Miss Universe 2020

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Miss Universe 2020
Andrea Meza at Billboard Latin Music Awards.jpg
Andrea Meza, Miss Universe 2020
Petsa16 Mayo 2021
Presenters
EntertainmentLuis Fonsi
PinagdausanSeminole Hard Rock Hotel & Casino, Hollywood, Florida, Estados Unidos
BrodkasterTelebisyon:
Streaming:
  • Roku
Lumahok74
Placements21
Bagong sali
Hindi sumali
Bumalik
NanaloAndrea Meza
 Mehiko
Best National CostumeThuzar Wint Lwin
Myanmar Miyanmar
← 2019
2021 →

Ang Miss Universe 2020 ay ang ika-69 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, Estados Unidos noong ika-16 ng Mayo 2021.[1] Ang edisyong ito ay iniusog makalipas ang taong 2020 bunsod ng COVID-19.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Zozibini Tunzi ng Timog Aprika si Andrea Meza ng Mehiko bilang Miss Universe 2020. Ito ang pangatlong tagumpay ng Mehiko sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Julia Gama ng Brasil samantalang nagtapos bilang second runner-up si Janick Maceta ng Peru.[2][3]

Mga kandidata mula sa 74 na mga bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Mario Lopez at Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang kompetisyon. Sina Miss Universe 2014 Paulina Vega at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow ang nagsilbing mga expert analyst, samantalang si Miss USA 2019 Cheslie Kryst ang nagsilbing backstage correspondent. Si Luis Fonsi ang nagtanghal sa edisyong ito.[4][5]

Itinampok rin sa kumpetisyon ang FYI bilang opisyal na broadcaster ng palabas sa unang pagkakataon. Ito ay naipalabas sa daan-daang milyong mga manonood sa 160 bansa.[6]

Kasaysayan[i-edit | i-edit ang source]

Seminole Hard Rock Hotel & Casino, ang lokasyon ng Miss Universe 2020

Lokasyon at petsa ng kompetisyon[i-edit | i-edit ang source]

Noong ika-3 ng Marso 2021, inanunsyo ng Miss Universe Organization na ang kompetisyon ay gaganapin sa ika-16 ng Mayo 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Florida, Estados Unidos. Ipinagliban mula sa huling bahagi ng 2020 hanggang sa unang bahagi ng 2021 ang kompetisyon dahil sa pandemya dulot ng COVID-19. Ang edisyong ito ang pangatlong pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon kung saan ginanap ang kompetisyon sa sumunod na taon.[6][7]

Noong ika-21 ng Abril 2021, inanunsyo ng Miss Universe Organization ang mga bagong host para sa kompetisyon na sina Mario Lopez at Olivia Culpo, na papalit kay Steve Harvey.[8] Ang dahilan kung bakit hindi pinangunahan ni Harvey ang edisyong ito ay maaaring may salungatan sa iskedyul ni Harvey. Si Harvey diumano ay nasa Timog Aprika para sa shooting ng ikalawang season ng Family Feud Africa isang buwan bago ang kompetisyon.[9] Gayumpaman, binanggit ni Harvey sa Twitter na siya ay babalik para sa ika-70 edisyon ng kompetisyon.[8][9]

Pagpili ng mga kalahok[i-edit | i-edit ang source]

Ang mga kalahok mula sa 74 na mga bansa at teritoryo ay napili upang kumalahok sa kompetisyon. Maraming mga kompetisyong pambansa ang ipinagliban o ganap na nakansela dahil sa pandemya ng COVID-19. Dahil dito, 28 sa mga kandidata na naatasan upang kumatawan sa kanilang bansa ay mga runner-up sa kanilang nakaraang kompetisyong pambansa, o napili sa isang casting process.

Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok. Iniluklok ang second runner-up ng Miss Belgium 2018 na si Dhenia Covens bilang kandidata ng Belhika sa Miss Universe matapos na tumangging lumahok sa kompetisyon ang Miss Belgium 2020 na si Céline Van Ouytsel dahil sa takot sa pandemya ng COVID-19 sa Estados Unidos.[10] Iniluklok si Natalia Piguła, first runner-up ng Miss Polski 2019 upang kumatawan sa Polonya matapos na dumanas ng spinal disc herniation ang Miss Polski 2019 na si Magdalena Kasiborska.[11] Si María Fernanda Aristizábal, ang Senorita Colombia 2019, ang orihinal na nakatakdang kumatawan sa Kolombya sa edisyong ito. Subalit, nawalan ng prangkisa ng Miss Universe ang Senorita Colombia Organization, dahilan upang hindi kumalahok si Aristizábal sa kompetisyon.[12] Ang prangkisa ng Miss Universe ay napunta kay Natalie Ackermann, pinuno ng Miss Universe Colombia Organization na kinoronahan si Laura Olascuaga bilang Miss Universe Colombia 2020.[13] Subalit, noong ika-6 ng Abril 2022, iniluklok ni Ackermann si Aristizábal upang kumatawan sa Kolombya sa ika-71 edisyon ng kompetisyon.[14] Si Amandine Petit, Miss France 2021, ay iniluklok upang kumatawan sa bansang Pransiya sa edisyong ito matapos ang pakikipagpalitan kay Clémence Botino, Miss France 2020, na kakatawan sa Pransiya sa susunod na edisyon dahil sa posibleng date conflict sa pagitan ng Miss Universe 2021 at Miss France 2022.[15][16]

Sa edisyong ito unang kumalahok ang Kamerun at bumalik ang Gana at Rusya. Buhat ng pagpataw ng mga lockdown at paghihigpit sa paglalakbay, labinsiyam na bansa at teritoryo ang hindi sumali sa edisyong ito na kinabibilangan ng Alemanya, Anggola, Bagong Silandiya, Bangglades, Ehipto, Gineang Ekwatoriyal, Guam, Heyorhiya, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kenya, Litwanya, Monggolya, Namibya, Niherya, Santa Lucia, Sierra Leone, Suwesya, Tansaniya, at Turkya.[17] Nakatakda sanang kumalahok si Tangia Zaman Methila ng Bangglades ngunit hindi ito nakasali dahil sa mga mga lockdown at paghihigpit sa paglalakbay.[18]

Kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19 si Vanessa Castro ng Paragway noong ika-4 ng Mayo 2021, tatlong araw bago magsimula ang kompetisyon sa Estados Unidos.[19] Noong ika-7 ng Mayo 2021, nag-netibo na si Castro sa COVID-19 at pinayagan na itong lumipad sa Miami upang kumalahok sa kompetisyon.[20]

Mga Resulta[i-edit | i-edit ang source]

Mga pagkakalagay[i-edit | i-edit ang source]

Pagkakalagay[21] Kandidata
Miss Universe 2020
1st Runner-up
2nd Runner-up
  • Peru Peru – Janick Maceta
3rd Runner-up
4th Runner-up
Top 10
Top 21

§ – Binoto ng mga manonood upang mapabilang sa Top 21

Mga Espesyal na parangal[i-edit | i-edit ang source]

Parangal Kandidata
Best National Costume
Spirit of Carnival Award
Social Impact Award

Kompetisyon[i-edit | i-edit ang source]

Pormat ng kompetisyon[i-edit | i-edit ang source]

Dahila sa mga mahigpit na hakbang kaugnay ng pandeyma ng COVID-19, ilang mga pagbabago sa pormat ng kompetisyon ang ipinatupad ng Miss Universe. Dahil sa mas maliit na bilang ng mga kandidata ang kumalahok sa edisyong ito kumpara sa mga nakaraang edisyon, tinanggal ang continental grouping at pinili ang Top 21 sa kabuuan— ang pinakamaraming bilang ng mga semifinalist sa kasaysayan ng kompetisyon. Ang mga resulta ng paunang kompetisyon at ng closed-door interview ang nagpasiya sa napiling 20 semifinalist. Isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isa pang kandidata upang umabante sa semifinals. Diretsong kumalahok sa swimsuit competition ang 21 na semifinalist imbis na dumaan sa opening statement, at kalaunan ay pinili ang 10 semifinalists. Kumalahok sa evening gown ang 10 semifinalists. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round at sa final question round.[25][26]

Komite sa pagpili[i-edit | i-edit ang source]

  • Sheryl Adkins-Green – Amerikanang marketing executive[27][28]
  • Arden Cho – Mang-aawit at artistang Amerikana[27][28]
  • Christine Duffy – Negosyanteng Amerikana[27][28]
  • Keltie Knight – Television host na Kanadyana[27][28]
  • Brook Lee – Miss Universe 1997 mula sa Estados Unidos[27][28]
  • Deepica Mutyala – Negosyanteng Amerikana[27][28]
  • Tatyana Orozco – Negosyante at ekonomistang Kolombiyana[27][28]
  • Zuleyka Rivera – Miss Universe 2006 mula sa Porto Riko[27][28]

Mga Kandidata[i-edit | i-edit ang source]

74 na kandidata ang kumalahok para sa titulo.[29][30]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Albanya Albanya Paula Mehmetukaj[31] 23 Tirana
Arhentina Arhentina Alina Luz Akselrad[32] 23 Córdoba
Armenya Armenya Monika Grigoryan[33] 21 Ereban
Aruba Aruba Helen Hernandez[34] 20 Oranjestad
Australia Australya Maria Thattil[35] 28 Melbourne
 Bahamas Shauntae Miller[36] 28 Pulo ng Long
Barbados Barbados Hillary-Ann Williams[37] 25 Christ Church
Belhika Belhika Dhenia Covens[38] 27 Amberes
Belize Belis Iris Salguero[39] 24 San Pedro
Venezuela Beneswela Mariángel Villasmil[40] 25 Ciudad Ojeda
Vietnam Biyetnam Khánh Vân Nguyễn[41] 26 Lungsod ng Ho Chi Minh
Brazil Brasil Julia Gama[42] 27 Porto Alegre
Bulgaria Bulgarya Radinela Chusheva[43] 25 Sofia
Bolivia Bulibya Lenka Nemer[44] 24 La Paz
Curaçao Curaçao Chantal Wiertz[45] 22 Willemstad
Denmark Dinamarka Amanda Petri[46] 23 Copenhagen
Ecuador Ekwador Leyla Espinoza[47] 25 Quevedo
El Salvador El Salbador Vanessa Velásquez[48] 25 San Salvador
Slovakia Eslobakya Natália Hoštáková[49] 26 Bratislava
Espanya Espanya Andrea Martínez[50] 27 Leon
Estados Unidos Estados Unidos Asya Branch[51] 23 Booneville
Ghana Gana Chelsea Tayui[52] 25 Keta
United Kingdom Gran Britanya Jeanette Akua[53] 29 Lungsod ng Londres
Jamaica Hamayka Miqueal-Symone Williams[54] 24 Mona
Hapon Hapon Aisha Harumi Tochigi[55] 25 Chiba
Haiti Hayti Eden Berandoive[56] 24 Aquin
Honduras Honduras Cecilia Rossell[57] 25 Copan Ruinas
India Indiya Adline Castelino[58] 22 Udupi
Indonesia Indonesya Ayu Maulida[59] 23 Surabaya
Irlanda (bansa) Irlanda Nadia Sayers[60] 26 Belfast
Israel Israel Tehila Levi[61] 19 Yavne
Italya Italya Viviana Vizzini[62] 27 Caltanissetta
Cambodia Kambodya Sarita Reth[63] 26 Nom Pen
Cameroon Kamerun Angèle Kossinda[64] 28 Douala
Canada Kanada Nova Stevens[65] 26 Vancouver
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Shabree Frett[66] 24 Tortola
Cayman Islands Kapuluang Kayman Mariah Tibbetts[67] 27 Bodden Town
Kazakhstan Kasakstan Kamila Serikbai[68] 18 Kyzylorda
Colombia Kolombya Laura Olascuaga[69] 25 Cartagena
Kosovo Kosobo Blerta Veseli[70] 23 Gjilan
Costa Rica Kosta Rika Ivonne Cerdas[71] 28 San José
Croatia Kroasya Mirna Naiia Maric[72] 22 Zadar
Laos Laos Christina Lasasimma[73] 27 Vientiane
Iceland Lupangyelo Elísabet Hulda Snorradóttir[74] 22 Reikiavik
Malaysia Malaysia Francisca Luhong James[75] 25 Kuching
Malta Malta Anthea Zammit[76] 26 Żebbuġ
Mauritius Mawrisyo Vandana Jeetah[77] 29 Flacq
Mexico Mehiko Andrea Meza[78] 26 Lungsod ng Chihuahua
Myanmar Miyanmar Thuzar Wint Lwin[79] 22 Hakha
 Nepal Anshika Sharma[80] 24 Jhapa
Nicaragua Nikaragwa Ana Marcelo[81] 24 Estelí
Norway Noruwega Sunniva Frigstad[82] 21 Vennesla
Netherlands Olanda Denise Speelman[83] 24 Groningen
Panama Panama Carmen Jaramillo[84] 26 La Chorrera
Paraguay Paragway Vanessa Castro[85] 28 Asunción
Peru Peru Janick Maceta[86] 27 Lima
Pilipinas Pilipinas Rabiya Mateo [87] 24 Lungsod ng Iloilo
Finland Pinlandiya Viivi Altonen[88] 24 Tampere
Poland Polonya Natalia Piguła[89] 27 Łódź
Puerto Rico Porto Riko Estefanía Soto[90] 29 San Sebastian
Portugal Portugal Cristiana Silva[91] 19 Porto
Pransiya Pransiya Amandine Petit[16] 23 Caen
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Kimberly Jiménez[92] 24 La Romana
Republikang Tseko Republikang Tseko Klára Vavrušková[93] 21 Kostelec nad Orlicí
Romania Rumaniya Bianca Tirsin[94] 22 Arad
Rusya Rusya Alina Sanko[95] 22 Azov
Singapore Singapura Bernadette Ong[96] 26 Bukit Timah
Thailand Taylandiya Amanda Obdam[97] 27 Phuket
South Africa Timog Aprika Natasha Joubert[98] 23 Centurion
Timog Korea Timog Korea Hari Park[99] 21 Incheon
Chile Tsile Daniela Nicolás[100] 28 Copiapó
Republikang Bayan ng Tsina Tsina Jiaxin Sun[101] 23 Beijing
Ukraine Ukranya Yelyzaveta Yastremska[102] 28 Kyiv
Uruguay Urugway Lola de los Santos[103] 23 Paysandú

Mga Tala[i-edit | i-edit ang source]

  1. Edad sa panahon ng kompetisyon

Mga Sanggunian[i-edit | i-edit ang source]

  1. Bracamonte, Earl D. C. (4 Marso 2021). "Miss Universe 2020 date, venue announced; 2021 pageant also reportedly set". Philippine Star. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  2. Goldstein, Joelle (16 Mayo 2021). "Miss Mexico Andrea Meza Wins Miss Universe 2020". People Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  3. "Mexico's Andrea Meza wins Miss Universe 2020". Rappler (sa wikang Ingles). 17 Mayo 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  4. "Olivia Culpo, Mario Lopez to host this year's Miss Universe pageant". ABS-CBN News. 21 Abril 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  5. Requintina, Robert (15 Mayo 2021). "American rapper Pitbull pulls out of 69th Miss Universe show". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  6. 6.0 6.1 "Miss Universe competition will return in May after a year-and-a-half delay". USA Today (sa wikang Ingles). 3 Marso 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  7. "Miss Universe competition to air live from Florida in May". ABC News (sa wikang Ingles). 3 Marso 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  8. 8.0 8.1 "Steve Harvey will not be hosting the Miss Universe 2020 coronation event". GMA News Online (sa wikang Ingles). 21 April 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  9. 9.0 9.1 Keegan, Kayla (17 Mayo 2021). "Steve Harvey Isn't Hosting 'Miss Universe' This Year and Fans Want to Know Why". Yahoo! Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  10. Boeckx, Jolien (1 Pebrero 2021). "Huidige Miss België past voor Miss Universe uit schrik voor corona, en dus gaat eredame van 2018". Het Laatste Nieuws (sa wikang Olandes). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  11. "Miss Polski Magdalena Kasiborska wycofała się z konkursu Miss Universe! Powodem problemy zdrowotne". Tele Magazyn (sa wikang Polako). 27 Marso 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  12. "María Fernanda Aristizábal ya no representará a Colombia en Miss Universo". Noticias Caracol (sa wikang Kastila). 3 Hunyo 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  13. "Laura Olascuaga es elegida como la primera Miss Universe Colombia". El Heraldo (sa wikang Kastila). 16 Nobyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  14. "María Fernanda Aristizábal representará a Colombia en el Miss Universo 2022". El Heraldo (sa wikang Kastila). 6 Abril 2022. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  15. Drouglazet, Klervi (20 Disyembre 2020). "Miss France 2021. La Normande Amandine Petit sacrée au Puy du Fou". Ouest-France (sa wikang Pranses). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  16. 16.0 16.1 Jean-Baptiste, Marie (15 Marso 2021). "La Caennaise Amandine Petit, Miss France 2021, concourra au titre de Miss Univers". France Bleu (sa wikang Pranses). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  17. Requintina, Robert (24 Abril 2021). "19 countries back out of 69th Miss Universe pageant due to COVID-19". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hunyo 2022.
  18. "Tangia Zaman Methila will not participate in Miss Universe 2020". Dhaka Tribune. 20 Abril 2021. Nakuha noong 12 Hunyo 2022.
  19. Requintina, Robert (4 Mayo 2021). "Paraguay may not participate at 69th Miss Universe pageant due to COVID-19". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hunyo 2022.
  20. "Vanessa Castro partió rumbo a EEUU y representará a Paraguay en el Miss Universo". La Nación (sa wikang Kastila). 7 Mayo 2021. Nakuha noong 12 Hunyo 2022.
  21. Hamedy, Saba (17 Mayo 2021). "Mexico's Andrea Meza crowned Miss Universe". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  22. Requintina, Robert (17 Mayo 2021). "Myanmar wins best national costume at 69th Miss Universe Competition". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hunyo 2022.
  23. Jainchill, Johanna (17 May 2022). "Miss Dominican Republic Kimberly Jimenez will be godmother of Carnival's Mardi Gras". Travel Weekly (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hunyo 2022.
  24. Mallorca, Hannah (17 Mayo 2021). "Bolivia bags first-ever 'Social Impact Award' at the 69th Miss Universe". l!fe • The Philippine Star. Nakuha noong 12 Hunyo 2022.
  25. "Only 1 Q&A? Format of 69th Miss Universe revealed". ABS-CBN News. 14 Mayo 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  26. Bracamonte, Earl D. C. (12 Mayo 2021). "New Miss Universe format gives Rabiya Mateo strong chance to win". Philippine Star. Nakuha noong 10 Setyembre 2022.
  27. 27.0 27.1 27.2 27.3 27.4 27.5 27.6 27.7 Bracamonte, Earl D. C. (13 Mayo 2021). "Miss Universe 2020 announces panel of all-female judges". Philippine Star. Nakuha noong 13 Hunyo 2022.
  28. 28.0 28.1 28.2 28.3 28.4 28.5 28.6 28.7 "Titleholders Brook Lee, Zuleyka Rivera among Miss Universe 2020 judges". Rappler (sa wikang Ingles). 13 Mayo 2021. Nakuha noong 29 Agosto 2022.
  29. "Miss Universe 2020: See photos of all 74 contestants, including winner Andrea Meza, Miss Mexico". USA Today (sa wikang Ingles). 19 Mayo 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  30. Smith, Chuck (10 Mayo 2020). "LOOK: Stunning headshots of all 74 contestants of the 69th Miss Universe pageant". l!fe • The Philippine Star. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  31. "Fitoi "Miss Universe Albania", 22-vjeçarja flet për herë të parë te Rudina". Televizioni Klan (sa wikang Albanes). 22 Setyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  32. "Conocé a Alina Akselrad, la cordobesa candidata a Miss Universo por Argentina". El Litoral (sa wikang Kastila). 14 Disyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  33. "Monika Grigoryan chosen as Miss Universe Armenia 2020". The Times of India. 23 Marso 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  34. "Helen Hernandez corona como Miss Aruba Universe 2020". 1 Noticia (sa wikang Kastila). 10 Disyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  35. "Miss Universe Australia 2020: Meet Pageant Queen Maria Thattil". Outlook India (sa wikang Ingles). 4 Nobyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  36. Moss, Shavaughn (25 Setyembre 2020). "Shauntae Miller is Miss Bahamas Universe". The Nassau Guardian. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  37. "Hillary Ann Williams is the new Miss Universe Barbados". Barbados Today (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  38. "Dhenia Covens doet gooi naar kroontje van Miss Universe 2020". Het Nieuwsblad (sa wikang Olandes). 1 Pebrero 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  39. "Iris Salguero is Miss Belize Universe!". The San Pedro Sun (sa wikang Ingles). 11 Enero 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  40. "Mariángel Villasmil, del estado Zulia, Miss Venezuela 2020". El Universal (sa wikang Kastila). 25 Setyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  41. "Khánh Vân đăng quang Hoa hậu Hoàn vũ Việt Nam 2019". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 7 Disyembre 2019. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  42. "Julia Gama vence o Miss Brasil e irá ao Miss Universo". TV Cidade Verde (sa wikang Portuges). 20 Agosto 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  43. "Скандалната Мис Радинела Чушева ще представя страната ни на "Мис Вселена"". TrafficNews.bg (sa wikang Bulgarian). 31 Marso 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  44. "Lenka Nemer es la Miss Bolivia Universo 2020 y le da la corona a La Paz después de 35 años". El Deber (sa wikang Kastila). 14 Nobyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  45. "Chantal Wiertz to represent Curacao at Miss Universe 2020". The Times of India. 26 Mayo 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  46. "Amanda Petri chosen as Miss Universe Denmark 2020". The Times of India. 16 Marso 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  47. "Leyla Espinoza Calvache, representante de Quevedo, es la nueva Miss Ecuador 2020". El Universo (sa wikang Kastila). 18 Oktubre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  48. González, Corina (16 Mayo 2021). "Vanessa Velásquez, representante del El Salvador, fuera de las 21 finalistas de Miss Universo". Diario AS (sa wikang Kastila). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  49. "Misska Natália Hoštáková randí s hokejistom Christiánom Jarošom: Nečakané priznanie". Nový Čas (sa wikang Eslobako). 6 Hunyo 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  50. "Andrea Martínez se convierte en Miss Universe Spain 2020". El Confidencial Digital (sa wikang Kastila). 22 Nobyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  51. DeSantis, Rachel; Maslow, Nick (9 Nobyembre 2020). "Mississippi's Asya Branch Wins Miss USA 2020". People Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  52. Owiredu, Gladys Osei (27 Setyembre 2020). "25-year-old Chelsea Tayui crowned Miss Universe Ghana 2020". My Joy Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  53. Naik, Sameer (13 Marso 2021). "Joburg-born Jeanette Akua in line to win Miss Universe". Independent Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  54. "Miqueal-Symone Williams is Miss Universe Jamaica 2020". The Gleaner (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  55. Severo, Jan Milo (3 Nobyembre 2020). "Filipina-Japanese wins as Miss Universe Japan 2020 second runner-up". Philippine Star. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  56. "Eden Berandoive elected Miss Haiti 2020". Haiti Libre. 7 Disyembre 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  57. Ortíz, Cinthya (11 Disyembre 2020). "Miss Honduras Universo 2020: Cecilia Rossell, la mujer detrás de la corona". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  58. "Adline Castelino wins Miss Diva Universe 2020". The New Indian Express. 23 Pebrero 2020. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  59. Ayuningtyas, Novita (7 Marso 2020). "7 Gaya Kasual Ayu Maulida Peraih Puteri Indonesia 2020". Liputan 6 (sa wikang Indones). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  60. Gallagher, Katie (23 Disyembre 2020). "Meet the newly crowned Miss Universe Ireland 2020 - Nadia Sayers". Irish Mirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  61. "Tehila Levi to represent Israel at Miss Universe 2020". The Times of India. 14 Hulyo 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  62. "Miss Universo Italy, vince la siciliana Viviana Vizzini: parteciperà alla finale mondiale". Giornale di Sicilia (sa wikang Italyano). 22 Disyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  63. Rinith, Taing (29 Nobyembre 2020). "Actress Reth Sarita is crowned Miss Universe Cambodia 2020". Khmer Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  64. Coulibaly, Justin (7 Marso 2021). "Miss Univers 2021 : Angèle Kossinda, la plus belle femme du Cameroun". Afrik (sa wikang Pranses). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  65. Singh, Simran (26 Oktubre 2020). "Vancouver anti-racism advocate Nova Stevens crowned Miss Universe Canada | Curated". Daily Hive (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  66. "Shabree Frett coronated as Miss Universe BVI 2020". 284 Media (sa wikang Ingles). 14 Disyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  67. "Mariah Tibbetts to represent Cayman Islands at Miss Universe 2020". The Times of India. 23 Hulyo 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  68. "Kamilla Serikbai to represent Kazakhstan at 2021 Miss Universe". Kazinform (sa wikang Ingles). 2 Enero 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  69. Rodriguez, Andrea (16 Nobyembre 2020). "Laura Olascuaga, de Bolívar, nueva Miss Universe Colombia". El Universal (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  70. "Punonte në Ministrinë e Infrastrukturës, njihuni me "Miss Universe Kosovo 2020"". Tv Klan (sa wikang Albanes). 22 Setyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  71. Corrales, Eric (18 Nobyembre 2020). "Ivonne Cerdas se corona como Miss Costa Rica 2020". Teletica. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  72. "Mirna Naiia Marić crowned Miss Universe Croatia 2020". The Times of India. 16 Marso 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  73. "Laos beauty Christina Lasasimma is country's rep at the 69th Miss Universe pageant". The Star (sa wikang Ingles). 21 Marso 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  74. Stefánsson, Jón Þór (24 Oktubre 2020). "Elísabet Hulda er Miss Universe Iceland 2020". DV (sa wikang Islandes). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  75. "Kuching's Francisca Luhong James wins Miss Universe Malaysia title". Malay Mail (sa wikang Ingles). 6 Setyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  76. "Anthea Zammit: 'I conquered my insecurities. Don't let anyone get you down'". Malta Today (sa wikang Ingles). 18 Setyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  77. "Vandana Jeetah to represent Mauritius at Miss Universe 2020". The Times of India. 17 Setyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  78. Ortega, David (25 Marso 2021). ""No al acoso y a la violencia": Andrea Meza, lista para el Miss Universo". El Debate (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  79. Paddock, Richard C. (14 Mayo 2021). "Miss Universe Myanmar Arrives in Florida With a Message for the Junta". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  80. "Anshika Sharma crowned Miss Universe Nepal 2020". The Himalayan Times. 31 Disyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  81. "Virtual preparation allows Miss Nicaragua amid pandemic". San Diego Union-Tribune (sa wikang Ingles). 9 Agosto 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  82. "Sunniva vant Miss Norway". Norge IDAG (sa wikang Noruwego). 1 Nobyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  83. "Denise Speelman is de mooiste vrouw van Nederland: 'Ik heb een boodschap'". RTL Nieuws (sa wikang Olandes). 1 Setyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  84. "Carmen Jaramillo to represent Panama at Miss Universe 2020". The Times of India. 13 Abril 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  85. "Vanessa Castro sí representará a Paraguay en Miss Universo". Diario Hoy (sa wikang Kastila). 7 Mayo 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  86. "Janick Maceta: ¿Quién es la nueva Miss Perú 2020?". El Comercio Perú (sa wikang Kastila). 29 Nobyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  87. "Iloilo's Rabiya Mateo is Miss Universe Philippines 2020". Rappler (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  88. Hopi, Anna (21 Setyembre 2020). "Tällaisia kuvia uusi Miss Suomi Viivi Altonen, 23, on julkaissut somessa: sinkkuelämää Tampereella, eksoottisia lomakohteita". Iltalehti (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  89. Czerniak, Sylwia (16 Mayo 2021). "Wielki finał 69. edycji konkursu Miss Universe już dzisiaj. Kim jest Natalia Piguła, która reprezentuje Polskę?". Plejada (sa wikang Polako). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  90. "Coronan a Estefanía Soto como Miss Universe Puerto Rico". Primera Hora (sa wikang Kastila). 24 Setyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  91. "Portuguesa Cristiana Silva pode ser a próxima Miss Universo". CMTV (sa wikang Portuges). 31 Agosto 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  92. "Kimberly Jiménez representará a RD en Miss Universo 2020". Listín Diario (sa wikang Kastila). 28 Setyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  93. "Nohy až do nebe: Kráska Vavrušková se na Miss Universe předvede v ultra krátké mini a s korunou na hlavě". Super.cz (sa wikang Tseko). 20 Abril 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  94. "Bianca Tirsin va reprezenta România la Miss Universe - Ziua de Vest". Ziua de Vest (sa wikang Rumano). 1 Disyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  95. ""Мисс Россия-2019" Алина Санько поедет на конкурс "Мисс Вселенная"". REN TV (sa wikang Ruso). 5 Marso 2021. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  96. Requintina, Robert (10 Disyembre 2020). "Philippine-born beauty to represent Singapore in Miss Universe 2020 pageant". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  97. ""อแมนด้า ออบดัม" คว้าตำแหน่ง Miss Universe Thailand 2020". PPTV (sa wikang Thai). 10 Oktubre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  98. Head, Tom (10 Disyembre 2020). "Who is Natasha Joubert? Ten things to know about SA's 'new Miss Universe'". The South African (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  99. "Người mẫu 24 tuổi là Hoa hậu Hoàn vũ Hàn Quốc". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 18 Disyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  100. "Daniela Nicolás, ganadora de Miss Universo Chile 2020: finalistas, semifinalistas y resultados". Diario AS (sa wikang Kastila). 20 Nobyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  101. Thao, Văn (10 Disyembre 2020). "Tân Hoa hậu Hoàn vũ Trung Quốc kém xinh: Khánh Vân vững vàng 'gánh team Châu Á'". SAOstar (sa wikang Biyetnames). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  102. Mogilevich, Diana (8 Disyembre 2020). "Названа "Мисс Украина Вселенная-2020"". Unian (sa wikang Ruso). Nakuha noong 11 Hunyo 2022.
  103. "Miss Universo 2020 también tendrá una candidata lesbiana: Miss Uruguay, Lola de los Santos". Qué Noticias (sa wikang Kastila). 16 Disyembre 2020. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.

Panlabas na link[i-edit | i-edit ang source]