Pumunta sa nilalaman

Mikronesiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mikronesiya
Mapang pangheograpiko ng Mirkonesiya (binawasang bahagi)
Mapang pangheograpiko ng Mirkonesiya (binawasang bahagi)
Populasyon
 (0)
  KabuuanNeutral increase 517.464
Tawag sa tagalugarMikronesiyo
Mga bansa
Mga dependensiya

Ang Mikronesiya (NK /ˌmkrəˈnziə/, EU /ʔˈnʒə/)[1] ay isang subrehiyon ng Oseaniya, na binubuo ng humigit-kumulang 2,000 maliliit na pulo sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Mayroon itong malapit na magkakaugnay na kasaysayang kultural sa tatlo pang rehiyong pulo: ang Maritimong Timog-silangang Asya sa kanluran, ang Polinesiya sa silangan, at ang Melanesya sa timog—gayundin sa mas malawak na komunidad ng mga Austronesyo.

Ang rehiyon ay may klimang tropikal na pandagat at bahagi ng mundong Oseaniya. Kabilang dito ang apat na pangunahing kapuluan—ang Kapuluang Caroline, Kapuluang Gilbert, Kapuluang Mariana, at Kapuluang Marshall—pati na rin ang maraming pulo na hindi kabilang sa alinmang kapuluan.

Nagkakaiba-iba ang kontrol pampolitika sa loob ng Mikronesya depende sa pulo, at ito ay nahahati sa anim na mga bansang may soberanya. Ang ilan sa Kapuluang Caroline ay bahagi ng Republika ng Palau at ang iba naman ay bahagi ng Pederadong mga Estado ng Mikronesya (madalas pinaikli bilang "FSM" o "Mikronesya"—na hindi dapat ipagkamali sa pangalan ng buong rehiyon). Ang Kapuluang Gilbert (kasama ang Kapuluang Phoenix at Kapuluang Line sa Polinesiya) ay bumubuo sa Republika ng Kiribati. Ang Kapuluang Mariana ay may kaugnayan sa Estados Unidos; ang ilan ay kabilang sa teritoryo ng Estados Unidos na Guam at ang iba naman ay sa Komonwelt ng Hilagang Kapuluang Mariana. Ang pulo ng Nauru ay isang hiwalay na bansang may sariling soberanya. Ang Kapuluang Marshall ay kabilang sa Republika ng Kapuluang Marshall. Ang soberanya ng Kapuluang Wake ay pinagtatalunan: inaangkin ito ng Estados Unidos at ng Republika ng Kapuluang Marshall. Sa kasalukuyan, ang Estados Unidos ang may aktuwal na kontrol sa Kapuluang Wake, na direktang pinangangasiwaan ng Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos.

Sa kabila ng katotohanang ang konsepto ng "Mikronesiya" ay matagal nang naitatag mula pa noong 1832 at patuloy na ginagamit, ang pangkat na ito ay hindi tumutugma sa anumang iisang heomorpolohikal, arkeolohikal, lingguwistiko, etniko, o kultural na pagkakaisa. Sa halip, ito ay isang magkakaibang kalipunan na walang malalim na iisang identidad. Sa katunayan, walang umiiral na "mamamayang Mikronesyano" bilang hiwalay na pangkat ng mga Austronesyo na naglayag sa dagat, na kinabibilangan din ng mga Polinesyo at ng ipinapalagay na Australo-Melanesyo o "mga Melanesyo".[2]

Nagsimula ang paninirahan ng tao sa Mikronesiya ilang libong taon na ang nakalipas.[3] Batay sa kasalukuyang konsenso ng agham, nagmula ang mga Austronesyo sa isang sinaunang migrasyong pandagat, na kilala bilangAustronesyong pagpapalawak, mula sa sinaunang Formosa bago ang panahong Han, bandang 3000 hanggang 1500 BK. Narating ng mga Austronesyo ang pinakahilagang bahagi ng Pilipinas, partikular ang Kapuluang Batanes, bandang 2200 BK. Sila ang unang mga taong nakalikha ng mga teknolohiyang pandagat para sa paglalayag sa karagatan (tulad ng catamaran, bangkang may katig, paraang tinataling umbok sa paggawa ng bangka, at layag na parang sipit ng alimango), na nagbigay-daan sa kanilang mabilis na pagkalat sa mga isla ng Indo-Pasipiko.[4][5][6] Mula 2000 BK, kanilang nakasalamuha at nahaluan (o nahaluan sila) ng mga naunang populasyon sa mga pulo na kanilang dinaanan.[7][8][9][10][11]

Ang pinakaunang naitalang pakikipag-ugnayan ng mga Europeo sa Mikronesiya ay noong 1521, nang dumaong ang ekspedisyon ni Magellan sa Kapuluang Mariana. Karaniwang iniuugnay kay Jules Dumont d'Urville ang paglikha ng katawagang "Mikronesiya" noong 1832, subalit sa katunayan ay ginamit na ito ni Louis Domeny de Rienzi isang taon bago nito.[12][13]

Nagmula ang salitang ito sa Griyegong mga salita na "μικρόν" (mikrón) na ibig-sabihin ay "maliit" at "νησί" (nesí) na "pulo" na nangangahulugang "maliit na pulo".

Ang Mikronesiya ay isang rehiyon sa Oseaniya na binubuo ng humigit-kumulang 2,100 pulo, na may kabuuang lawak na 2,700 km2 (1,000 mi kuw), kung saan ang pinakamalaki ay ang Guam na may sukat na 582 km2 (225 mi kuw) Ang kabuuang lawak ng karagatang saklaw ng mga pulong ito ay ,7,400,000 km2 (2,900,000 mi kuw).[14]

May apat na pangunahing pangkat ng mga isla sa Mikronesiya:

  • ang Kapuluang Caroline (Pederadong mga Estado ng Mikronesiya at Palau)
  • ang Kapuluang Gilbert (Kiribati)
  • ang Kapuluang Mariana (Kapuluang Hilagang Mariana at Guam, Estados Unidos)
  • ang Kapuluang Marshall

Hindi kabilang dito ang hiwalay na bansang pulo ng Nauru, pati na rin ang iba pang mga natatanging pulo at mas maliliit na pangkat ng pulo.

Ang mga tao sa kasalukuyan ay binubuo ng iba't ibang etnisidad, subalit lahat ay nagmula at kabilang sa kulturang Mikronesiyo.[15]

Dahil sa paghahalong ito ng pinagmulan, marami sa mga etnisidad sa Mikronesiya ang nakakaramdam ng mas malapit na ugnayan sa ilang pangkat sa Melanesiya o sa Pilipinas. Isang magandang halimbawa nito ang mga Yapese na may kaugnayan sa mga Austronesyo na tribo sa hilagang Pilipinas.[16] Ipinapakita rin ng henetika na may makabuluhang bilang ng mga Mikronesyano ang may lahing Hapones sa panig ng ama: 9.5% ng mga lalaki sa Mikronesiya at 0.2% sa Silangang Timor ang nagtataglay ng Haplogrupong D-M55.[17]

Mayroon ding malalaking pamayanang Asyano sa buong rehiyon, lalo na sa Kapuluang Hilagang Mariana kung saan sila ang mayorya. Mayroon ding mas maliliit na pamayanang Europeo na nagmula sa Estados Unidos o mga inapo ng mga nanirahan noong panahon ng kolonyalismong Europeo sa Mikronesiya.

Bagama't bahagi silang lahat ng iisang rehiyon sa heograpiya, magkakaiba ang kanilang mga kasaysayang kolonyal. Ang mga lugar sa Mikronesiya na pinangangasiwaan ng Estados Unidos ay may natatanging karanasan na nagtatangi sa kanila mula sa iba pang bahagi ng Pasipiko. May malaking pag-asa sa ekonomiya ang Mikronesiya sa dati o kasalukuyang mga bansang namamahala sa kanila, na maihahambing lamang sa French Pacific. Minsan, ginagamit ang katawagang "Amerikanong Mikronesiya" upang kilalanin ang pagkakaibang ito sa pamana ng kultura.[18]

Ayon sa isang sarbey noong 2011, 93.1% ng mga Mikronesyo ay mga Kristiyano;[19] ipinakita naman ng isang sarbey noong 2022 na 99% ay Kristiyano.[20]

Talahanayan ng demograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga bansa at teritoryo sa talahanayang ito ay ikinategorya ayon sa iskema ng mga heograpikal na subrehiyon na ginagamit ng Mga Bansang Nagkakaisa. Ang impormasyong ipinapakita ay sumusunod sa mga sanggunian sa mga kaugnay na artikulo; kung saan nagkakaiba ang mga sanggunian, malinaw na ipinahiwatig ang mga paliwanag o kundisyon. Ang mga teritoryo at rehiyong ito ay maaaring sumailalim sa iba't ibang karagdagang pagkakategorya, depende sa pinagmulan at layunin ng bawat paglalarawan.

Eskudo Watawat Pangalan ng rehiyon, na sinusunod ng mga bansa[21] Area

(km2)

Populasyon

( 2021) [22][23]

Densidad ng populasyon density

(per km2)

Kabisera ISO 3166-1
Federated States of Micronesia Federated States of Micronesia Estados Pederados ng Mikronesya 702

113,131

149.5 Palikir FM
Guam Guam Guam (Estados Unidos) 549

170,534

296.7 Hagåtña GU
Kiribati Kiribati Kiribati 811

128,874

141.1 Timog Tarawa KI
Marshall Islands Marshall Islands Kapuluang Marshall 181

42,050

293.2 Majuro MH
Nauru Nauru Nauru 21

12,511

540.3 Yaren (de facto) NR
Northern Mariana Islands Northern Mariana Islands Kapuluang Hilagang Mariana (Estados Unidos) 477

49,481

115.4 Saipan MP
Palau Palau Palau 458

18,024

46.9 Ngerulmud[24] PW
United States Estados Unidos Kapuluang Wake Island (Estados Unidos) 2 150 75 Kapuluang Wake UM
Mikronesiya (kabuuan) 3,307 526,343 163.5

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. mula sa Sinaunang Griyego: μικρός mikrós "maliit" and νῆσος nêsos "pulo"
  2. Patrick Vinton Kirch, On the Road of the Winds: an Archeological History of the Pacific Islands before European Contact, Berkeley, University of California Press, 2000:5. (sa Ingles)
  3. Kirch 2001, p. 167.
  4. Doran, Edwin B. (1981). Wangka: Austronesian Canoe Origins (sa wikang Ingles). Texas A&M University Press. ISBN 978-0-89096-107-0.
  5. Dierking, Gary (2007). Building Outrigger Sailing Canoes: Modern Construction Methods for Three Fast, Beautiful Boats (sa wikang Ingles). International Marine/McGraw-Hill. ISBN 978-0-07-159456-1.
  6. Horridge, Adrian (1986). "The Evolution of Pacific Canoe Rigs". The Journal of Pacific History (sa wikang Ingles). 21 (2): 83–89. doi:10.1080/00223348608572530. JSTOR 25168892.
  7. Bellwood, Peter (1988). "A Hypothesis for Austronesian Origins" (PDF). Asian Perspectives (sa wikang Ingles). 26 (1): 107–117. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 1 May 2019. Nakuha noong 1 May 2019.
  8. Bellwood, Peter (1991). "The Austronesian Dispersal and the Origin of Languages". Scientific American (sa wikang Ingles). 265 (1): 88–93. Bibcode:1991SciAm.265a..88B. doi:10.1038/scientificamerican0791-88. JSTOR 24936983.
  9. Hill, Adrian V.S.; Serjeantson, Susan W., mga pat. (1989). The Colonization of the Pacific: A Genetic Trail. Research Monographs on Human Population Biology No. 7 (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-857695-2.
  10. Bellwood P, Fox JJ, Tryon D (2006). The Austronesians: Historical and Comparative Perspectives (sa wikang Ingles). Australian National University Press. ISBN 978-1-920942-85-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2020. Nakuha noong 23 Marso 2019.
  11. Blench, Roger (2012). "Almost Everything You Believed about the Austronesians Isn't True" (PDF). Mula sa Tjoa-Bonatz, Mai Lin; Reinecke, Andreas; Bonatz, Dominik (mga pat.). Crossing Borders (sa wikang Ingles). National University of Singapore Press. pp. 128–148. ISBN 978-9971-69-642-9. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 30 December 2019. Nakuha noong 23 March 2019.
  12. Rainbird 2004, p. 6.
  13. « Although based on a superficial understanding of the Pacific islanders, Dumont d'Urville's tripartite classification stuck. Indeed, these categories — Polynesians, Micronesians, Melanesians — became so deeply entrenched in Western anthropological thought that it is difficult even now to break out the mould in which they entrap us (Thomas, 1989). Such labels provide handy geographical referents, yet they mislead us greatly if we take them to be meaningful segments of cultural history. Only Polynesia has stood the tests of time and increased knowledge, as a category with historical significance », Patrick Vinton Kirch, On the Road of the Winds : an Archeological History of the Pacific Islands before European Contact, Berkeley, University of California Press, 2000 : 5. (sa Ingles)
  14. Kirch 2001, p. 165.
  15. Hudjashov, Georgi; Endicott, Phillip; Post, Helen; Nagle, Nano; Ho, Simon Y. W.; Lawson, Daniel J.; Reidla, Maere; Karmin, Monika; Rootsi, Siiri; Metspalu, Ene; Saag, Lauri (2018-01-29). "Investigating the origins of eastern Polynesians using genome-wide data from the Leeward Society Isles". Scientific Reports (sa wikang Ingles). 8 (1): 1823. Bibcode:2018NatSR...8.1823H. doi:10.1038/s41598-018-20026-8. ISSN 2045-2322. PMC 5789021. PMID 29379068.
  16. "Micronesians - Introduction, Location, Language, Folklore, Religion, Major holidays, Rites of passage". everyculture.com (sa wikang Ingles).
  17. Tumonggor, Meryanne K; Karafet, Tatiana M; Downey, Sean; Lansing, J Stephen; Norquest, Peter; Sudoyo, Herawati; Hammer, Michael F; Cox, Murray P (Setyembre 2014). "Isolation, contact and social behavior shaped genetic diversity in West Timor". Journal of Human Genetics (sa wikang Ingles). 59 (9): 494–503. doi:10.1038/jhg.2014.62. PMC 4521296. PMID 25078354.
  18. Kiste, Robert C.; Marshall, Mac, mga pat. (1999). American Anthropology in Micronesia: An Assessment (sa wikang Ingles). Honolulu, Hawaiʻi: University of Hawaiʻi Press. p. 1. ISBN 978-0-8248-2017-6.
  19. Center for the Study of Global Christianity (Hunyo 2013), Christianity in its Global Context, 1970–2020: Society, Religion, and Mission (PDF) (sa wikang Ingles), South Hamilton, Massachusetts, USA: Gordon-Conwell Theological Seminary, inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Agosto 2013
  20. "Micronesia". United States Department of State (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-03-21.
  21. Mga rehiyon at nasasakupan ayon sa mga pagkakategorya/mapa ng Mga Nagkakaisang Bansa, maliban sa mga tala 2–3 at 6. Depende sa mga depinisyon, ang ilang mga teritoryong binanggit sa ibaba (mga tala 3, 5–7, at 9) ay maaaring kabilang sa alinman o sa kapwa ng Oseaniya at Asya o Hilagang Amerika.
  22. "World Population Prospects 2022". population.un.org. United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong 17 Hulyo 2022.
  23. "World Population Prospects 2022: Demographic indicators by region, subregion and country, annually for 1950-2100" [World Population Prospects 2022: Mga panukoy pang-demograpiko batay sa rehiyon, subrehiyon, at bansa, taunan mula 1950-2100] (XSLX). population.un.org ("Kabuuang populasyon, tumpak noong ika-1 ng Hulyo (libo)") (sa wikang Ingles). United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong July 17, 2022.
  24. Noong 7 Oktubre 2006, inilipat ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang mga tanggapan mula sa dating kabisera na Koror patungong Ngerulmud sa estado ng Melekeok, na matatagpuan 20 km (12 mi) hilagang-silangan ng Koror sa pulo ng Babelthuap.