang pa para gawing "moda" ang pagtalakay ang mga aspeto ng pagkababae o sangkababaihan na dating itinuturing na bawal, di-dapat pag-usapan o pagtuonan ng pansin, sa lipunang Pilipino, tulad ng mga paksa hinggil sa mga anatomiya o bahagi ng mga katawan ng babae, erotika, diborsiyo, pinahihintulutang paghihiwalay (separasyong legal) mula sa mga dating asawang lalaki, pagpapalaglag ng bata (aborsiyon), pagkakaroon ng relasyon sa labas ng sakramento ng kasal (pornikasyon), pagiging baog o kawalan ng anak ng mag-asawa. Kabilang sa mga manunulat na ito sina Kerima Polotan Tuvera, Rosario Cruz Lucero, Ligaya Victorio-Reyes at Jessica Zafra. At isang halimbawa ng mga akdang ito ang paglalathala ng Forbidden Fruit (Pinagbabawal na Bunga) noong 1992, isang tomong pandalawahang-wika na pinagsama-sama ang mga akda ng mga kababaihang Pilipino na nasusulat sa mga wikang Filipino at Ingles.[1][2]
Wika at pinag-aralan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga pangunahing artikulo: Mga wika sa Pilipinas at Edukasyon sa Pilipinas
Salungat sa mga natanggap na pagturing ng mga Pilipino noong kapanahunan ng mga kolonyalistang Kastila, edukasyon ang pangunahing tumanggap ng pagtutuon ng pansin noong mga panahon ng pananakop ng mga Amerikano, katulad ng mga gawain ng mga Tomasito o Thomasite at mga tauhang militar ng Estados Unidos sa kapuluan simula noong mga maagang 1900.
Kaya't ang mga elitista lamang o yaong mga nasa mataas na antas ng lipunan - yung mga tinatawag na mga Ilustrado – ang umibig na gamitin ang wikang Kastila sa halip na pagyamanin ang at paunlarin ang mga katutubong sinaunang eskritura (baybayin), mga wika at mga diyalekto. Kapwa nakapag-aral ang mga Pilipino ng bawat kasarian at nakatanggap ng mga pagkakataon na nagresulta sa pagiging edukado sa wikang Ingles at sa mataas na antas ng bilang ng mga marunong bumasa at sumulat para isang umuunlad na bansang katulad ng Pilipinas. Subalit, bagaman dahil sa kahigtang ito, hindi agad nakakakuha ng suportang pananalapi o anumang uri ng pinansiyal na pagpipintakasi ang mga manunulat, maiging lalaki man o babae. Subalit gayon pa man, salungat sa kawalan ng mga ganitong pagtulong para sa mga manunulat, maraming mga akda na nasa estilong Pilipinyana (Filipiniana) ang dumagsa at karamihang naisulat sa Pilipinong Ingles, ngunit kaunti lamang sa mga pampook na inang-wika.[1]
Sa loob ng apat na taong pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas noon Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinamahagi ng mga Hapones ang diwang “Asya para sa mga Asyano,” isang ideyang pansamantalang nakapigil sa pagkalat ng Ingles bilang wikang pampanitikan sa Pilipinas, dahil nakapagpasiklab ito ng mga paglalathala at pagsasahimpapawid ng mga panoorin at programang pang-radyong halos nasa mga bernakular o mga "wika ng kabataan" ng mga Pilipino. Ang kontribusyong ito ng mga Hapones sa pagbibigay-liwanag na makawika sa mga Pilipino ang muling-bumuhay sa naroroon nang mga pagkilos patungo sa pag-aangat ng katayuan ng mga pampook na mga wika bilang mga hubog ng pagpapadamang pampanitikan bago pa man sumapit ang pagpapakilala at pagpapakalat ng Ingles sa kapuluang Pilipino. Sa pangkalahatan, kabilang sa mga pangkaraniwang "mga wika ng kabataan" ng mga Pilipino ang Tagalog, Bisaya, Hiligaynon, Sebwano at Ilokano, kasama ng marami pang iba.[2]
Gayon pa man, sa kabila ng muling-pagkamulat ng mga Pilipino sa kanilang mga "wika noong kabataan," nanumbalik at muling naiangat ang katayuan ng wikang Ingles. Bahaging dahil sa paglaganap ng mga babasahing nakatalaga sa Ingles ang muling pagbibigay-siglang ito, kasabayan ng paglalathala ng mga magkakasunod na mga "romantiko at melodramatikong" mga nobelang kinatha ng mga babaeng manunulat na nasusulat sa kanilang mga "inang-dila" sa pamamagitan ng mga pahina ng mga komiks at mga magasing katulad ng Liwayway, Bannawag, Bulaklak, Aliwan at Tagumpay.[2]
Hindi napigil at bumibitiw ang pagtutunggali sa pagitan ng Ingles at Filipino bilang mga pangunahing moda ng komunikasyon maging sa pagsapit ng wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ng pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas noong 1946, at ang opisyal na pag-"ampon" ng Filipino bilang pangalawang opisyal na wika maliban pa sa Ingles noong 1987. Isinisisi ang pagpupunyagi ng "kababalaghan" (penomeno) ng pagtutunggaling ito sa pagkakaakbay na pangkabuhayan (ekonomiya), pang-militar, at pangkalinangan ng Pilipinas sa Estados Unidos, sa paghimok sa paggamit ng Ingles kaalinsabay ng mga diyalekto sa mga paaralan at sa mga pamantasan, at maging sa pangangailangang magkaroon ng mas malawak na bilang ng mga mambabasa. Bilang resulta, bilingguwalismo - at maging multilingguwalismo - ang naging estilong pangwika at gawi.[2]
Paksa, katangian, at anyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinatalakay ng mga panitiking isinapluma ng mga kababaihang awtor sa Pilipinas ang maraming mga katotohanan at mukha ng lipunang Pilipino; ang siwang at gasgas sa pagitan ng mga mayayaman at mga mahihirap, mga sariling karanasan at mga suliranin, mga kuwento ng pag-ibig, ang mga taon ng kanilang paglaki, buhay may-asawa, hanap-buhay; kultura, paniniwala, pananampalataya, kaugalian at tradisyon, pagkababae, kabuhayan, pamilya at pagiging ina, ang mga tungkulin bilang isang asawa; mga pana-panahon sa kasaysayan katulad ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, digmaan sa Biyetnam, ang pagkakaroon ng base militar sa Pilipinas, mga diwang makabayan at mga katanungan hinggil sa katauhang pangkalinangan, diktaturang Marcos, ang rebolusyon sa EDSA ng 1986; kahirapan, prostitusyon, ang epekto ng globalisasyon at polusyon, mga gawaing may pagkukusang-loob, at ang pangingibang lupain dahil sa mga kadahilanan at pangangailangang pangkabuhayan.[1][2]
Tinatalakay ng mga panitiking isinapluma ng mga kababaihang awtor sa Pilipinas ang maraming mga katotohanan at mukha ng lipunang Pilipino; ang siwang at gasgas sa pagitan ng mga mayayaman at mga mahihirap, mga sariling karanasan at mga suliranin, mga kuwento ng pag-ibig, ang mga taon ng kanilang paglaki, buhay may-asawa, hanap-buhay; kultura, paniniwala, pananampalataya, kaugalian at tradisyon, pagkababae, kabuhayan, pamilya at pagiging ina, ang mga tungkulin bilang isang asawa; mga pana-panahon sa kasaysayan katulad ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, digmaan sa Biyetnam, ang pagkakaroon ng base militar sa Pilipinas, mga diwang makabayan at mga katanungan hinggil sa katauhang pangkalinangan, diktaturang Marcos, ang rebolusyon sa EDSA ng 1986; kahirapan, prostitusyon, ang epekto ng globalisasyon at polusyon, mga gawaing may pagkukusang-loob, at ang pangingibang lupain dahil sa mga kadahilanan at pangangailangang pangkabuhayan.[1][2]
Tinatalakay ng mga panitiking isinapluma ng mga kababaihang awtor sa Pilipinas ang maraming mga katotohanan at mukha ng lipunang Pilipino; ang siwang at gasgas sa pagitan ng mga mayayaman at mga mahihirap, mga sariling karanasan at mga suliranin, mga kuwento ng pag-ibig, ang mga taon ng kanilang paglaki, buhay may-asawa, hanap-buhay; kultura, paniniwala, pananampalataya, kaugalian at tradisyon, pagkababae, kabuhayan, pamilya at pagiging ina, ang mga tungkulin bilang isang asawa; mga pana-panahon sa kasaysayan katulad ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, digmaan sa Biyetnam, ang pagkakaroon ng base militar sa Pilipinas, mga diwang makabayan at mga katanungan hinggil sa katauhang pangkalinangan, diktaturang Marcos, ang rebolusyon sa EDSA ng 1986; kahirapan, prostitusyon, ang epekto ng globalisasyon at polusyon, mga gawaing may pagkukusang-loob, at ang pangingibang lupain dahil sa mga kadahilanan at pangangailangang pangkabuhayan.[1][2]
Paglalarawang pangkasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga pangunahing artikulo: Mga kababaihan sa Pilipinas at Kasaysayan ng Pilipinas.
Unang kasaysayan hanggang pagdaong ng mga Kastila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago pa man dumagsa ang mga mananakop at kolonyalistang Kastila, lumalalang na at nagtatala ang mga kababaihang Pilipino ng mga tula sa pamamagitan ng mga nasisirang mga materyales katulad ng mga dahon ng saging. Umaawit na rin ang mga katutubong Pilipinong kababaihan ng mga himig, sa isang panahon na kapantay sila sa katayuan ng mga kalalakihan. Maaari silang lumikom ng mga pag-aari, maging mga pinuno kapalit ng mga lalaki, gumanap bilang mga pinuno sa mga ritwal o bilang mga babaylan, at may karapatang hiwalayan (diborsiyuhin) ang kanilang mga esposo. Subalit ang nabago ang sinaunang imaheng panlipunang ito ng mga babaeng Pilipino sa pagdating ng mga Kastila. Sa pamamagitan ng pagbabago at pakikialam na ito ng mga banyaga, napatahimik ang mga malaya o liberal na kababaihan ng sinaunang lipunang Pilipino at nalagak na lamang sa mga tahanan. Tinuruan sila, ayon sa "parisang Europeano", na maging walang-imik at masunuring mga kasapi ng lipunan, mga tagagawa ng mga gawaing-bahay, tagapagpanatili ng sariling kagandahan, at para maghanda sa buhay na may-asawa. Ang kumbento at ang pagiging guro na lamang ang kanilang naging mga larangan sa labas ng bahay. Kung gayon, naging nakatuon lamang sa relihiyon o sa mga "ginayang mga kuwento" na hinango mula sa mga huwarang Kastila ang kanilang panitikan, maliban na lamang sa iilang mga may lakas ng loob na mga kababaihang katulad ni Leona Florentino, isang makatang babae na umayaw na mapatahimik noong panahon ng mga huling yugto ng ika-19 dantaon, kung kaya't itinuturing siya ngayon bilang "tagapagtatag ng panitikang pangkababaihan" sa Pilipinas.[1][2]
Pag-aaklas laban sa Espanya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong mga huling kapanahunan ng ika-19 dantaon, nakiisa ang mga kababaihang Pilipino sa pambansang pag-aaklas laban sa mga namamahalang mga Kastila, bagaman hindi gaanong hayagan kung ihahambing sa kanilang mga katumbas na kalalakihan. Kabilang sa kanilang mga ginampanan at mga kontribusyon ang "makaimpluwensiya" sa mga katayuang panggawain ng "bumabangong republika" at ang makalakip ng patas na pagkakataon sa pagtanggap ng edukasyon, na kinabibilangan ng pagkatuto ng wikang Kastila. Isang nakapagbibigay-siglang kalipunan ng mga kababaihan na tinaguriang "21 kababaihan mula sa Malolos, Bulacan", na nakipagdebate at tumulak palaban sa pagtatanggal ng mga batas na hindi patas, partikular na ang karapatan na makapag-aral sa mga eskuwelahan. Isa pa si Leona Florentino (1849–1884), na pinangalanang "ina ng panitikan ng mga kababaihang Pilipino" nang lumaon, at itinuring na tulay mula sa "binibigkas patungong nasusulat na tradisyong pampanitikan". Isinilang sa Vigan, Ilocos Sur, isang makatang babae si Florentino na may dugong-Ilustrado at sumulat sa wikang Ilokano at Espanyol. Kinilala ang kaniyang mga tula sa Europa noong 1889 makaraan ang kaniyang hindi-inaasahang kamatayan.[1][2]
Pamamagitan ng mga Amerikano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula sa simula ng mga unang mga taon ng "benebolente" o pagsakop na may pagkamagandang-loob o mabuting-kaasalan ng mga Amerikano sa arkipelago ng Pilipinas – makaraang nawalan ng kapangyarihan sa mga kapuluan ang Espanya dahil sa digmaan at piniling ipagbili ang kolonyang Asyano sa Estados Unidos - umaayon ang kalagayang-pangkapaligiran sa mga paglalathala ng mga panitikang bernakular na kinabilangan ng maraming mga pampook na mga magasin. Kaalinsabay nito, naglunsad ang Estados Unidos ng Amerika ng sistema ng edukasyong pampubliko sa wikang Ingles. Kapwa nakapag-aral sa mga paaralan, kolehiyo, at mga pamantasan ang mga lalaki at babae, katulad ng Unibersidad ng Pilipinas. Dahan-dahang nasimulan ang pagbabalik ng katayuan ng mga kababaihan na kapantay ng mga kalalakihan, katulad noong mga kapanahunan bago pa sumapit ang mga panahon ng pangungonyalismo. Kapwa nakapaglimbag ng mga akda ang dalawang kasarian sa pamamagitan ng bagong-ampong wika.
Sa panahon ng pagpapalit na ito ng wika mula Europeano-Hispaniko patungong Angglo-Amerikano, kabilang sa mga babaeng naging aktibo sa paglika ng panitikang Pilipino sa Ingles sina Paz Marquez Benitez, Paz M. Latorena, Estrella Alfon, Angela Manalang-Gloria, Genoveva Edroza-Matute, Loreto Paras-Sulit, Lilledeshan Bose, Cristina Pantoja-Hidalgo, at Lina Espina-Moore. Karamihan sa mga nangunang ito ang kasabayan ding nagsulat sa mga katutubong wika at diyalekto, bagaman mayroon din namang naging matatag at sumulat lamang sa kanilang mga sariling inang-wika. Halimbawa na nito si Magdalena Jalandoni, isang manunulat sa wikang Hiligaynon na nakapag-akda ng maraming tomo ng mga manuskrito. Sa 24 na nobelang Hiligaynon ni Jalandoni, dalawa rito ang naisalin sa Ingles. Yung mga gumaling sa pagsusulat kapwa sa Ingles at sa kanilang mga pampook na tunay nilang wika ay sina Lina Espina Moore, na naging kilala bilang pangunahing promotor ng panitikang Sebuwano. Ang nobela ni Moore noong 1968, ang Heart of the Lotus (Puso ng Lotus), ang unang nobelang Sebuwanong nobela sa wikang Ingles. Naging mga masigasig na kalahok din ang mga may-akdang kababaihang Pilipino sa pagpapaunlad ng midiya sa Pilipinas.[1][2]
Pamamagitna ng mga Hapones
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa muli, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagawang impluwensiyahan at hikayatin ng mga Hapones ang mga literati ng Pilipinas na paunlarin ang panitikan sa bernakular, kaalinsabay ng wikang Ingles na ipinakilala ng mga Amerikano sa pamamagitan ng edukasyong publiko. Nagtagal ang resulta ng pamamagitnang ito ng mga Hapons - mga kapwa-Asyano - at hindi nawala maging noong makamit ng Pilipinas ang pagiging isang Republikang may malayang pamahalaan. Ilang halimbawa nito ang mga akda nina Lualhati Bautista at Liwayway Arceo. Mayroon ding mga manuskrito na naglalaman ng personal na pagkakaranas ng mga kaganapan noong apat na taon ng pananakop ng mga Hapones tulad ng mga nagawa ni Estrella Alfon, Maria Luna Lopez, at Rosa Henson.[1][2][3][4]
Panahong Marcos at ng Batas Militar
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakapagdulot ng mga temang pampanitikang may kaugnayan sa rebolusyong kultural, pagkagising ng lipunan at diwang pampolitika, muling-napukaw na pagkamakabayan, opinyonadong mga kilusan at pagpoprotesta, di-pagpayag sa lipunang maka-lalaki, at pagdagsa ng mga nangingibang-bayan. Nagsimulang magsulat ang mga babaeng manunulat ng mga sitwasyon ng mga katulong-sa-bahay na babae at ng mga nakatira sa iskwater, kung saan ginamit nila ang kanilang mga kakayahan at kasanayan kapwa sa katutubong wika at Ingles. Isa sa mga dahilan ng pagsusulat nila sa katutubong wika ang makahikayat, makapagbigay ng kaalaman at gisingin ang diwa ng mga mamamayan. Maraming mga mamamayan ang "pinabilanggo, sinaktan," o "pinatay." Kabilang sa mga kababaihan na naging mga manunulat ng ganitong anyong makalipunan, makapolitika, at makaaktibista sina Gilda Cordero-Fernando at Ninotchka Rosca. Ang mga kilusang laban kay Marcos, ang mga "nakapapasong mga teksto" ng mga manunulat, ang kilusang Kapangyarihan ng Mamamayan (People Power movement) movement o Rebolusyong Edsa ng 1986 ang nakapagpalaglag sa diktador mula sa kaniyang luklukan ng kapangyarihan, at napalitan ng isang nahalal na kauna-unahang pangulong babae, si Corazon C. Aquino.[1][2]
Makabagong mga suliranin at katayuan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tumatanggap ng mga pagkilala at suporta ang mga kababaihang Pilipino mula sa mga di-pampamahalaang mga organisasyon, aklatan, at iba pang mga palathalaan, ngunit sa kabila ng lahat ng mga gawain ng mga samahang ito at maging ng mga mismong manunulat mayroon pa ring mga suliraning hinaharap ang mga karerang pampanitikan ng mga kababaihang Pilipinong manunulat. Kabilang sa mga ito ang komersiyalismo ng panitikan na nakapipigil sa mga babaeng manunulat sa pagiging kahilera ng mga tinatawag na "tinatangkilik na mga awtor", ang pakikibaka para kilalanin pa ang kanilang kalagayan bilang mga manunulat, at mga harang kaugnay sa ekonomiya.[1][2]
Gawi at galaw ng mga nangibang lupain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panitikan ng mga nangibang bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa pang aspeto ng mga sulatin ng mga kababaihang Pilipino ang pagkakabilang ng mga paggawa ng mga tinaguriang "panitikang migratoryo," ang paglalahad kung paano at bakit kinailangang lisanin ng mga babae ang kanilang bayan upang sumikat at mapadama nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pluma at mga panlimbag. Noong mga 1930, pinili ng mga may-akdang babaeng Pilipino ang maglakbay makatapos na makamit ang kalayaan para gawin ito, at dahil na rin sa iba pang mga kadahilanan tulad ng kawalan o kakulangan ng mga sistema ng pagpipintakasi sa loob ng kapaligiran ng isang umuunlad na bansa at ang "pagpigil ng isang makalalaki o patriyarkal na lipunan". Subalit kaiba ang eksodus o naganap na paglisan ng mga kababaihang manunulat na Pilipino noong mga 1970 kung ihahambing sa nangyari noong mga 1930, dahil iniwan nila ang bansa upang maiangat ang pamumuhay at para tumakas sa pagtugis at pagsupil ng pamahalaan. Isa sa mga unang manunulat na manlalakbay na ito si Paz Latorena.[1][2]
Kabilang sa mga tinutunguhan ng mga nagsipangibang-bayan ang Hilagang Amerika - nangunguna na Estados Unidos – at Europa, Australia, nasyong Arabo, Hapon, Singapore at iba pang mga bansa sa Asya. Sa kalahatan, lumikha ang “Malawak na Migrasyon” na ito ng mga Pilipino ng “mga pelikula, mga nobela, mga maiikling kuwento, mga tula at mga komiks” sa Pilipinas na naglalarawan ng mga nangibang-lupain bilang mga bayani ng bansa.[1][2]
Subalit mayroon pa rin ilang ibig manatili, sa halip na lisanin nila ang Pilipinas, katulad ng sa kaso ni Lilledeshan Bose; at mayroon ding mga nagbalikbayan na, makaraan makapaglakbay at mamalagian sa ibang-lupain, nanumbalik upang pumirmi katulad ni Cristina Pantoja-Hidalgo. Iba pang mga awtor ng “panitikang migrante” sina Marianne Villanueva, Nadine Sarreal at Edessa Ramos.[1][2]
Bilang karagdagan, naging mitsa para sa mga salinlahi ng mga panitikang Pilipino-Amerikano ang mga Pilipinong namalagi na sa Estados Unidos ng Amerika at nagtatag ng mga lipunang Pilipino roon katulad ng mga gawa ng isa sa mga kababaihang manunulat ng mga kathambuhay na si Jessica Hagedorn. Nanirahan ang mga migranteng Pilipinong manunulat na sina Linda Ty-Casper at Cecilia Manguerra Brainard sa Estados Unidos para makapaglathala kapwa para sa mga mambabasang Pilipino at Amerikano.[1][2]
Pagkilala at pagtangkilik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga pangkasalakuyang-panahong mga asosasyong kumakalinga, nagtataguyod, naglalathala at lumilipon ng mga gawa ng mga kababaihang Pilipinong manunulat ang Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo (Ateneo Library of Women’s Writings, o ALIWW) ng Pamantasang Ateneo de Manila, at ang Sentro ng Mapagsiyasat na Pamamahayag ng Pilipinas (Philippine Center for Investigative Journalism), kasama ng iba pang mga di-pampahalaang mga organisasyon (NGO) sa Pilipinas. Sa labas ng bansa, nariyan ang Lipunang Pilipino-Pinlandes (Philippine-Finnish Society) sa Helsinki, Finland.[3][4][5]
Mga halimbawa ng mga nalathalang panitikan ng mga kababaihang Pilipino ang Comfort Woman: Slave of Destiny ni Rosa Henson na nilathala ng Sentro ng Mapagsiyasat na Pamamahayag ng Pilipinas, at ang Tulikärpänen - filippiiniläisiä novelleja o Firefly: Writings by Various Authors (Firefly: Filipino Short Stories) - "Alitaptap: Sulatin ng Iba't-ibang mga May-akda" o "Alitaptap: Mga Maiikling Kuwentong Pilipino" - ni Riitta Vartti na binigyang tangkilik ng Lipunang Pilipino-Pinlandes. Isa pang di-pampahalaang organisasyong makatarungang pantao lathalain ang She Said No! (o "Sabi Niya, Hindi!), isang antolohiya ng mga salaysay.[3][4][5]
Ang Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo - isang bahagi ng Aklatang Rizal sa Pamantasang Ateneo de Manila at ang kaunaunahang uri nito sa Pilipinas - ang nangangasiwa sa paglilikom, pangangalaga, pagtitinggal, at pagtataguyod ng panitikan ng mga kababaihang Pilipino na patungkol sa at isinulat ng mga babaeng Pilipino. Kasama sa programa ang pangangalap ng mga kaugnay na larawang materyal, at mga patalastas na pampanitikang pagtataguyod na isinasagawa sa pamamagitan ng mga panayam, pagtatanghal, paglalathala at pagpapakilala ng mga aklat. Isinasagawa ng ALIWW ang taunang Mga Pang-alaalang Panayam na Paz Marquez Benitez (Paz Marquez-Benitez Memorial Lectures), isang magkakasunud-sunod ng mga panayam na inilunsad upang parangalan si Paz Marquez-Benitez na siyang itinuturing na “ina ng mga Pilipinong manunulat sa Ingles”. Tumutulong din ang natatanging programang ito sa pagdadala ng liwanag sa mga kababaihang Pilipinong nakahihigit sa mga sulating nasa wikang katutubo.[3][4][5]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14 1.15 1.16 Vartti, Riitta (patnugot). Panimula para sa Finnish anthology Tulikärpänen - filippiiniläisiä novelleja (Firefly - Filipino Short Stories), Kääntöpiiri Naka-arkibo 2007-10-17 sa Wayback Machine.: Helsinki, Pinlandiya 2001/2007
- ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 2.14 2.15 2.16 2.17 2.18 The History of Filipino Women's Writings Naka-arkibo 2011-07-20 sa Wayback Machine., isang artikulo mula sa Firefly - Filipino Short Stories (Tulikärpänen - filippiiniläisiä novelleja), 2001 / 2007, nakuha: 14 Abril 2008
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Comfort Woman: Slave of Destiny, Maria Rosa Luna Henson: Woman of Courage, KASAMA Vol. 11 No. 3, Solidarity Philippines Australia Network, Cpcabrisbane.org, July–August–Setyembre 1997 and Philippine Center for Investigative Journalism, Manila, nakuha: 16 Abril 2008
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Maria Rosa Luna Henson (1927–1997), Ateneo Library of Women's Writings (ALIWW), Ateneo de Manila University, Philippines and Rizal.Lib.Admu.edu.ph, nakuha: 16 Abril 2008
- ↑ 5.0 5.1 5.2 Ateneo Library of Women's Writings (ALIWW), Admu.edu.ph/ALIWW.html Naka-arkibo 2008-05-13 sa Wayback Machine., nakuha noong: 16 Abril 2008
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The History of Filipino Women's Writings, isang artikulo mula sa Firefly - Filipino Short Stories (Tulikärpänen - filippiiniläisiä novelleja), 2001 / 2007 Naka-arkibo 2011-07-20 sa Wayback Machine.
- Vartti, Riitta (patnugot). Panimula mula sa antolohiyang Firefly, Tulikärpänen - filippiiniläisiä novelleja (Firefly - Filipino Short Stories), Kääntöpiiri: Helsinki, Finland 2001/2007 Naka-arkibo 2007-10-17 sa Wayback Machine.
- Vartti, Riitta (patnugot). Filippiinit-seuran julkaisut Naka-arkibo 2008-06-18 sa Wayback Machine. (Pinlandes)
- Vartti, Riitta (patnugot). Tulikärpänen filippiiniläisiä novelleja Naka-arkibo 2008-04-30 sa Wayback Machine. (Pinlandes)
- Websayt ng Ateneo Library of Women's Writings (ALIWW), punong pahina Naka-arkibo 2008-05-13 sa Wayback Machine.
- Filipino Women Writers in English sa Ateneo Library of Women's Writings (ALIWW)
- Filipino Women Writers in Filipino (the language) sa Ateneo Library of Women's Writings (ALIWW)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Filippiinit-seura ry Finnish-Philippine Society Naka-arkibo 2008-06-17 sa Wayback Machine. (opisyal na websayt, pahina ng nabigasyon)
- Finnish-Philippine Society Naka-arkibo 2008-06-17 sa Wayback Machine. (opisyal na websayt, punong pahina)