Miss Universe 2021

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Miss Universe 2021
Sandhu graces Vineet Jain’s Miss Universe 2021 success bash.jpg
Harnaaz Sandhu, Miss Universe 2021
Petsa13 Disyembre 2021[a]
PresentersSteve Harvey
Entertainment
  • Noa Kirel
  • Jojo
  • Harel Skaat
  • Valerie Hamaty
  • Narkis
PinagdausanUniverse Arena, Eilat, Israel
Brodkaster
Lumahok80
Placements16
Bagong saliBahreyn
Hindi sumaliBarbados, Belis, Indonesya, Malaysia, Miyanmar, Urugway
BumalikAlemanya, Gineang Ekwatoriyal, Gresya, Guwatemala, Kenya, Moroko, Namibya, Niherya, Suwesya, Turkya, Unggarya
NanaloHarnaaz Sandhu
 Indiya
Best National CostumeMaristella Okpala
 Niherya
Spirit of CarnivalChantel O'Brian
 Bahamas
← 2020
2022 →

Ang Miss Universe 2021 ay ang ika-70 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Universe Dome sa Eilat, Israel noong ika-13 ng Disyembre 2021.[1][2][3]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Andrea Meza ng Mehiko si Harnaaz Sandhu ng Indiya bilang Miss Universe 2021. Ito ang pangatlong tagumpay ng Indiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Nadia Ferreira ng Paragway samantalang nagtapos bilang second runner-up si Lalela Mswane ng Timog Aprika.[4][5]

Mga kandidata mula sa 80 mga bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Itinampok sa kompetisyon ang pagbabalik ni Steve Harvey bilang host; huling nagsilbi si Harvey bilang host noong Miss Universe 2019.[6] Sina Miss USA 2019 Cheslie Kryst at si Carson Kressley ang nagsilbing mga backstage correspondent. Nagtanghal sina JoJo, Noa Kirel, Harel Skaat, Valerie Hamaty, at Narkis sa edisyong ito.[7][8]

Kasaysayan[i-edit | i-edit ang source]

Lokasyon at petsa ng kompetisyon[i-edit | i-edit ang source]

Port of Eilat, ang lokasyon ng Miss Universe 2021

Nasa proseso ng talakayan diumano ang Miss Universe Organization upang isagawa ang kompetisyon sa Kosta Rika noong Enero 2021. Ang mga talakayan ay kinumpirma ng Ministro ng Turismo ng pamahalaan ng Kosta Rika na si Gustavo Seguera.[9][10]

Subalit, noong ika-20 ng Hulyo 2021, kinumpirma ng Miss Universe Organization na ang kompetisyon ay mangyayari sa Eilat, Israel sa Disyembre ng kaparehong taon.[11] Kinumpirma rin ng organisasyon ang pagbabalik ni Steve Harvey bilang host matapos nitong makaligtaan ang nakaraang edisyon na ginanap noong Mayo.[12] Noong ika-27 ng Oktubre 2021, inihayag ng Miss Universe Organization na ang kompetisyon ay gaganapin sa Universe Dome, isang pansamatalang custom-built arena na na-import sa Eilat mula sa Portugal.[13]

Pagpili ng mga kalahok[i-edit | i-edit ang source]

Ang mga kalahok mula sa 80 mga bansa at teritoryo ay napili upang kumalahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Morocco 2021 na si Kawtar Benhalima bilang kandidata ng Moroko sa Miss Universe matapos na maaksidente ang orihinal na nanalo na si Fatima-Zahra Khayat.[14] Samantala, iniluklok si Debbie Aflalo, first runner-up ng Miss Dominican Republic 2021 upang kumatawan sa Republikang Dominikano matapos na mahawaan ng COVID-19 ang Miss Dominican Republic 2021 na si Andreína Martínez bago ang kaniyang paglipad patungo sa Eilat.[15] Si Martínez ang naatasan upang kumatawan sa Republikang Dominikano sa susunod na edisyon.[16]

Si Clémence Botino, Miss France 2020, ay iniluklok upang kumatawan sa bansang Pransiya sa edisyong ito matapos ang pakikipagpalitan kay Amandine Petit, Miss France 2021, na kumatawan sa Pransiya noong Miss Universe 2020 dahil sa posibleng date conflict sa pagitan ng Miss Universe 2021 at Miss France 2022.[17] Kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19 si Botino pagdating sa Israel at idinala sa isang government isolation hotel upang magkuwarentenas ng sampung araw. Pagkatapos ng sampung araw, pinahintulutan si Botino na magpatuloy sa kompetisyon.

Sa edisyong ito unang kumalahok ang Bahreyn, at bumalik ang Alemanya, Gineang Ekwatoriyal, Gresya, Guwatemala, Kenya, Moroko, Namibya, Niherya, Suwesya, Turkya, at Unggarya.[18] Huling kumalahok noong 1978 ang Moroko, noong 2018 ang Gresya, Guwatemala Unggarya, at noong 2019 ang Alemanya, Gineang Ekwatoriyal, Kenya, at Namibya.[19] Ang mga bansang Barbados, Belis, Indonesya, Malaysia, Miyanmar, at Urugway ay hindi sumali sa edisyong ito.[20][21][22] Inaasahang kakalahok sa unang pagkakataon ang Nagkakaisang Arabong Emirato ngunit nakansela ang kompetisyong pambansa nito dahil sa kakulangan sa oras.[23]

Mga Resulta[i-edit | i-edit ang source]

Mga pagkakalagay[i-edit | i-edit ang source]

Pagkakalagay[5] Kandidata
Miss Universe 2021
1st Runner-up
2nd Runner-up
Top 5
Top 10
Top 16

§ – Binoto ng mga manonood upang mapabilang sa Top 16

Mga Espesyal na parangal[i-edit | i-edit ang source]

Parangal Kandidata
Best National Costume
Spirit of Carnival Award
Social Impact Award

Kompetisyon[i-edit | i-edit ang source]

Pormat ng kompetisyon[i-edit | i-edit ang source]

Ang bilang ng mga semifinalist ay ibinaba sa 16 kumpara sa 21 ng nakaraang taon. Ang mga resulta ng paunang kompetisyon at ng closed-door interview ang nagpasiya sa napiling 15 semifinalist. Isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isa pang kandidata upang umabante sa semifinals.[25] Kumalahok sa swimsuit competition ang 16 na semifinalist at kalaunan ay pinili ang 10 semifinalists. Kumalahok sa evening gown kompetisyon ang 10 semifinalists. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round, at tatlong pinalista naman ang sumabak sa final word.[26]

Komite sa pagpili[i-edit | i-edit ang source]

Mga Kandidata[i-edit | i-edit ang source]

80 kandidata ang kumalahok para sa titulo.[29]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[b] Bayan
Albanya Albanya Ina Dajci[30] 27 Tirana
Alemanya Alemanya Hannah Seifer[31] 19 Dusseldorf
Arhentina Arhentina Julieta García[32] 22 Bahía Blanca
Armenya Armenya Nane Avetisyan[33] 24 Ereban
Aruba Aruba Thessaly Zimmerman[34] 27 Oranjestad
Australia Australya Daria Varlamova[35] 27 Melbourne
 Bahamas Chantel O'Brian[36] 27 Nassau
Bahrain Bahreyn Manar Nadeem Deyani[37] 25 Riffa
Belhika Belhika Kedist Deltour[38] 24 Nazareth
Venezuela Beneswela Luiseth Materán[39] 25 Los Teques
Vietnam Biyetnam Nguyễn Huỳnh Kim Duyên[40] 25 Cần Thơ
 Brasil Teresa Santos[41] 23 Maranguape
Bulgaria Bulgarya Elena Danova[42] 21 Krichim
Bolivia Bulibya Nahemi Uequin[43] 20 Santa Cruz
Curaçao Curaçao Shariëngela Cijntje[44] 27 Willemstad
Denmark Dinamarka Sara Langtved[45] 26 Copenhague
Ecuador Ekwador Susy Sacoto[46] 24 Portoviejo
El Salvador El Salbador Alejandra Gavidia[47] 25 San Salvador
Slovakia Eslobakya Veronika Ščepánková[48] 26 Bratislava
Espanya Espanya Sarah Loinaz[49] 23 San Sebastián
 Estados Unidos Elle Smith[50] 23 Louisville
Ghana Gana Naa Morkor Commodore[51] 26 Accra
Equatorial Guinea Gineang Ekwatoriyal Chelsea Mituy[52] 19 Ebibeyin
United Kingdom Gran Britanya Emma Collingridge[53] 23 Suffolk
Greece Gresya Sofia Arapogianni[54] 22 Ithaca
Guatemala Guwatemala Dannia Guevara[55] 24 Ayutla
Jamaica Hamayka Daena Soares[56] 22 Mona
 Hapon Juri Watanabe[57] 25 Tokyo
Haiti Hayti Pascale Bélony[58] 28 Cap-Haïtien
Honduras Honduras Rose Meléndez[59] 27 Limón
India Indiya Harnaaz Sandhu[60] 21 Chandigarh
Irlanda (bansa) Irlanda Katharine Walker[61] 26 Belfast
 Israel Noa Cochva[62] 22 Bnei Atarot
 Italya Caterina Di Fuccia[63] 23 Marcianise
Cambodia Kambodya Ngin Marady[64] 22 Nom Pen
Cameroon Kamerun Michèle Ange Minkata[65] 27 Yaoundé
Canada Kanada Tamara Jemuovic[66] 27 Toronto
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Xaria Penn[67] 18 Tortola
Cayman Islands Kapuluang Kayman Georgina Kerford[68] 18 George Town
Kazakhstan Kasakstan Aziza Tokashova[69] 27 Almaty
 Kenya Roshanara Ebrahim[70] 28 Nairobi
Colombia Kolombya Valeria Ayos[71] 27 Cartagena
Kosovo Kosobo Tuti Sejdiu[72] 19 Gjilan
Costa Rica Kosta Rika Valeria Rees[73] 28 Heredia
Croatia Kroasya Ora Ivanišević[74] 20 Dubrovnik
 Laos Tonkham Phonchanhueang[75] 26 Vientiane
Iceland Lupangyelo Elísa Gróa Steinþórsdóttir[76] 22 Garðabær
 Malta Jade Cini[77] 26 Valletta
Mauritius Mawrisyo Anne Murielle Ravina[78] 26 Rodrigues
Mexico Mehiko Débora Hallal[79] 25 Las Mochis
Morocco Moroko Kawtar Benhalima[14] 22 Marrakesh
Namibia Namibya Chelsi Shikongo[80] 24 Walvis Bay
 Nepal Sujita Basnet[81] 28 Katmandu
Niherya Niherya Maristella Okpala[82] 28 Anambra
Nicaragua Nikaragwa Allison Wassmer[83] 26 Managua
Norway Noruwega Nora Nakken[84] 23 Trondheim
Netherlands Olanda Julia Sinning[85] 24 Amsterdam
 Panama Brenda Smith[86] 27 Lungsod ng Panama
Paraguay Paragway Nadia Ferreira[87] 22 Villarrica
 Peru Yely Rivera[88] 27 Arequipa
Pilipinas Pilipinas Beatrice Luigi Gomez[89] 26 Lungsod ng Cebu
Finland Pinlandiya Essi Unkuri[90] 23 Vaasa
Poland Polonya Agata Wdowiak[91] 25 Łódź
Puerto Rico Porto Riko Michelle Colón[92] 21 Loíza
 Portugal Orícia Domínguez[93] 27 Lisboa
 Pransiya Clemence Botino[17] 24 Baie-Mahault
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Debbie Aflalo[15] 27 Azua
Republikang Tseko Republikang Tseko Karolína Kokešová[94] 25 Praga
Romania Rumaniya Carmina Cotfas[95] 21 Cluj-Napoca
Rusya Rusya Ralina Arabova[96] 22 Kazan
Singapore Singapura Nandita Banna[97] 21 Singapore
Suwesya Suwesya Moa Sandberg[29] 25 Estokolmo
Thailand Taylandiya Anchilee Scott-Kemmis[98] 22 Chacheongsao
South Africa Timog Aprika Lalela Mswane[99] 24 Richards Bay
Timog Korea Timog Korea Jisu Kim[29] 23 Seoul
Chile Tsile Antonia Figueroa[100] 26 La Serena
 Tsina Shi Yin Yang[101] 20 Beijing
Turkey Turkya Cemrenaz Turhan[102] 23 Istanbul
Ukraine Ukranya Anna Neplyakh[103] 27 Dnipro
Hungary Unggaria Jázmin Viktória[104] 20 Budapest

Mga Tala[i-edit | i-edit ang source]

  1. Ang patimpalak ay ginanap sa oras na ika 2 ng madaling araw (2:00 AM/02:00H) sa sonang UTC+02:00 (Pamantayang Oras ng Israel)
  2. Edad sa panahon ng kompetisyon

Mga Sanggunian[i-edit | i-edit ang source]

  1. "Eilat, Israel ready to host 70th Miss Universe competition". The Manila Times (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 2021. Nakuha noong 7 Disyembre 2021.
  2. "Israel to host Miss Universe contest despite Omicron". Reuters (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 2021. Nakuha noong 7 Disyembre 2021.
  3. Alexander, Bryan (12 Disyembre 2021). "Miss India Harnaaz Sandhu crowned Miss Universe 2021, Miss USA Elle Smith denied top 5 spot". USA Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 June 2022.
  4. "India wins third Miss Universe crown". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021.
  5. 5.0 5.1 "India's Harnaaz Sandhu is Miss Universe 2021". Rappler (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 3 Hunyo 2022.
  6. "Miss Universe 2021 venue announced, Steve Harvey returns as host". Philippine Star (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 2021. Nakuha noong 7 Disyembre 2021.
  7. Vollman, Taylor (12 Disyembre 2021). "Miss Universe 2021 Judges, Host & Performers". Heavy (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Hunyo 2022.
  8. Spiro, Amy (13 Disyembre 2021). "Israel's beauty on full display as India takes the crown at Miss Universe in Eilat". Times of Israel (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Agosto 2022.
  9. Herrera, Kimberly (29 Enero 2021). "Miss Universo: Costa Rica negocia con organización para ser sede del certamen de belleza". La Nación (sa wikang Kastila). Nakuha noong 4 Hunyo 2022.
  10. Herrera Salazar, Kimberly (12 Marso 2021). "Representantes de Miss Universo están en Costa Rica: 'El país está listo para un certamen de esta dimensión'". La Nación (sa wikang Kastila). Nakuha noong 22 Setyembre 2022.
  11. Bracamonte, Earl D. C. (21 Hulyo 2021). "Miss Universe 2021 venue announced, Steve Harvey returns as host". Philippine Star. Nakuha noong 4 Hunyo 2022.
  12. "Miss Universe 2021 to be held in Israel, Steve Harvey to return as host". USA Today (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 2021. Nakuha noong 4 Hunyo 2022.
  13. "Miss Universe 2021 announces coronation date". CNN Philippines. 27 Oktubre 2021. Nakuha noong 4 Hunyo 2022.
  14. 14.0 14.1 "L'image du jour. Et la remplaçante de Fatima-Zahra Khayat au concours Miss Univers est... , H24info". h24info (sa wikang Pranses). 10 Nobyembre 2021. Nakuha noong 4 Hunyo 2022.
  15. 15.0 15.1 "¿Quién es Debbie Aflalo Vargas, la nueva representante dominicana al Miss Universo?". Diario Libre (sa wikang Kastila). 16 Nobyembre 2021. Nakuha noong 4 Hunyo 2022.
  16. "Ahora sí, Andreina Martínez representará a República Dominicana en Miss Universo 2022". Listín Diario (sa wikang Kastila). 27 Abril 2022. Nakuha noong 4 Hunyo 2022.
  17. 17.0 17.1 "La Caennaise Amandine Petit, Miss France 2021, concourra au titre de Miss Univers". France Bleu (sa wikang Pranses). 15 Marso 2021. Nakuha noong 4 Hunyo 2022.
  18. "Which Beauty Queens Are Skipping Miss Universe in Israel?". Al Bawaba (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  19. "Miss Morocco to compete in Miss Universe 2021 show for first time in 43 years". Arab News (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  20. "Barbados withdraws participation from Miss Universe 2021". News24 (sa wikang Ingles). 14 Setyembre 2021. Nakuha noong 8 Disyembre 2021.
  21. "Indonesia to skip the Miss Universe 2021 pageant". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2 Disyembre 2021. Nakuha noong 8 Disyembre 2021.
  22. "Malaysia won't send representative to 70th Miss Universe". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 17 Agosto 2021. Nakuha noong 8 Disyembre 2021.
  23. Bracamonte, Earl D. C. (10 Nobyembre 2021). "Miss Universe UAE canceled due to 'time constraint'". Philippine Star. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  24. 24.0 24.1 24.2 "The Winners Of Miss Universe 2021's Special Awards". Metro Style. 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 4 Hunyo 2021.
  25. Malasig, Jeline (9 Disyembre 2021). "How to vote for Miss Universe 2021 bets and meet finalists through e-commerce app". Interaksyon (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  26. Requintina, Robert (7 Disyembre 2021). "LOOK! The stage for 70th Miss Universe Competition in Israel". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  27. 27.0 27.1 27.2 27.3 27.4 27.5 27.6 27.7 27.8 "Titleholders Iris Mittenaere and Rina Mor among Miss Universe 2021 judges". Rappler (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  28. 28.0 28.1 28.2 28.3 28.4 28.5 28.6 28.7 28.8 Severo, Jan Milo (11 Disyembre 2021). "Marian Rivera sits alongside Adriana Lima as Miss Universe 2021 judge". Philippine Star. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  29. 29.0 29.1 29.2 Krause, Amanda; Konstantinides, Anneta; Grindell, Samantha (9 Disyembre 2021). "Meet the 80 women competing to be Miss Universe 2021". Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  30. "Ina Dajçi zgjedhet Miss Universe Albania 2021". Klan Kosova (sa wikang Albanes). 9 Hulyo 2021. Nakuha noong 3 Hunyo 2022.
  31. "Wirtschaft im Rhein-Kreis: Steinmetz trifft Miss Universe Germany". Rheinische Post (sa wikang Aleman). 6 Disyembre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  32. "Julieta García, la bahiense que aspira a ser Miss Universo: "Me estoy preparando muy fuerte para ganar"". La Nueva (sa wikang Kastila). 20 Oktubre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  33. "Election of Miss Armenia 2021". CCI France Arménie (sa wikang Ingles). 23 Setyembre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  34. "Thessaly Zimmerman, nueva Miss Universe Aruba". Noticia Impacto Aruba (sa wikang Kastila). 31 Hulyo 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  35. George, Owen (18 Oktubre 2021). "Daria Varlamova - Miss Universe Australia 2021". GCMAG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  36. Moss, Shavaughn (8 Oktubre 2021). "Chantel O'Brian is Miss Bahamas Universe". The Nassau Guardian. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  37. Tusing, David (30 Nobyembre 2021). "Meet the first Miss Universe Bahrain: Manar Nadeem Deyani". The National (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  38. Torfs, Michaël (1 Abril 2021). "Kedist Deltour (23) is Miss Belgium 2021!". Vlaamse Radio- en Televisieomroeporganisatie (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  39. Freitas, Alba (20 Hulyo 2021). "Materán, Miss Universo Venezuela 2021: Mi meta es inspirar a otros". El Nacional (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  40. "Á hậu Kim Duyên thi Miss Universe 2021: "Tôi học hỏi được nhiều kinh nghiệm từ Khánh Vân"". Voice of Vietnam (sa wikang Biyetnames). 9 Hulyo 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  41. Galvani, Giovanna (10 Nobyembre 2021). "Representante do Ceará, Teresa Santos é escolhida como nova Miss Brasil". CNN Brasil (sa wikang Portuges). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  42. "Елена Данова - Miss Universe Bulgaria 2021". iWoman (sa wikang Bulgarian). 19 Oktubre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  43. "Nahemi Uequin le devuelve el título a Santa Cruz". El Diario (sa wikang Kastila). 2 Setyembre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  44. "Shariëngela Cijntje Miss Universe Curaçao 2021". Extra.cw (sa wikang Papiamento). 26 Hulyo 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  45. "Hun er 'Miss Earth Denmark 2019' og 'Miss Universe Denmark 2021': Så smuk er hun". Forsiden (sa wikang Danes). 11 Disyembre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  46. Díaz, Valentín (11 Setyembre 2021). "Susy Sacoto es la nueva Miss Ecuador 2021". El Comercio (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  47. Palomino, Sally (5 Setyembre 2021). "Alejandra Gavidia: Miss El Salvador, activista asexual, proaborto y funcionaria de Bukele". El País (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  48. "Lakatošová posiela na Miss Universe túto kočku: SLOVENKA je NAJVYŠŠIA v histórii svetovej súťaže krásy!". Topky.sk (sa wikang Eslobako). 12 Nobyembre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  49. Trang, Quỳnh (2 Nobyembre 2021). "Sarah Loinaz on winning Miss Universe Spain 2021 and her dreams". Harper's Bazaar Việt Nam (sa wikang Biyetnames). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  50. Bjornson, Greta (30 Nobyembre 2021). "Miss Kentucky Elle Smith Wins Miss USA 2021 — as Fellow Pageant Contestant Makes History". People (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Hunyo 2022.
  51. "Meet di flight attendant wey dey represent Nigeria for dis year Miss Universe, plus oda contestants from Africa". BBC News Pidgin (sa wikang West African Pidgin English). 11 Disyembre 2021. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.{{cite news}}: CS1 maint: unrecognized language (link)
  52. Coulibaly, Justin (3 Nobyembre 2021). "Chelsea Martina Mituy sacrée Miss Guinée Equatoriale 2021". Afrik (sa wikang Pranses). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  53. Moore, Charlotte (20 Oktubre 2021). "'An absolute honour' –Ipswich woman crowned Miss Universe Great Britain". Ipswich Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  54. "Miss Universe 2021: Άλλαξε η εκπρόσωπός μας - Με τη Σοφία Αραπογιάννη η Ελλάδα". News247 (sa wikang Griyego). 13 Nobyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  55. Gamboa, Verónica (27 Oktubre 2021). "Ella es la nueva Miss Universo Guatemala". Soy502 (sa wikang Kastila). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  56. Jackson, Kevin (1 Nobyembre 2021). "Daena Soares is Miss Universe Jamaica". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  57. "Nhân viên văn phòng đăng quang Hoa hậu Hoàn vũ Nhật". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 23 Setyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  58. Nicolas, Eberline (25 Oktubre 2021). "La capoise Pascale Belony nommée Miss Haiti 2021". Loop News (sa wikang Pranses). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  59. "Rose Meléndez es electa Miss Honduras Universo 2021". Diario La Tribuna (sa wikang Kastila). 29 Agosto 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  60. Jose, Jinta (4 Oktubre 2021). ""For years I have dreamt of being where I am today," says Harnaaz Sandhu". The Times of India. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  61. Toner, John (14 Nobyembre 2021). "Hero NI nurse and model Kat Walker will represent Ireland at Miss Universe in Israel next month". Belfast Telegraph (sa wikang Ingles). ISSN 0307-1235. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  62. Manhardt, Yifat (21 Oktubre 2021). "מלכת היופי לשנת 2021: נועה כוכבא, בת 22, מבני עטרות". Ynet (sa wikang Ebreo). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  63. Beranzoli, Doriana (8 Oktubre 2021). "E' la 23enne Caterina Di Fuccia la Miss Universe Italia 2021. Il patron Marco Ciriaci: "Verdetto unanime per lei"". Castelli Notizie (sa wikang Italyano). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  64. "Thần thái cuốn hút của mỹ nhân cao 1m65 đăng quang Hoa hậu Hoàn vũ Campuchia 2021". Voice of Vietnam (sa wikang Biyetnames). 11 Nobyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  65. Coulibaly, Justin (9 Nobyembre 2021). "Michèle Ange Minkata est Miss Univers Cameroun 2021". Afrik (sa wikang Pranses). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  66. "Miss Universe 2021 contestant Tamara Jemuovic represents Canada". Montreal Times (sa wikang Ingles). 4 Oktubre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  67. "Xaria Penn crowned Miss Universe BVI". Virgin Islands News Online. 26 Setyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  68. Andrel, Harris (19 Setyembre 2021). "Kerford crowned Miss Cayman Islands Universe 2021". Cayman Compass (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  69. "Азиза Токашова получила титул "Мисс Алматы"". nur.kz (sa wikang Ruso). 20 Oktubre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  70. Wambugu, Peris (2 Nobyembre 2021). "Comeback queen: Roshanara Ebrahim crowned Miss Universe Kenya". The Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  71. "Valeria María Ayos, de Cartagena, es la nueva Miss Universe Colombia". El Pais (sa wikang Kastila). 18 Oktubre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  72. "Miss Universe, Tuti Sejdiu rrëfen se u përdhunua në moshën 13-vjeçare: Më kanë trafikuar në Kosovë e Serbi". Gazeta Express (sa wikang Albanes). 13 Hulyo 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  73. Matarrita, Fernanda (31 Agosto 2021). "Valeria Rees, la Miss Costa Rica 2021 superó la anorexia y hoy ayuda a los demás". La Nación (sa wikang Kastila). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  74. Garic, Davor (26 Hulyo 2021). "Nova Miss Universe je temperamentna Dubrovkinja Ora Antonija Ivanišević! Ona studira, ima niz talenata, a nama je otkrila i kakav je muškarac može zavesti". Dnevnik (sa wikang Kroato). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  75. Channaphar, Kitar (31 Oktubre 2021). "ຂໍສະແດງຄວາມຍິນດີດ້ວຍ ເຈນນີ້ ຕົ້ນຄໍາ ພົນຈັນເຮືອງ Miss Universe Laos ຄົນລ່າສຸດ". Lao Economic Daily (sa wikang Lao). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  76. Sigfúsdóttir, Sylvía Rut (29 Setyembre 2021). "Elísa Gróa er Miss Universe Iceland 2021". Vísir.is (sa wikang Islandes). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  77. "Miss Universe Malta leaves for Israel to compete for international title". Times of Malta (sa wikang Ingles). 27 Nobyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  78. "Anne Murielle Ravina représente Maurice à la 70e édition de Miss Univers". Wazaa FM (sa wikang Pranses). 24 Nobyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  79. Espinoza, Fernando (31 Mayo 2021). "La sinaloense Débora Hallal representará a México en Miss Universo 2021". Periódico Noroeste (sa wikang Kastila). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  80. Mouton, Rinelda (12 Hulyo 2021). "Namibian beauties to strut their stuff overseas". The Namibian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  81. "Sujita Basnet crowned Miss Universe Nepal 2021". The Himalayan Times. 31 Oktubre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  82. Okanlawon, Taiwo (19 Setyembre 2021). "Oluchi Madubuike wins Most Beautiful Girl in Nigeria 2021". P.M. News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  83. "Lo que no sabías de Allison Wassmer, Miss Nicaragua 2021". La Prensa (sa wikang Kastila). 19 Agosto 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  84. Andreassen, Gunnar (15 Agosto 2021). "Nora Emilie Nakken vant Miss Norway 2021". Bodøposten.no (sa wikang Noruwegong Bokmål). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  85. "Studente Julia Sinning (24) uitgeroepen tot Miss Nederland 2021". RTL Nieuws (sa wikang Olandes). 30 Agosto 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  86. "Brenda Smith es coronada como Señorita Panamá 2021". Telemetro (sa wikang Kastila). 7 Nobyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  87. "Este martes se revelará a la Miss Universo Paraguay 2021". La Nacion (sa wikang Kastila). 31 Agosto 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  88. "Miss Perú 2021: ¿Quién es Yely Rivera, la sucesora de Janick Maceta? Miss Universo Fotos Farándula nndc | TVMAS". El Comercio Perú (sa wikang Kastila). 12 Oktubre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  89. Lago, Amanda (30 Setyembre 2021). "Who is Beatrice Luigi Gomez, Miss Universe Philippines 2021?". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  90. "Miss Suomeksi kruunattiin vaasalaislähtöinen yrittäjä Essi Unkuri". Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 18 Setyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  91. "Agata Wdowiak Miss Polski 2021. Jaka jest? Poznaj ją bliżej!". Polsat (sa wikang Polako). 21 Agosto 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  92. Escribano, Rosa (1 Oktubre 2021). "Michelle Colón confía en que puede conquistar la sexta corona de Miss Universe para Puerto Rico". El Nuevo Día (sa wikang Kastila). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  93. "Oricia Domínguez, la venezolana que representará a Portugal en el Miss Universo". El Nacional (sa wikang Kastila). 13 Setyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  94. "Dýchejte zhluboka! Tahle kráska bude Česko reprezentovat na nejprestižnější soutěži krásy světa Miss Universe". Super.cz (sa wikang Tseko). 16 Oktubre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  95. Pîrvu, Cristina (30 Agosto 2021). "Cine este Carmina Olimpia Cotfas, Miss Universe România 2021. Are 21 de ani și e studentă". Libertatea (sa wikang Rumano). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  96. "Ралина Арабова представит Россию на конкурсе "Мисс Вселенная – 2021"". RIA Novosti (sa wikang Ruso). 29 Nobyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  97. Lee, Wendi (19 Oktubre 2021). "Get to Know Miss Universe Singapore 2021 Winner Nandita Banna". Tatler Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  98. Gabinete, Jojo (26 Oktubre 2021). "Kilalanin ang kinoronahang Miss Universe Thailand 2021 na si Anchilee Scott-Kemmis..." PEP.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  99. Morkel, Graye (16 Oktubre 2021). "Lalela Mswane crowned Miss South Africa 2021". News24 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  100. "Miss Universo Chile: Antonia Figueroa, Miss Coquimbo, es la sucesora de Daniela Nicolás". Terra (sa wikang Kastila). 11 Setyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  101. Linh, Hong (11 Nobyembre 2021). "Hoa hậu Hoàn vũ Trung Quốc mới đăng quang đã gây chú ý lớn, cao 1m78 từ tuổi 13". Dân Việt (sa wikang Biyetnames). Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  102. "Miss Turkey 2021 birincisi belli oldu (Dilara Korkmaz, Cemrenaz Turhan, Şira Sahilli ilk üçte)". NTV (sa wikang Turko). 9 Setyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  103. "Miss Ukraine lashes out at critics angry at her for speaking Russian, beauty queen explains that she hasn't learned Ukrainian". RT International (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  104. "Kiderült, ő a legszebb magyar lány, a Miss Universe Hungary nyertese". Bors. 6 Nobyembre 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.

Panlabas na link[i-edit | i-edit ang source]