Pumunta sa nilalaman

Miss Universe 1954

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe 1954
Miriam Stevenson
Petsa24 Hulyo 1954
PresentersBob Russell
PinagdausanLong Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos
Lumahok33
Placements16
Bagong sali
  • Arhentina
  • Brasil
  • El Salvador
  • Honduras
  • Kanlurang Indies
  • Kosta Rika
  • Nuweba Selandiya
  • Singapura
  • Taylandiya
  • Timog Korea
Hindi sumali
  • Austrya
  • Beneswela
  • Dinamarka
  • Hawaii
  • Suwisa
  • Timog Aprika
  • Turkiya
Bumalik
  • Hong Kong
  • Israel
  • Kuba
  • Tsile
NanaloMiriam Stevenson
 Estados Unidos
CongenialityEfi Androulakakis
Gresya
← 1953
1955 →

Ang Miss Universe 1954 ay ang ikatlong edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 24 Hulyo 1954.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Christiane Martel ng Pransiya si Miriam Stevenson ng Estados Unidos bilang Miss Universe 1954.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Martha Rocha ng Brasil, habang nagtapos bilang second runner-up si Virginia June Lee ng Hong Kong.[3][4]

Mga kandidata mula sa tatlumpu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Russel ang kompetisyon sa ikatlong pagkakataon. Itinampok rin sa edisyong ito ang Star of the Universe Crown na may isang-libong Oriental cultured at itim na perlas na nakalagay sa solidong ginto at platino. Ang koronang ito ay ginamit para sa sumunod na anim na edisyon.[5]

Long Beach Municipal Auditorium, ang lokasyon ng Miss Universe 1954

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa tatlumpu't-tatlong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kaniyang bansa matapos na mapatalsik ang orihinal na nanalo.

Niluklok si Miss Korea 1954 first runner-up Kae Sun-hee bilang kandidata ng Timog Korea matapos hindi tanggapin ang visa ni Miss Korea 1954 Pu Rak Hi upang makapasok sa Estados Unidos dahil sa mga paratang na mayroon siyang ugnayan sa mga grupong komunista.[6][7] Ganoon din ang nangyari kay Star Hellas 1954 Rika Dialina kung saan pinalitan siya ng kanyang first runner-up na si Efi Androulakakis dahil minsan ay umasta si Dialina sa isang libro ng isang komunistang Griyego.[8][9]

Gayunpaman, namagitan sa kaso ni Dialina ang noo'y Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na si John Foster Dulles, at dahil dito, nakakuha ng temporary entry permit si Dialina. Nakarating si Dialina sa Long Beach ilang araw bago ang paunang kompetisyon, dahilan upang magbitiw si Androulakakis sa kompetisyon. Hiniling ng mga organizer na manatili si Androulakakis sa kompetisyon bilang kinatawan ng Creta, subalit tinanggihan ito ni Androulakakis dahil ayon sa kanya, si Dialina raw ang pinili ng kanyang mga kababayan upang kumatawan sa kompetisyon.[10] Bagama't hindi na opisyal na kandidata si Androulakakis, iginawad sa kanya ang parangal na Miss Congeniality.[11]

Niluklok ang Miss Thailand 1953 first runner-up na si Amara Asavananda bilang kandidata ng kanyang bansa matapos bumitiw si Miss Thailand 1954 Sucheela Srisomboon dahil sa pinansiyal na dahilan.[12][13]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang sumali sa edisyong ito ang Arhentina, Brasil, El Salvador, Honduras, Kanlurang Indies, Kosta Rika, Nuweba Selandiya, Singapura, Taylandiya, at Timog Korea. Bumalik sa kompetisyon ang Hong Kong, Israel, Kuba, at Tsile na huling sumali noong 1952.

Hindi sumali si Berta Elena Landaeta ng Beneswela dahil bigla na lamang ito nawala at hindi matagpuan ng mga pageant organizer ang mga pinaroroonan nito.[14] Hindi sumali sina Felicitas von Goebel ng Austrya, Grete Hoffenblad ng Dinamarka, Gertrude Kapi'olani Miller ng Hawaii, Leela Naidu ng Indiya, at Claudine Chaperon Du Larret ng Suwisa dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[15][16][17] Hindi sumali ang Timog Aprika, at Turkiya matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat sanang lalahok ang mga kandidata mula sa Guwatemala at Nikaragwa sa unang pagkakataon, subalit hindi sila pinayagan ng kanilang mga pamahalaan dahil sa sigalot sa Gitnang Amerika.[14] Hindi nagpatuloy sa kompetisyon si Camila Rego ng British Guiana dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 1954 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 1954
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 16

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Congeniality
Most Popular Girl

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1953, labing-anim na semi-finalist ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang labing-anim na semi-finalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Julia Adams – Amerikanang aktres[19]
  • Milo Anderson – Amerikanong movie dress designer
  • Suzan Ball – Amerikanang aktres[19]
  • Tom Kelley – Amerikanong listratista na kilala sa pagkuha sa litrato ni Marilyn Monroe[19]
  • Piper Laurie – Amerikanang aktres[19]
  • Robert Palmer – Amerikanong casting director mula sa Universal Studios
  • Yucca Salamunich – Amerikanong iskulptor
  • Vincent Trotta – Artistic director ng Paramount Pictures
  • Albert Varga – Amerikanong ilustrador[4]
  • Bud Westmore – Amerikanong estilista
  • Earl Wilson – Amerikanong kolumnista[4]

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tatlumpu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
 Alaska Lander, CharleinCharlein Lander[20] 18 Fairbanks
Arhentina Arhentina Kislinger, Ivana OlgaIvana Olga Kislinger[21] 22 Temperley
Australya Bliss, ShirleyShirley Bliss[22] 20 Narrandera
Belhika Belhika Neckaerts, ChristianeChristiane Neckaerts[23] 19 Nodebais
Brazil Brasil Rocha, MarthaMartha Rocha[24] 21 Salvador
El Salvador El Salvador Orozco, MyrnaMyrna Orozco[25] 20 San Salvador
Estados Unidos Stevenson, MiriamMiriam Stevenson[26] 21 Winnsboro
Gresya Dialina, RikaRika Dialina[27] 22 Heraklion
Hapon Hapon Kondo, MiekoMieko Kondo[28] 18 Nagoya
Honduras Padilla, LilliamLilliam Padilla 21 Tegucigalpa
Hong Kong Lee, Virginia JuneVirginia June Lee[29] 20 Hong Kong
Israel Israel Pe’er, AvivaAviva Pe’er[30] 18 Tel-Abib
Italya Italya Paliani, Maria TeresaMaria Teresa Paliani[31] 18 Roma
Canada Kanada Landry, JoyceJoyce Landry[32] 20 Toronto
Alemanya Kanlurang Alemanya Ernst, ReginaRegina Ernst[33] 18 Bremen
Kanlurang Indies Andrade, EvelynEvelyn Andrade[34] 18 Kingston
Costa Rica Kosta Rika Esquivel, MarianMarian Esquivel[25] 18 San José
Kuba Kuba Finlay, IsisIsis Finlay[35] 20 Havana
Mexico Mehiko Castillo Olivera, ElviraElvira Castillo Olivera[36] 19 Lungsod ng Mehiko
New Zealand Nuweba Selandiya Manley, MoanaMoana Manley[37] 18 Auckland
Norway Noruwega Stornes, MonaMona Stornes[38] 19 Oslo
 Panama Torre, LilianaLiliana Torre[39] 18 Lungsod ng Panama
 Peru León, IsabellaIsabella León[25] 18 Lungsod ng Lima
Pilipinas Ocampo, BlesildaBlesilda Ocampo[40] 18 Maynila
Finland Pinlandiya Airisto, LenitaLenita Airisto[41] 18 Helsinki
Puerto Rico Porto Riko Santiago, LucyLucy Santiago[42] 23 San Juan
Pransiya Beer, JacquelineJacqueline Beer[43] 21 Bois-Colombes
Singapura Wee, MarjorieMarjorie Wee[44] 21 Singapura
Suwesya Suwesya Olausson, RagnhildRagnhild Olausson[45] 19 Estokolmo
Taylandiya Taylandiya Asavananda, AmaraAmara Asavananda[12] 18 Bangkok
Timog Korea Timog Korea Kae, Sun-heeSun-hee Kae[46] 19 Seoul
Chile Tsile Leguisos, GloriaGloria Leguisos[47] 21 Santiago
Uruguay Urugway Moreno, AnaAna Moreno[48] 22 Montevideo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Miss Brazil loses out by a hip bulge". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1954. pp. A-6. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  2. "South Carolina's Miriam Stevenson Wins "Miss Universe"; Miss Brazil Second". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1954. pp. 1, 5. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  3. "Miss USA captures Miss Universe title". The Day (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1954. p. 1. Nakuha noong 8 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 "Freckled Southener tops Universe field". Nashville Banner (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1954. p. 3. Nakuha noong 8 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  5. "Miss Universe crowns: Sentimental favorites, all-time greats". Rappler (sa wikang Ingles). 16 Mayo 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Nobyembre 2022. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
  6. "Miss Universe entrants prepare for pageant". The Examiner (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 22. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  7. ""Miss Universe" loses her U.N." The Advocate (sa wikang Ingles). 17 Hulyo 1954. p. 2. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  8. "America bars another Miss Universe beauty". The Sun (sa wikang Ingles). 14 Hulyo 1954. p. 3. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  9. "Now US bans a beauty". The Straits Times (sa wikang Ingles). 9 Hulyo 1954. p. 1. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  10. "Sportieve „miss" in Long Beach" [Sporty "miss" in Long Beach]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 22 Hulyo 1954. p. 7. Nakuha noong 29 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  11. 11.0 11.1 "Miss Universe contest reaches climax tonight". St. Joseph News-Press (sa wikang Ingles). 23 Hulyo 1954. p. 8. Nakuha noong 19 Marso 2025 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  12. 12.0 12.1 "วันนี้ 83 ปี "อมรา อัศวนนท์" สาวไทยคนแรกไป "มิสยูนิเวิร์ส"" [Today is 83 years old, "Amara Asavanant" is the first Thai woman to go to "Miss Universe".]. Nation TV (sa wikang Thai). 6 Mayo 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Pebrero 2025. Nakuha noong 19 Marso 2025.
  13. "การประกวดนางสาวไทยประจำปี 2496 ความงาม ความดี และหลักอนามัย" [Miss Thailand 1953 beauty, goodness and hygiene]. SILPA-MAG (sa wikang Thai). 20 Hulyo 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Disyembre 2024. Nakuha noong 19 Marso 2025.
  14. 14.0 14.1 "Miss Venezuela disappears in beauty contest". Courier-Post (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 35. Nakuha noong 6 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  15. "Miss Austria wird seit 90 Jahren gewählt". Wien (sa wikang Aleman). 27 Enero 2019. Nakuha noong 1 Enero 2023.
  16. Barua, Kriti (17 Oktubre 2024). "List of Femina Miss India winners (1947-2024)". Jagran Josh (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2025. Nakuha noong 13 Marso 2025.
  17. "Wereldkampioenschap der schoonheid" [Beauty World Championship]. Het Parool (sa wikang Olandes). 16 Oktubre 1954. p. 3. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  18. 18.00 18.01 18.02 18.03 18.04 18.05 18.06 18.07 18.08 18.09 18.10 "Miriam Stevenson (VS) gekozen tot Miss Universe 1954" [Miriam Stevenson (USA) elected Miss Universe 1954]. De locomotief (sa wikang Olandes). 26 Hulyo 1954. p. 1. Nakuha noong 29 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  19. 19.0 19.1 19.2 19.3 "U.S. has Miss Universe". Sunday Times (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1954. p. 2. Nakuha noong 17 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  20. "Royal group set to greet Miss Alaska". The Bulletin (sa wikang Ingles). Bend, Oregon. 30 Hunyo 1954. p. 1. Nakuha noong 22 Setyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  21. Martínez, Adolfo C. (16 Disyembre 2005). "Murió Ivana Kislinger, una diva sensual" [Ivana Kislinger, a sensual diva, has died.]. La Nacion (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 May 2009. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
  22. ""Miss Universe" Contest". Cairns Post (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 5. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  23. "Ah, go on, try it". Waco Tribune-Herald (sa wikang Ingles). 11 Hulyo 1954. p. 8. Nakuha noong 6 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  24. Belser, Emily (13 Hulyo 1955). ""Miss Universe" winners seldom become success". Corsicana Daily Sun (sa wikang Ingles). p. 11. Nakuha noong 7 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  25. 25.0 25.1 25.2 "Miss Universe hopefuls arrive". Albuquerque Journal (sa wikang Ingles). 13 Hulyo 1954. p. 9. Nakuha noong 6 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  26. "American girl". Journal and Courier (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1954. pp. 1, 12. Nakuha noong 8 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  27. Strickland, Edwin (9 Hulyo 1954). "Miss Greece eliminated". The Birmingham News (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 6 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  28. "Miss Japan of 1954". The Beverley Times (sa wikang Ingles). 5 Agosto 1954. p. 1. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  29. "Hong Kong beauty reaches California". Clarion-Ledger (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 24. Nakuha noong 6 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  30. Romano, Elio (30 Hulyo 1954). "Israeli entry in Miss Universe contest shows beauty of character". B'nai B'rith Messenger⁩ (sa wikang Ingles). p. 8. Nakuha noong 10 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.
  31. "Beauty speaks a single language". The Victoria Advocate (sa wikang Ingles). 14 Hulyo 1954. p. 1. Nakuha noong 17 Marso 2025 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  32. "Miss Universe?". Times Colonist. 12 Hulyo 1954. p. 10. Nakuha noong 19 Enero 2025 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  33. "Wie wordt miss Universe 1954? Duits meisje Regina Ernst favoriet" [Who will be Miss Universe 1954? German girl Regina Ernst favorite]. De vrije pers (sa wikang Olandes). 17 Hulyo 1954. p. 1. Nakuha noong 29 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  34. "Former Miss Jamaica dies". The Gleaner (sa wikang Ingles). 30 Mayo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Disyembre 2024. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
  35. "Miss Universe pageant brings complications". Belvidere Daily Republican (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 1954. p. 3. Nakuha noong 6 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  36. ""La Srita. Mexico" es una muchacha culta" [The "Miss Mexico" is a cultured girl]. La Opinión (sa wikang Kastila). 18 Hulyo 1954. pp. 5B. Nakuha noong 22 Setyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  37. "Heat too much for Miss New Zealand". News-Press (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1954. p. 3. Nakuha noong 6 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  38. "Miss Norway of 1954 files suit for divorce". The Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 25 Pebrero 1958. p. 2. Nakuha noong 7 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  39. "Estas son las panameñas que participaron de Miss Universo" [These are the Panamanians who participated in Miss Universe]. Telemetro (sa wikang Kastila). 7 Enero 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2025. Nakuha noong 10 Disyembre 2022.
  40. Lo, Ricky (12 Pebrero 2010). "Misses RP for Miss U pageant, 1952-'63". Philippine Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2025. Nakuha noong 4 Oktubre 2022.
  41. Lehtkanto, Katariina (6 Disyembre 2018). "17-vuotiaana maailmalle lähtenyt Lenita Airisto: Lapsuus sodan varjossa" [Lenita Airisto, who left the world at the age of 17: Childhood in the shadow of war]. Iltalehti (sa wikang Pinlandes). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Disyembre 2024. Nakuha noong 29 Abril 2023.
  42. Belser, Emily (16 Hulyo 1954). "Miss Universe candidates draw many wolf calls". Corsicana Daily Sun (sa wikang Ingles). p. 2. Nakuha noong 6 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  43. "Here's Jacqueline– the girl that France chose". The Straits Times (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 2. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  44. "I was so". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 1954. p. 1. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  45. "Not As Much ro Whistle At, Europe's Beauties Not As Attractive as American". Panama City News-Herald (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1954. p. 5. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  46. "Beauty contest peaceful as United Nations meeting". Arizona Republic (sa wikang Ingles). 17 Hulyo 1954. p. 6. Nakuha noong 8 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  47. "Miss Chile– Miss Universe". The Daily News (sa wikang Ingles). 7 Abril 1954. p. 9. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  48. Nemser, Sandra (10 Agosto 1954). "6 Beauties in contest favor "long hair"". Gettysburg Times (sa wikang Ingles). p. 10. Nakuha noong 5 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]