Mga papeles ng Panama

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mga bansang may mga pulitiko, mga pampublikong opisyal o malalapit na kasamahan na nasangkot sa pagbunyag noong Abril 15, 2016 (sa Mayo 19, 2016)

Ang Mga Papeles ng Panama ( Kastila: Papeles de Panamá ) ay 2.6TB na datos o 11.5 milyong mga ibinunyag na dokumento na nagdedetalye ng impormasyon tungkol sa pinansiyal at mga impormasyong abugado – kliyente para sa higit na mga 214,488 entidad na offshore. Inilabas ang mga ito simula noong Abril 3, 2016. Ang mga dokumento, ang ilan ay nagmula pa noong dekada 1970, ay nilikha at kinuha mula sa pambatasang kumpanya mula sa Panama at tagapagbigay ng serbisyo sa korporasyon na Mossack Fonseca .