Miss Universe 1974
Miss Universe 1974 | |
---|---|
Petsa | Hulyo 21, 1974 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Folk Arts Theater, Maynila, Pilipinas |
Brodkaster | Internasyonal: Opisyal: |
Lumahok | 65 |
Placements | 12 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Amparo Muñoz Espanya |
Congeniality | Anna Bjornsdóttir Lupangyelo |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Kim Jae-kyu Timog Korea |
Photogenic | Johanna Raunio Pinlandiya |
Ang Miss Universe 1974 ay ang ika-23 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Folk Arts Theater sa Maynila, Pilipinas noong 21 Hulyo 1974. Ito ang kauna-unahang edisyon na ginanap sa Asya.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Margarita Moran ng Pilipinas si Amparo Muñoz ng Espanya bilang Miss Universe 1974. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Espanya sa kasaysayan ng kompetisyon.[3] Nagtapos bilang first runner-up si Helen Morgan ng Gales, habang nagtapos bilang second runner-up si Johanna Raunio ng Pinlandiya.
Anim na buwan pagkatapos makoronahan, iniulat na bumitiw sa pwesto si Muñoz matapos na tumangging lumipad papuntang Hapon upang gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang Miss Universe. Walang klarong rason kung bakit bumitiw si Muñoz, ngunit walang iniluklok ang mga pageant organizer upang palitan siya.[4] Dapat sana itong iaalok kay Helen Morgan, ngunit siya ay isang ina at nagwagi na bilang Miss World 1974 at bumitiw pagkatapos ng apat na araw dahil sa negatibong epekto sa kanya ng matinding interes ng media.[5][6][7]
Mga kandidata mula sa 65 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikawalong pagkakataon, samantalang si Helen O'Connell ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[8]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lokasyon at petsa ng kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Agosto 3, 1971, naglagda ng kontrata ang Miss Universe Organization at ang Government Economic Development Administrator ng Porto Riko upang dalhin ang Miss Universe at Miss USA sa San Juan mula 1972 hanggang 1976.[9] Gayunpaman, kinansela ng pamahalaan ng Porto Riko ang kasunduan noong Pebrero 1973 dahil ayon sa mga opisyal ng pamahalaan ng Porto Riko, ilegal diumano ang kasunduan.[10]
Noong Nobyembre 28, 1973, inanunsyo ni Harold Glasser, pangulo ng Miss Universe Inc. at ng Consul-General ng Pilipinas na si Ernesto Pineda na ang Miss Universe 1974 pageant ay gaganapin sa Maynila sa Hulyo 21, 1974. Ito ang kauna-unahanang pagkakataon na ang pageant ay ginanap sa Asya.[11][12]
Isang open-air ampitheater ang orihinal na planong itatayo ng pamahalaan sa Cultural Center of the Philippines Complex. Gayunpaman, dahil gaganapin ang pageant sa panahong tag-ulan sa Pilipinas, nagpasiya ang Pamahalaan ng Pilipinas na magtayo na lamang ng isang teatro, na kalaunan ay kinilala bilang ang Folk Arts Theater.[13] Kinomisyon ng dating Unang Ginang na si Imelda Marcos ang Folk Arts Theater para sa Miss Universe 1974 pageant– ang tanghalan ay idinisenyo ni Leandro Locsin at tinayo sa loob lamang ng pitumpu't-pitong araw.[14]
Pinasinayaan ang tanghalan noong Hulyo 7, 1974 kasabay ng isang maluhong parada na nagpapakita ng sining ng Pilipinas na kung tawagin ay ang "Kasaysayan ng Lahi". Ang mga kandidata ng Miss Universe 1974 pageant ay inimbitahan upang dumalo sa nasabing parada.[15]
Noong Hulyo 20, isang araw bago ganapin ang Miss Universe, tumama sa isla ng Luzon ang Bagyong Iliang o Typhoon Ivy na tinatayang nasa $2 milyon ang halaga ng pinsalang dulot nito.[16] Upang ipagpatuloy ang pagdaos ng Miss Universe pageant, inutusan ng noo'y Unang Ginang na si Imelda Marcos ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas na pawiin ang mga ulap na nauugnay sa Bagyong Iliang. Nagpadala rin ang Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos ng isang eroplano mula sa Guam upang tumulong sa pagpapawi ng mga ulap.[13][17]
Pagpili ng mga kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kalahok mula sa 65 mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Indonesya, Liberya, at Senegal, at bumalik ang mga bansang Bahamas, Lupangyelo, at Yugoslavia.[18] Huling sumali noong 1969 ang Yugoslavia, at noong 1972 ang Bahamas at Lupangyelo. Hindi sumali sina Jane Moller ng Dinamarka at Solveig Boberg ng Noruwega dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.
Mga resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagkakalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1974 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up |
|
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 12 |
Mga espesyal na parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Parangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Photogenic |
|
Miss Congeniality |
|
Best National Costume |
|
Kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pormat ng kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tulad noong 1971, 12 mga semifinalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at closed-door interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 12 mga semfinalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.[24]
Komite sa pagpili
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Edilson Cid Varela – mamamahayag na Brasilenyo[25]
- Earl Wilson – kolumnistang Amerikano[26]
- Dana Andrews – Amerikanong aktor[25]
- Peggy Flemming – figure skater na Amerikana[25]
- José Greco – mananayaw na Kastila[25]
- Kyoshi Hara – Pangulo ng Asahi Broadcasting Corporation[25]
- Sterling Moss – British Formula One racing driver[25]
- Alysa Pashi – mangaawit na Israeli[25]
- Carlos P. Romulo – Pilipinong mamamahayag, politiko, manunulat, at diplomatiko[27]
- Leslie Uggams – Amerikanang aktres at mangaawit[25]
- Jerry West – basketbolistang Amerikano[28]
Mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]65 kandidata ang lumahok para sa titulo.[29]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Arhentina | Leonor Celmira Guggini | 23 | Buenos Aires |
Aruba | Maureen Ava Vieira[30] | 18 | Oranjestad |
Australya | Yasmin Nagy[31] | 20 | Sydney |
Austrya | Eveline Engleder[32] | 20 | Viena |
Bahamas | Agatha Watson[33] | 19 | Nassau |
Belhika | Anne-Marie Sikorski[34] | 21 | Liège |
Beneswela | Neyla Moronta[35] | 22 | Cabimas |
Bermuda | Joyce De Rosa[36] | 22 | Hamilton |
Brasil | Sandra Guimarães[37] | 18 | São Paulo |
Bulibya | Isabel Callaú[38] | 18 | Santa Cruz de la Sierra |
Curaçao | Catherine De Jongh[39] | – | Willemstad |
El Salvador | Ana Carlota Araújo[40] | – | San Salvador |
Eskosya | Catherine Robertson | 24 | Aberdeen |
Espanya | Amparo Muñoz[41] | 20 | Málaga |
Estados Unidos | Karen Morrison[42] | 19 | St. Charles |
Gales | Helen Morgan[43] | 22 | Barry |
Gresya | Lena Kleopa[44] | 20 | Atenas |
Guam | Elizabeth Tenorio | 18 | Agana |
Hamayka | Lennox Anne Black | – | Manchester |
Hapon | Eriko Tsuboi[45] | 20 | Tokyo |
Honduras | Etelinda Mejia[46] | 18 | El Progreso |
Hong Kong | Jojo Cheung[47] | 21 | Hong Kong |
Indiya | Shailini Dholakia[48] | 20 | Bombay |
Indonesya | Nia Kurniasi Ardikoesoema[49] | 26 | Bandung |
Inglatera | Kathleen Anders[50] | 23 | Manchester |
Irlanda | Yvonne Costelloe[51] | 18 | Dublin |
Israel | Edna Levy | 18 | Ashkelon |
Italya | Loretta Persichetti[52] | – | Venecia |
Kanada | Deborah Tone[53] | 21 | Hamilton |
Kanlurang Alemanya | Ursula Faustle | 18 | Munich |
Kapuluang Birhen ng Estados Unidos | Thelma Santiago[54] | 18 | Saint Thomas |
Kolombya | Ella Escandon[55] | 20 | Bucaramanga |
Kosta Rika | Rebeca Montagne[56] | 18 | San José |
Libano | Laudy Ghabache | 20 | Beirut |
Liberya | Maria Yatta Johnson | 21 | Monrovia |
Luksemburgo | Gisélle Azzeri | 20 | Dudelange |
Lupangyelo | Anna Bjornsdóttir[57] | 20 | Reikiavik |
Malaysia | Lily Chong[58] | 18 | Johor Bahru |
Malta | Josette Pace | – | Valletta |
Mehiko | Guadalupe Elorriaga[59] | 20 | Mazatlán |
Nikaragwa | Francis Duarte | 21 | Leon |
Nuweba Selandiya | Dianne Winyard | 20 | Auckland |
Olanda | Nicoline Broeckx[60] | 21 | Maastricht |
Panama | Jazmine Panay[61] | 19 | Lungsod ng Panama |
Paragway | Maria Angela Medina Monjagata[62] | 21 | Asuncion |
Pilipinas | Guadalupe Sanchez[63] | 18 | Maynila |
Pinlandiya | Johanna Raunio[64] | 21 | Helsinki |
Porto Riko | Sonia Maria Stege | 20 | San Juan |
Portugal | Anna Paula Freitas[65] | 19 | Anggola |
Pransiya | Louise Le Calvez | 24 | Côtes-d'Armor |
Republikang Dominikano | Jacqueline Cabrera[66] | – | Santo Domingo |
Senegal | Thioro Thiam[67] | 21 | Fatick |
Singapura | Angela Teo[68] | 19 | Singapura |
Sri Lanka | Melani Irene Wijendra[69] | – | Colombo |
Suriname | Bernadette Werners[70] | – | Paramaribo |
Suwesya | Eva Roempke[71] | 19 | Malmö |
Suwisa | Christine Lavanchy | 20 | Lausanne |
Taylandiya | Benjamas Polpatpijarn[72] | 23 | Bangkok |
Timog Korea | Kim Jae-kyu[45] | 19 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Stephanie Lee Pack | 18 | Port of Spain |
Tsile | Rebeca González[73] | 20 | Santiago |
Tsipre | Andri Tsangaridou[74] | 22 | Famagusta |
Turkiya | Simiten Gakirgoz[75] | – | Istanbul |
Urugway | Mirta Grazilla Rodriguez | – | Montevideo |
Yugoslavia | Nada Jovanovsky | – | Belgrado |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ronquillo, B. (29 Hulyo 1974). "Miss Universe contest puts Philippines on the tourist map". New Nation (sa wikang Ingles). p. 8. Nakuha noong 31 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "July 21, 1974: PH hosts Miss Universe for first time". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 2016. Nakuha noong 10 Enero 2023.
- ↑ "Miss Universe". The Spokesman-Review (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 1974. p. 1. Nakuha noong 17 Enero 2023.
- ↑ "Amparo Munoz: Her bittersweet reign". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 6 Hunyo 2021. Nakuha noong 10 Enero 2023.
- ↑ Owen, Jonathan (6 Nobyembre 2011). "Miss World who gave up her crown returns to the pageant for the first". The Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ "Miss World 74 treedt af". Het Parool (sa wikang Olandes). 27 Nobyembre 1974. p. 11. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ Tidey, John (28 Nobyembre 1974). "It's all over now for most beautiful mother". The Age (sa wikang Ingles). p. 4. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ Crosby, Joan (14 Hulyo 1974). "Busy Bob Barker hard act to follow". The Boston Globe (sa wikang Ingles). p. 227. Nakuha noong 16 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "PR gets Miss Universe contest for five years". The Virgin Islands Daily News (sa wikang Ingles). 6 Agosto 1971. pp. 1, 15. Nakuha noong 26 Disyembre 2022.
- ↑ "Pageant may move to Latin America". The Virgin Islands Daily News (sa wikang Ingles). 17 Pebrero 1973. p. 10. Nakuha noong 5 Enero 2023.
- ↑ "Manila chosen". The Straits Times (sa wikang Ingles). 30 Nobyembre 1973. p. 3. Nakuha noong 6 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Concurso "Miss Universo" se inaugura oficialmente hoy". La Nacion (sa wikang Kastila). 14 Hulyo 1974. pp. 20A. Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ 13.0 13.1 "Show goes on: 1974 Miss Universe pageant held amid typhoon". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 19 Enero 2017. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
- ↑ "Philippines plans glittering pageant". New Nation (sa wikang Ingles). 21 Mayo 1974. p. 4. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ De Guzman, Susan (26 Enero 2017). "Folk Arts Theater, 43 years after first Miss Universe in PH". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ "Typhoon Hits Philippines". The New York Times (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1974. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
- ↑ "Typhoon threat". The Tribune (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1974. p. 2. Nakuha noong 3 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Digital Library of the Caribbean.
- ↑ Damanik, Margith Juita (9 Abril 2018). "5 Fakta Nia Kurniasih: Perempuan Indonesia Pertama di Miss Universe". IDN Times (sa wikang Indones). Nakuha noong 12 Enero 2023.
- ↑ 19.00 19.01 19.02 19.03 19.04 19.05 19.06 19.07 19.08 19.09 19.10 19.11 "Espana triunfa por primera vez en justa de belleza universal". La Nacion (sa wikang Kastila). 22 Hulyo 1974. pp. 22A. Nakuha noong 17 Enero 2023.
- ↑ Lo, Ricky (12 Agosto 2016). "Amparo Muñoz will be sorely missed". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
- ↑ "Hún var vinsælust þeirra allra". Vísir (sa wikang Islandes). 22 Hulyo 1974. p. 1. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.
- ↑ "Which Country Has Won the Most National Costume Titles at Miss Universe?". Esquire (sa wikang Ingles). 14 Mayo 2021. Nakuha noong 14 Enero 2023.
- ↑ "[2018 미코통신 D-28] 한국의 미(美)를 알렸던 미스코리아 ②". 한국일보 (sa wikang Koreano). 6 Hunyo 2018. Nakuha noong 5 Marso 2023.
- ↑ "Ella Cecilia es favorita a Miss Universo". El Tiempo (sa wikang Kastila). 20 Hulyo 1974. pp. 1–6A. Nakuha noong 17 Enero 2023.
- ↑ 25.0 25.1 25.2 25.3 25.4 25.5 25.6 25.7 "'Tomorrow' becomes 'Today' for Miss Universe pageant". St. Joseph News-Press (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1974. p. 2. Nakuha noong 4 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ Wilson, Earl (18 Hulyo 1974). "Shirley Socko in Vegas". Philadelphia Daily News (sa wikang Ingles). p. 30. Nakuha noong 16 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ Legaspi, John (7 Disyembre 2021). "LIST: Filipinos who became Miss Universe judges". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Enero 2023.
- ↑ "Names in the news". The Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 2 Agosto 1974. p. 34. Nakuha noong 9 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "70 beauties for Manila". The Straits Times (sa wikang Ingles). 12 Hunyo 1974. p. 9. Nakuha noong 9 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Oranjestad". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 4 Hunyo 1974. p. 1. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Girl takes three beauty titles". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 17 Setyembre 1973. p. 3. Nakuha noong 6 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
- ↑ Trompisch, Lisa (28 Hulyo 2022). "Schauspielerin Evelyn Engleder: Von der Miss Austria zum Kaisermühlen Blues". Kurier (sa wikang Aleman). Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ Darville, Felicity (7 Hulyo 2020). "FACE TO FACE: My Bahamian queen in the year of Independence". The Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.
- ↑ Suárez, Orlando (17 Nobyembre 2019). "La mejor embajadora artística de La Chinita". Últimas Noticias (sa wikang Kastila). Nakuha noong 13 Disyembre 2022.
- ↑ Smith, Lois (Hulyo 1974). "Miss Bermuda 1974". Fame Magazine (sa wikang Ingles). pp. 32–34. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
- ↑ "Conheça a história do Miss Brasil". Terra (sa wikang Portuges). 29 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
- ↑ "El título les dio alegrías, trabajo y fama que aún saborean". El Deber (sa wikang Kastila). 29 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2023. Nakuha noong 19 Disyembre 2022.
- ↑ ""Cathy" De Jongh Miss Curacao 1974". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 4 Hunyo 1974. p. 3. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Ellas son las salvadoreñas que han destacado en los concursos de Miss Universo". El Diario de Hoy (sa wikang Kastila). 10 Pebrero 2021. Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ "Amparo Muñoz muere a los 56 años". El Periodico (sa wikang Kastila). 28 Pebrero 2011. Nakuha noong 9 Enero 2023.
- ↑ "Tall blonde Illinois girl Miss USA". Statesman Journal (sa wikang Ingles). 19 Mayo 1974. p. 2. Nakuha noong 31 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ Owen, Jonathan (6 Nobyembre 2011). "Miss World who gave up her crown returns to the pageant for the first". The Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ "Beauties play it cool..." New Nation (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1974. p. 5. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ 45.0 45.1 "Mouthful of goodwill for Angela". New Nation (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1974. p. 1. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ Gámez, Sabino (25 Abril 2008). "El Miss Honduras, una historia que contar". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
- ↑ "Perarakan berwarna warni oleh ratu2 cantik". Berita Harian (sa wikang Malay). 13 Hulyo 1974. p. 3. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "50 years of Miss India: Winners through the years". The Times of India (sa wikang Ingles). 25 Marso 2013. Nakuha noong 16 Disyembre 2022.
- ↑ "Wakil Pertama RI di Miss Universe Meninggal, Puteri Indonesia Berduka". Detik.com (sa wikang Indones). 9 Abril 2018. Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ "Tragic end to life of beauty". Manchester Evening News (sa wikang Ingles). 24 Abril 2005. Nakuha noong 13 Disyembre 2022.
- ↑ "Life was all l'amour -- and lust". Irish Independent (sa wikang Ingles). 9 Setyembre 2007. Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ "Dalla commedia sexy alla "fine del mondo" nella super villa ad Asiago". VicenzaToday (sa wikang Italyano). 21 Disyembre 2012. Nakuha noong 17 Enero 2023.
- ↑ "Beauties get ready for the big day". The Straits Times (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1974. p. 32. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "The Washington scene". Jet (sa wikang Ingles). 15 Agosto 1974. p. 39. Nakuha noong 19 Enero 2023.
- ↑ "Ella, nueva reina". El Tiempo (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 1973. pp. 1, 16A. Nakuha noong 17 Enero 2023.
- ↑ Chan Soto, Jimen G. (19 Hunyo 1974). "Soy extrovertida idealista y romántica, dice Rebeca Montagne" [I'm an extrovert, idealist and romantic, says Rebeca Montagne]. La Nacion (sa wikang Kastila). pp. B1. Nakuha noong 6 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
- ↑ "Former Beauty Queen To Receive $2 Million For Turning Whitey In". HuffPost (sa wikang Ingles). 10 Oktubre 2011. Nakuha noong 13 Disyembre 2022.
- ↑ "Airgirl Lily crowned Miss Malaysia". The Straits Times (sa wikang Ingles). 3 Hunyo 1974. p. 7. Nakuha noong 31 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ Morales, Isela (9 Nobyembre 2015). ""Por sus atributos, las mujeres de Sinaloa siempre han destacado en los certámenes"" ["Because of their attributes, the women of Sinaloa have always stood out in the contests"]. El Noroeste (sa wikang Kastila). Nakuha noong 7 Abril 2023.
- ↑ "Nicoline Broeckx (20) uit Maastricht miss Holland". Tubantia (sa wikang Olandes). 5 Enero 1974. p. 13. Nakuha noong 30 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "'Fue algo inolvidable'". La Estrella de Panamá (sa wikang Kastila). 15 Abril 2012. Nakuha noong 31 Disyembre 2022.
- ↑ Coronel, Raul (15 Oktubre 2021). "Te presentamos a todas nuestras representantes en Miss Universe". Epa! (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
- ↑ Lo, Ricky (15 Marso 2008). "Whatever happened to Guada Sanchez?". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Disyembre 2022.
- ↑ Himberg, Petra (4 Nobyembre 2009). "Johanna Raunio – Suomen kaunein 1974". Yle (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 31 Disyembre 2022.
- ↑ "As Misses não têm idade". Público (sa wikang Portuges). 10 Abril 2010. Nakuha noong 17 Enero 2023.
- ↑ "Manila". La Nacion (sa wikang Kastila). 16 Hulyo 1974. pp. 20A. Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ "Senegal after beauty title". The Straits Times (sa wikang Ingles). 3 Hunyo 1974. p. 2. Nakuha noong 31 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Victory is a tonic for Angela". New Nation (sa wikang Ingles). 28 Mayo 1974. p. 3. Nakuha noong 13 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Three who hope to rule that island in the sun". The Straits Times (sa wikang Ingles). 4 Hulyo 1974. p. 17. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Detta Werners Miss Sur '74". Vrije Stem (sa wikang Olandes). 10 Hunyo 1974. p. 1. Nakuha noong 30 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Miss univers. Ronnia, l'orpheline devenue Miss Suède". Le Parisien (sa wikang Pranses). 16 Agosto 2011. Nakuha noong 13 Disyembre 2022.
- ↑ "Beauty queen has boxer guard". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 29 Setyembre 1974. p. 67. Nakuha noong 24 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "Candidatas desfilan en trajes tipicos". La Nacion (sa wikang Kastila). 15 Hulyo 1974. pp. 20A. Nakuha noong 11 Enero 2023.
- ↑ "Andri home". New Nation (sa wikang Ingles). 5 Setyembre 1974. p. 5. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "ENGINN ÁGREININGUR". Vísir (sa wikang Ingles). 23 Hulyo 1974. p. 1. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.