Pumunta sa nilalaman

Miss Universe 1996

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe 1996
Alicia Machado, Miss Universe 1996
Petsa17 Mayo 1996
Presenters
  • Bob Goen
  • Marla Maples
EntertainmentMichael Crawford
PinagdausanAladdin Theatre, Las Vegas, Nevada, Estados Unidos
BrodkasterCBS
Lumahok79
Placements10
Hindi sumali
Bumalik
NanaloAlicia Machado
Venezuela Beneswela
CongenialityJodie McMullen
Australia Australya
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanIlmira Shamsutdinova
Rusya Rusya
PhotogenicAileen Damiles
Pilipinas Pilipinas
← 1995
1997 →

Ang Miss Universe 1996, ay ang ika-45 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Aladdin Theatre for the Performing Arts sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos noong 17 Mayo 1996. Ito ang kauna-unahang at katangi-tanging edisyon na ginanap sa ilalim ng ITT Corp.[1]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Chelsi Smith ng Estados Unidos si Alicia Machado ng Beneswela bilang Miss Universe 1996.[2][3] Ito ang ikaapat na tagumpay ng Beneswela sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Taryn Mansell ng Aruba, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Lola Odusoga ng Pinlandiya.[4][5]

Mga kandidata mula sa pitumpu't-siyam na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Goen ang kompetisyon, samantalang si Marla Maples ang nagsilbi bilang backstage correspondent.[6]

Aladdin Theatre for the Performing Arts, ang lokasyon ng Miss Universe 1996

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dapat sanang idadaos ang edisyong ito sa Johannesburg, Timog Aprika. Gayunpaman, dahil sa kakulungan sa badyet, napagdesisyunan na lamang ng Miss Universe Inc. na idaos ang kompetisyon sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos. ito ang ikalawang beses na ginanap ang kompetisyon sa Las Vegas, kung saan huling itong ginanap sa lungsod noong 1991.[7]

Noong 23 Oktubre 1996, inanunsyo ni Donald Trump na binili na niya ang Miss Universe Inc. mula sa ITT Corp.,[8] bagama't walang opisyal mula sa ITT Corp. ang kumumpirma sa anunsyong ito.[9][10][11] Nagsimula ang mga negosasyon sa pagbili ng Miss Universe noong Mayo 1996 habang ginaganap ang Miss Universe sa Las Vegas.[12]

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa pitumpu't-siyam na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Hong Kong 1995 na si Sofie Rahman upang lumahok sa edisyong ito matapos umurong si Miss Hong Kong 1995 Winnie Young dahil sa problema sa pagkamamamayan.[13][14][15] Dapat sanang lalahok si Miss Russia 1995 Elmira Tuyusheva bilang kinatawan ng kanyang bansa sa Miss Universe. Gayunpaman, isang buwan bago ang Miss Universe, lumabag si Tuyusheva sa kanyang kontrata sa Miss Russia Organization upang ituloy ang kanyang karera bilang isang modelo at aktres.[16] Dahil wala sa kanyang mga runner-up ang maaaring hirangin bilang kanyang kahalili dahil sa iba't-ibang mga kadahilanan, napagpasya ng mga organizer ng Miss Russia Organization na iluklok si Ilmira Shamsutdinova bilang kinatawan ng Rusya sa edisyong ito. Dating naging Miss USSR 1991 si Shamsutidnova, ngunit sa taong iyon nabuwag ang Unyong Sobyetiko na siyang dahilan kung bakit ito hindi nakasali sa Miss Universe.[17]

Mga pagbalik at mga pag-urong sa kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Gana at Libano na huling sumali noong 1993, at Arhentina, Belhika, Honduras, at Simbabwe na huling sumali noong 1994.

Hindi sumali sina Aileen Maravilla Villanueva ng Guam, Miyuki Fujii ng Hapon, at Alice Banda ng Sambia dahil sa mga hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kenya, Mawrisyo, Niherya, Nikaragwa, at Seykelas matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga kontrobersiya pagkatapos ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naging kontrobersyal ang panunungkulan ni Machado bilang Miss Universe.[18] Noong Agosto 1996 napabalitaan diumano na ipapatalsik si Machado ng Miss Universe Inc. kung hindi siya magbabawas ng timbang sa loob ng dalawang linggo. Kaagad itong pinabulaanan ng mga opisyales ng Miss Universe.[19]

Noong Enero 1997, nakakuha si Machado ng atensyon mula sa press noong napagdesisyunan ni Trump na isapubliko ang fitness training ni Machado kung saan walumpung mga tagapag-ulat ang sumabaybay sa kanyang ehersisyo.[20] Ito ang napagdesisyunang hakbang ni Trump upang makapagbawas ng timbang si Machado. Bukod pa rito, nakatanggap si Machado ng pangungutya kay Trump.[21][22] Ayon kay Trump sa isang press conference, maaaring mapatalsik si Machado sa kanyang titulo kung magpapatuloy na lumaki ang kanyang timbang.[23][24] Natapos ni Machado ang kanyang panunungkulan bilang Miss Universe noong Mayo ng kaparehong taon at naipasa niya ang kanyang korona sa kanyang kahalili na si Brook Lee ng Estados Unidos.

Dalawampung taon ang nakalipas, sa panahon ng halalang pampanguluhan ng Estados Unidos noong 2016, binanggit ng presidential candidate na si Hillary Clinton sa isang debate laban kay Trump ang mga nasabi ni Trump kay Machado noong 1997 tungkol sa kanyang timbang at sa kanyang nasyonalidad, bilang halimbawa ng mapanghamak na opinyon ni Trump tungkol sa kababaihan.[25][26] Pinabulaanan ni Trump ang mga binanggit ni Clinton at sinabihan si Machado bilang ang "pinakamalalang Miss Universe".[25][27] Ayon kay Machado sa isang panayam, naging agresibo sa kanya si Trump sa panahon ng kanyang panunungkulan. Ayon sa kanya, dahil sa mga pangungutyang natanggap niya kay Trump, pati na rin sa atensyon na dinulot ni Trump sa press, nagkaroon ito ng masamang epekto sa kanyang kalusugan.[25][28]

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 1996
1st runner-up
2nd runner-up
Top 6
Top 10
Nagwagi
1st runner-up
2nd runner-up
Top 6
Top 10

Mga iskor sa kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bansa/Teritoryo Interbyu Swimsuit Evening Gown Katampatan Top 6 Question
Venezuela Beneswela 9.800 (1) 9.820 (1) 9.870 (1) 9.830 (1) 9.790 (1)
Aruba Aruba 9.620 (5) 9.730 (2) 9.650 (5) 9.666 (3) 9.732 (2)
Finland Pinlandiya 9.550 (8) 9.650 (4) 9.710 (3) 9.636 (5) 9.715 (3)
Rusya Rusya 9.640 (3) 9.710 (3) 9.570 (10) 9.640 (4) 9.666 (4)
Mexico Mehiko 9.560 (7) 9.600 (7) 9.710 (3) 9.623 (6) 9.627 (5)
Estados Unidos Estados Unidos 9.790 (2) 9.600 (7) 9.750 (2) 9.713 (2) 9.612 (6)
El Salvador El Salvador 9.630 (4) 9.560 (10) 9.650 (5) 9.613 (7)
India Indiya 9.580 (6) 9.610 (5) 9.600 (9) 9.596 (8)
Peru Peru 9.540 (9) 9.610 (5) 9.630 (7) 9.593 (9)
Suwesya Suwesya 9.490 (10) 9.570 (9) 9.620 (8) 9.560 (10)

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Congeniality

Best National Costume

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Nagwagi
1st runner-up
2nd runner-up

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1990, sampung mga semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang anim na pinalista. Anim na pinalista ang sasabak sa paunang question-and-answer round, at tatlong pinalista naman ang sumabak sa final question at final walk.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Maud Adams – Suwekang aktres
  • Cecilia Bolocco – Miss Universe 1987 mula sa Tsile
  • Tim Chappel – Australyanong costume designer na nakapagwagi ng Oscar
  • Starletta Dupois – Amerikanang aktres
  • Emilio Estefan – Kubano-Amerikanong musikero
  • Teri Ann Linn – Amerikanang aktres
  • Jim Nantz – Amerikanong sports presenter
  • Elizabeth Sung – Amerikanang aktres
  • Fred Williamson – Amerikanong aktor

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pitumpu't-siyam na kandidata ang lumahok para sa titulo.[31]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Miriam Ruppert[32] 21 Taunusstein
Arhentina Arhentina Verónica Ledezma 19 Buenos Aires
Aruba Aruba Taryn Mansell[33] 19 Oranjestad
Australya Jodie McMullen[34] 22 Sydney
New Zealand Bagong Silandiya Sarah Brady 20 Auckland
Bahamas Bahamas Michelle Rae Collie[35] 20 Nassau
Belhika Belhika Véronique De Kock[36] 19 Amberes
Belis Ava Lovell[37] 20 Lungsod ng Belis
Venezuela Beneswela Alicia Machado[38] 19 Maracay
Bonaire Bonaire Jessy Viceisza 21 Kralendijk
Brazil Brasil Maria Joana Parizotto[39] 19 Francisco Beltrão
Bulgaria Bulgarya Maria Sinigerova 20 Sopiya
Bolivia Bulibya Natalia Cronenbold[40] 19 Santa Cruz de la Sierra
Curaçao Curaçao Vanessa Mambi 23 Willemstad
Denmark Dinamarka Anette Oldenborg[41] 21 Copenhague
Egypt Ehipto Hadeel Abd El Naga 19 Cairo
Ecuador Ekwador Mónica Chalá[42] 23 Quito
El Salvador El Salvador Milena Mayorga[43] 20 San Salvador
Slovakia Eslobakya Iveta Jankulárová[44] 18 Bratislava
Espanya Espanya María José Suárez[45] 20 Sevilla
Estados Unidos Estados Unidos Ali Landry[46] 22 Breaux Bridge
Estonia Estonya Helen Mahmastol[47] 18 Tallin
Ghana Gana Pearl Amoah[48] 19 Accra
United Kingdom Gran Britanya Anita Saint Rose[49] 26 Londres
Greece Gresya Nina Georgala[50] 22 Atenas
Guatemala Guwatemala Karla Beteta[51] 22 Lungsod ng Guatemala
Jamaica Hamayka Trudi-Ann Ferguson[52] 21 Kingston
Northern Mariana Islands Hilagang Kapuluang Mariana Belvilyn Tenorio[53] 18 Garapan
Honduras Jazmín Fiallos[54] 19 Francisco Morazán
Hong Kong Sofie Rahman[14] 21 Hong Kong
India Indiya Sandhya Chib[55] 19 Bangalore
Indonesia Indonesya Alya Rohali[56] 19 Jakarta
Irlanda (bansa) Irlanda Joanne Black[57] 21 Cavan
Israel Israel Liraz Mesilaty 19 Berseba
Italya Italya Anna Valle[58] 20 Roma
Canada Kanada Renette Cruz[59] 25 Vancouver
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Linette Smith[60] 19 Road Town
Cook Islands Kapuluang Cook Victoria Keil 23 Rarotonga
Cayman Islands Kapuluang Kayman Tasha Ebanks 22 George Town
Turks and Caicos Islands Kapuluang Turks at Caicos Shaneika Lightbourne 23 Grand Turk
Colombia Kolombya Lina María Gaviria[61] 21 Villavicencio
Costa Rica Kosta Rika Dafne Zeledón[62] 19 Limón
Lebanon Libano Julia Syriani[63] 18 Beirut
Iceland Lupangyelo Hrafnhildur Hafsteinsdóttir[64] 20 Reikiavik
Malaysia Malaysia Adeline Ong[65] 23 Johor Bahru
Malta Malta Roseanne Farrugia 18 Lija
Mexico Mehiko Vanessa Guzmán[66] 20 Ciudad Juárez
Namibia Namibya Faghma Absolom 21 Windhoek
Norway Noruwega Inger Lise Ebeltoft[67] 19 Troms
Netherlands Olanda Marja de Graaf 19 Drenthe
Panama Panama Reyna Royo[68] 25 Lungsod ng Panama
Paraguay Paragway Martha Lovera[69] 25 Asuncion
 Peru Natalí Sacco[70] 21 Trujillo
Pilipinas Aileen Damiles[71] 20 Las Piñas
Finland Pinlandiya Lola Odusoga[72] 18 Turku
Poland Polonya Monika Chróścicka-Wnętrzak[73] 20 Słupsk
Puerto Rico Porto Riko Sarybel Velilla[74] 19 Toa Alta
Portugal Portugal Rita Carvalho 19 Bragança
Pransiya Pransiya Laure Belleville[75] 20 Lathuile
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Sandra Abreu[76] 24 La Romana
Republikang Tseko Republikang Tseko Renata Hornofová[77] 21 Praga
Romania Rumanya Roberta Anastase[78] 20 Prahova
Rusya Rusya Ilmira Shamsutdinova[79] 20 Saratov
Zimbabwe Simbabwe Langa Sibanda[80] 26 Harare
Singapore Singapura Angeline Putt[81] 22 Singapura
Sri Lanka Sri Lanka Shivanthini Dharmasiri 25 Colombo
Suwesya Suwesya Annika Duckmark[82] 24 Borås
Switzerland Suwisa Stéphanie Berger[83] 18 Zürich
Thailand Taylandiya Nirachala Kumya[84] 19 Chiang Mai
Taiwan Taywan Chen Hsiao-Fen[30] 23 Taipei
Timog Korea Timog Korea Kim Yoon-jung 22 Seoul
South Africa Timog Aprika Carol Becker 23 Gauteng
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Michelle Khan 23 Princes Town
Chile Tsile Andrea L'Huillier 22 Santiago
Cyprus Tsipre Froso Spyrou 20 Nicosia
Turkey Turkiya Sevilay Öztürk[85] 19 Ankara
Ukraine Ukranya Irina Borisova 18 Kyiv
Hungary Unggarya Andrea Deak[86] 18 Budapest
Uruguay Urugway Adriana Maidana 20 Maldonado
  1. Mg edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Trump's Miss Universe Gambit". The New Yorker (sa wikang Ingles). 19 Pebrero 2018. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss Venezuela wins Miss Universe titleA". Herald-Journal (sa wikang Ingles). 19 Mayo 1996. pp. A2. Nakuha noong 22 Nobyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Machado named Miss Universe". Point Pleasant Register (sa wikang Ingles). 18 Mayo 1996. p. 9. Nakuha noong 22 Nobyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.00 4.01 4.02 4.03 4.04 4.05 4.06 4.07 4.08 4.09 4.10 "Venezuelan is Miss Universe". Bangor Daily News (sa wikang Ingles). 20 Mayo 1996. pp. C7. Nakuha noong 9 Oktubre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Miss Venezuela win 45th Miss Universe pageant". Lakeland Ledger (sa wikang Ingles). 18 Mayo 1996. pp. A2. Nakuha noong 9 Oktubre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Miss Venezuela is Miss Universe". Gainesville Sun (sa wikang Ingles). 18 Mayo 1996. pp. 3A. Nakuha noong 17 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Miss Venezuela dubbed Miss Universe". Lodi News-Sentinel (sa wikang Ingles). 18 Mayo 1996. p. 7. Nakuha noong 9 Oktubre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Other news". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 24 Oktubre 1996. Nakuha noong 22 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Davis, Mark (24 Oktubre 1996). "Trump says he bought beauty pageants". The Philadelphia Inquirer. p. 24. Nakuha noong 21 Nobyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Toobin, Jeffrey (19 Pebrero 2018). "Trump's Miss Universe Gambit". The New Yorker (sa wikang Ingles). ISSN 0028-792X. Nakuha noong 21 Nobyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Trump corners the market on world's beauty pageants". Lewiston Morning Tribune (sa wikang Ingles). 24 Oktubre 1996. p. 12. Nakuha noong 22 Nobyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Roura, Phil; Siemaszko, Corky (23 Oktubre 1996). "Trump seducing beauty contests". Daily News (sa wikang Ingles). p. 247. Nakuha noong 22 Nobyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Yuen, Norman (6 Disyembre 2022). "10 Miss Hong Kongs from the 1990s – where are they now?". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Reaching out to the disabled". South China Morning Post (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1995. Nakuha noong 17 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Lau, Chris (4 Hunyo 2018). "Miss Hong Kong sued for beauty crown over HK$3.76 million debt". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "'We ought to call this what it is: injustice' Inside Russia's beauty pageant industry". Meduza (sa wikang Ingles). 3 Pebrero 2018. Nakuha noong 24 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Dowling, Amber (14 Disyembre 2021). "10 Things to Know About Julia Lemigova, the First Lesbian Real Housewife". Slice (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 9 Hulyo 2023. Nakuha noong 9 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Martin, Lydia (16 Mayo 1997). "Miss Universe, sizing up her reign". Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 17 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Cornering beauty". The Hour (sa wikang Ingles). 20 Agosto 1996. p. 21. Nakuha noong 17 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Barbaro, Michael; Twohey, Megan (27 Setyembre 2016). "Shamed and Angry: Alicia Machado, a Miss Universe Mocked by Donald Trump". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 17 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Diaz, Thatiana (30 Agosto 2017). "Alicia Machado Defends Weight Gain". People Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Quinn, Dave (2 Disyembre 2020). "Alicia Machado Reveals Struggle with Anorexia and Bulimia". People Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "This is the surreal 1997 press conference Donald Trump held to discuss Alicia Machado's weight". Yahoo News (sa wikang Ingles). 29 Setyembre 2016. Nakuha noong 17 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Greenfield, Beth (28 Setyembre 2016). "Meet the Trainer Donald Trump Tasked With Helping Alicia Machado Lose Weight". Yahoo Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 25.2 Graves, Lucia (28 Setyembre 2016). "Alicia Machado, Miss Universe weight-shamed by Trump, speaks out for Clinton". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 18 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Merica, Dan; Diaz, Daniella (27 Setyembre 2016). "'Miss Universe' tearfully thanks Clinton for defense against Trump's 'Miss Piggy' remarks | CNN Politics". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Lilley, Sandra; Siemaszko, Corky (27 Setyembre 2016). "Meet Alicia Machado, the woman Trump allegedly called 'Miss Piggy'". NBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Diaz, Daniella (28 Setyembre 2016). "Miss Universe strikes back | CNN Politics". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Villano, Alexa (21 Nobyembre 2017). "Why Miss Universe loves Las Vegas". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.0 30.1 30.2 30.3 "It's a beautiful world..." New Straits Times (sa wikang Ingles). 26 Mayo 1996. p. 5. Nakuha noong 24 Oktubre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Ours is a first-time bikini-girl". The New Paper (sa wikang Ingles). 15 Mayo 1996. p. 24. Nakuha noong 18 Oktubre 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Sauda, Enrico (16 Nobyembre 2018) [3 May 2016]. "Vom Model zur Therapeutin" [From model to therapist]. Frankfurter Neue Presse (sa wikang Aleman). Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Aruba's Thessaly Zimmerman places in Miss Universe Top 10". Loop News (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 21 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Kehoe, John (30 Setyembre 2016). "Donald Trump called out for misogyny by Miss Australia 1996". Australian Financial Review (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Craig, Neil Alan (27 Hunyo 2016). "Miss Universe Bahamas under new franchisee". The Bahamas Weekly (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Véronique - Mummie - De Kock waagde zich tijdens Miss België-finale al aan 'Without you' van Mariah Carey" [Véronique - Mummy - De Kock already tried 'Without you' by Mariah Carey during the Miss Belgium final]. Het Laatste Nieuws (sa wikang Olandes). 18 Marso 2023. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Gwen Liz pageant this weekend". Channel 5 Belize (sa wikang Ingles). 2 Hunyo 2005. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 8 Nobiyembre 2023. Nakuha noong 22 Setyembre 2023. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  38. "Alicia Machado net worth: la fortuna de la ex Miss Universo y enemiga de Donald Trump". Marca (sa wikang Kastila). 12 Enero 2023. Nakuha noong 5 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Maria Joana faz campanha por pessoa carente" [Maria Joana campaigns for needy people]. Jornal de Beltrão (sa wikang Portuges). 19 Pebrero 2019. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Hunyo 2022. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Chavez, Kathryn (15 Hulyo 2022). "Natalia Cronenbold se encuentra fuera de peligro tras enfrentar una septicemia". El Deber (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 12 Enero 2023. Nakuha noong 12 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Sciortino, Lisa (17 Mayo 1996). "Miss Universes can't shake their beauty". Las Vegas Sun (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "¿Qué pasó con Mónica Chalá, la primera Miss Ecuador negra que compitió en Las Vegas con Alicia Machado en el Miss Universo en 1996?". Qué Noticias (sa wikang Kastila). 8 Mayo 2022. Nakuha noong 12 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "El Salvador: próxima embajadora, Milena Mayorga, conoció a Trump en concurso de belleza" [El Salvador: Next ambassador, Milena Mayorga, met Trump in a beauty contest]. El Universal (sa wikang Kastila). 26 Setyembre 2022. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Miss Slovensko 1995 Iveta Jankulárová: Odfotila sa s Jacksonom!" [Miss Slovakia 1995 Iveta Jankulárová: She took a picture with Jackson!]. Nový Čas (sa wikang Eslobako). 4 Hulyo 2009. Nakuha noong 21 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Así ha cambiado María José Suárez: de 'Miss España 1996' a diseñadora de moda" [This is how María José Suárez has changed: from 'Miss Spain 1996' to fashion designer]. La Vanguardia (sa wikang Kastila). 1 Pebrero 2023. Nakuha noong 6 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Acadiana's Ali Landry is Miss USA". The Daily Advertiser (sa wikang Ingles). 11 Pebrero 1996. p. 14. Nakuha noong 12 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Saladuste ja skandaalidega äri- ja koduperenaised ehk mis elu elavad Miss Estonia tiitlivõitjad tänasel päeval?" [Business and housewives with secrets and scandals, or what kind of life do Miss Estonia title winners live today?]. Elu24 (sa wikang Estonyo). 9 Oktubre 2017. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Video: Former Miss Universe winner Pearl Amoah quits modeling to preach in trotro". The Independent Ghana (sa wikang Ingles). 11 Pebrero 2020. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  49. Charlize, Miss (16 Disyembre 2018). "Best of 2018: Miss Universe most likely". Business Mirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Παντρεμένη και μακριά από τη δημοσιότητα η Νίνα Γεωργαλά: Δείτε πώς είναι σήμερα και με τι ασχολείται η Σταρ Ελλάς του 1996 που «έκλεψε» τον τίτλο από την Ειρήνη Σκλήβα" [Married and out of the limelight, Nina Georgala: See how she is today and what Star Hellas is doing in 1996, who "stole" the title from Irini Skliva]. To10.gr (sa wikang Griyego). 12 Abril 2023. Nakuha noong 6 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Recuerdos y anécdotas de Miss Guatemala" [Memories and anecdotes of Miss Guatemala]. Prensa Libre (sa wikang Kastila). 28 Enero 2017. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "Former Miss Jamaica Universe Trudi Ferguson dies". Loop News (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 2017. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. de la Torre, Ferdie (25 Marso 1996). "Belvilyn wins Miss CNMI Universe '96". Marianas Variety (sa wikang Ingles). pp. 1, 3. Nakuha noong 18 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Gámez, Sabino (25 Abril 2008). "El Miss Honduras, una historia que contar". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Sandhya Chib's a model mom now". The Times of India (sa wikang Ingles). 31 Enero 2001. ISSN 0971-8257. Nakuha noong 6 Oktubre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Alya, new Bodyline spokesperson". The Jakarta Post (sa wikang Ingles). 28 Pebrero 2008. Nakuha noong 6 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Shortall, Holly (2 Hulyo 2015). "Top 10 Miss Ireland winners: Where are they now?". Irish Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Anna Valle, da Miss Italia alla fiction 'Luce dei tuoi occhi 2'" [Anna Valle, from Miss Italia to the second season of the fiction "Light of your eyes"]. Sky TG24 (sa wikang Italyano). 19 Abril 2023. Nakuha noong 5 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Evano, Quay (4 Hunyo 2013). "Pinay officially crowned Miss Universe Canada". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. Greenaway, Dean (13 Hunyo 2017). "Miss BVI Pageant Committee head Janette Brin abruptly resigns". The Virgin Islands Daily News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "Lina María Gaviria Forero Señorita Colombia 1995". El Tiempo (sa wikang Kastila). 5 Nobyembre 2002. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. "Dafne Zeledón: Ser miss también tiene un lado oscuro" [Dafne Zeledón: Being miss also has a dark side]. La Nación (sa wikang Kastila). 9 Nobyembre 2013. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "Making a spectacle of themselves". The Straits Times (sa wikang Ingles). 16 Mayo 1996. p. 4. Nakuha noong 18 Oktubre 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Alheimsfegurðardísir" [Universal beauty]. Dagblaðið Vísir (sa wikang Islandes). 10 Mayo 1996. p. 32. Nakuha noong 18 Oktubre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "1995 Miss Universe dies following long-term illness". Las Vegas Review-Journal (sa wikang Ingles). 10 Setyembre 2018. Nakuha noong 22 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. Alonso, Paula (30 Abril 2023). "No creerás cómo lucía Vanessa Guzmán cuando se presentó a "Miss Universo"" [You won't believe what Vanessa Guzmán looked like when she appeared for “Miss Universe”]. El Universal (sa wikang Kastila). Nakuha noong 6 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. Jangås, Lasse (21 Mayo 2002). "Tromsø-modell i Cannes" [Tromsø model in Cannes]. Nordlys (sa wikang Noruwego). Nakuha noong 6 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. "Estas son las panameñas que participaron de Miss Universo". Telemetro (sa wikang Kastila). 7 Enero 2015. Nakuha noong 10 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. Coronel, Raul (15 Oktubre 2021). "Te presentamos a todas nuestras representantes en Miss Universe" [We introduce you to all our representatives in Miss Universe]. Epa! (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. "Miss Perú: las peruanas más bellas de las últimas décadas". El Comercio Perú (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. Lo, Ricky (5 Marso 2005). "Exciting 'firsts' in the Bb. Pilipinas Pageant". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. Korhonen, Pauliina (30 Hunyo 2022). "Lola Odusoga 45 vuotta – katso kuvat vuosien varrelta" [Lola Odusoga 45 years - see photos through the years]. Iltalehti (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. "Była wicemiss Polski została komendantką policji w Słupsku" [The former Miss Poland runner-up became the police commander in Słupsk]. Nasze Miasto. 21 Marso 2014. Nakuha noong 24 Oktubre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. "La noche en que Miss Mundo de Puerto Rico coronó a la reina equivocada" [The night Miss World of Puerto Rico crowned the wrong queen]. Primera Hora (sa wikang Kastila). 16 Marso 2022. Nakuha noong 6 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. "On a retrouvé… Laure Belleville, Miss France 1996". La Savoie (sa wikang Pranses). 18 Disyembre 2015. Nakuha noong 13 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. "1981-2006 Reinado de Reinas" [1981-2006 Reign of Queens]. Hoy Digital (sa wikang Kastila). 11 Agosto 2006. Nakuha noong 24 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. "VIDEO: Česká dívka za dramatických okolností vyhrála Miss Global. Výsledky byly vyhlášeny mimo kamery" [VIDEO: Czech girl won Miss Global under dramatic circumstances. The results were announced off camera]. Lidové noviny (sa wikang Tseko). 19 Enero 2020. Nakuha noong 24 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. Voicu, Andreea (5 Pebrero 2020). "Poze inedite! Cum arătau primele Miss România! Mărioara a fost prima câștigătoare a concursului, în 1928" [Unique pictures! What did the first Miss Romania look like! Mărioara was the first winner of the contest, in 1928]. Ciao.ro (sa wikang Rumano). Nakuha noong 9 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. "Miss Venezuela crowned Miss Universe". Buffalo News (sa wikang Ingles). 18 Mayo 1996. Nakuha noong 22 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. "Former top model Langa returns home". Southern Eye (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 2014. Nakuha noong 9 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. Leong, Julie (10 Pebrero 1996). "The winning Putt". The New Paper (sa wikang Ingles). p. 10. Nakuha noong 18 Oktubre 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. Oxblod, Aino (25 Pebrero 2022). "Annika Duckmarks liv efter Fröken Sverige: "Många gånger grät jag"" [Annika Duckmark won Miss Sweden - that's how it went]. Femina (sa wikang Suweko). Nakuha noong 9 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. "Solche Missen vermissen wir". Schweizer Illustrierte (sa wikang Aleman). Nakuha noong 31 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  84. "Beauties three". The Straits Times (sa wikang Ingles). 14 Mayo 1996. p. 14. Nakuha noong 18 Oktubre 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. "Sevilay Öztürk kimdir?" [Who is Sevilay Öztürk?]. Hurriyet (sa wikang Turko). 3 Setyembre 2017. Nakuha noong 9 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. "Könyvben teregeti ki a szennyest Fásy Ádám" [Ádám Fásy airs his laundry in a book]. Blikk (sa wikang Unggaro). 31 Disyembre 2015 [7 Setyembre 2011]. Nakuha noong 9 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]