Mic Drop (kanta)
"Mic Drop" | ||||
---|---|---|---|---|
Single ni BTS featuring Desiigner | ||||
mula sa EP na Love Yourself: Her | ||||
Nilabas | 24 Nobyembre 2017 | |||
Tipo | ||||
Haba | 3:58 | |||
Tatak | ||||
Manunulat ng awit |
| |||
Prodyuser | Pdogg (Korean and Japanese) Steve Aoki (Remix) | |||
BTS singles chronology | ||||
| ||||
Music videos | ||||
"Mic Drop" (Steve Aoki remix) sa YouTube | ||||
"Mic Drop" (Japanese version) sa YouTube |
Ang "Mic Drop" (na isinusulat bilang " MIC Drop") ay isang kantang ini-record sa dalawang wika (Koreano at Hapones) ng Timog Koreanong boy band na BTS. Ang Koreanong bersiyon ay orihinal na isinama bilang B-side track sa ikalimang extended play ng banda, Love Yourself: Her (2017), at kalaunan ay ni-remix ng Ameriknong prodyuser at DJ na si Steve Aoki. Ang remix ay inilabas bilang pangalawang single mula sa EP noong 24 Nobyembre 2017 ng Big Hit Entertainment at nagtatampok ng guest appearance ng American rapper na si Desiigner. Inilathala ito sa contemporary hit radio ng Estados Unidos noong 5 Disyembre 2017, bilang single sa bansang iyon. Ang bersiyon sa wikang Hapones ng "Mic Drop" ay inilabas noong 6 Disyembre 2017 ng Def Jam Recordings at Virgin Music bilang isang triple A-side na single album na kasama ang "DNA" at isang bago, orihinal na kanta na "Crystal Snow", parehong ding sa wikang Hapones. Ang parehong Koreano at Hapones na bersiyon ng kanta ay isinulat ni Supreme Boi, "Hitman" Bang, J-Hope, RM, at Pdogg, na ang huli sa lima ay tanging humahawak sa produksiyon. Ang bersiyon ng remix ay isinulat din ng parehong mga manunulat ng kanta, na may karagdagang pagsulat ng kanta nina Aoki, Desiigner, Tayla Parx, Flowsik, at Shae Jacobs. Ito ay ginawa ni Aoki, kasama ang Pdogg na nagbibigay ng karagdagang produksyon. Isang kantang EDM at trap song na may pagkiling sa hip hop, ipinagdiriwang ng lyrics ang maraming tagumpay ng BTS.
Nakatanggap ang kanta sa pangkalahatan ng mga paborableng review mula sa mga kritiko ng musika, na pinuri ang tibok, tunog, at mga estilo ng musika nito, at pinili ito bilang isang natatanging track, sa Love Yourself: Her . Sa komersiyal, ang remix na bersyon ng "Mic Drop" ay nag-debut sa numero 28 sa US Billboard Hot 100, na naging unang track ng banda na umabot sa nangungunang 40 sa talaan. Ang kanta ay lumabas sa numero 37 sa Canadian Hot 100 at numero 46 sa UK Singles Chart, bilang karagdagan sa pag-abot sa mga katamtamang rutok sa ilang iba pang teritoryo. Nag-debut ang bersiyong Hapones sa numero uno sa Oricon Singles Chart at sa Billboard Japan Hot 100. Ito ang ika-13 na pinakamabentang single ng 2017 sa Hapon. Ito ay sertipikadong platino ng Recording Industry Association of America (RIAA) at double platinum ng Recording Industry Association of Japan (RIAJ).
Mga kredito at tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga bersiyong Koreano at Hapones Ang mga kredito ay kinuha mula sa liner notes ng Love Yourself: Her.[1]
|
Remix version Credits are adapted from Melon.[2]
|
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Love Yourself: Her (CD Booklet). BTS. South Korea: Big Hit Entertainment, LOEN Entertainment. 18 Setyembre 2017. pp. 70 of 98. 8804775083280.
{{cite mga pananda sa midyang AV}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: others in cite AV media (notes) (link) - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangmelon
); $2