Pumunta sa nilalaman

Miss World 1958

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1958
Penelope Coelen
Petsa13 Oktubre 1958
PresentersEric Morley
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
Lumahok20
Placements6
Bagong saliBrasil
Hindi sumali
  • Australya
  • Austriya
  • Ehipto
  • Gana
  • Lupangyelo
  • Luksemburgo
  • Pinlandiya
  • Tunisya
Bumalik
  • Noruwega
  • Turkiya
NanaloPenelope Coelen
South Africa Timog Aprika
← 1957
1959 →

Ang Miss World 1958 ay ang ikawalong edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido noong 13 Oktubre 1958.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Marita Lindahl ng Pinlandiya si Penelope Coelen ng Timog Aprika bilang Miss World 1958.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Timog Aprika sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Claudine Auger ng Pransiya, habang nagtapos bilang second runner-up si Vinnie Ingemann ng Dinamarka.[3][4]

Mga kandidata mula sa dalawampung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1958

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa dalawampung mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process.

Nakatakdang lumahok sa edisyong ito si Miss Belgium 1958 Michele Gouthals upang kumatawan sa kaniyang bansa.[5] Gayunpaman, hindi ito nakasali sa kompetisyon dahil pinili muli ng Miss Belgium si Miss Belgium 1957 Jeanne Chandelle upang kumatawan sa Belhika dahil nagkaroon ito ng Asian Flu sa kasagsagan ng Miss World 1957 at nagpakita na lamang ito sa araw ng koronasyon.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Brasil, at bumalik ang mga bansang Noruwega na huling sumali noong 1953 at Turkiya na huling sumali noong 1956.

Hindi sumali ang mga bansang Australya, Austrya, Ehipto, Gana, Lupangyelo, Luksemburgo, Pinlandiya, at Tunisya sa edisyong ito. Dapat sanang sasali si Hanni Ehrenstrasser ng Austrya, subalit hindi na ito maaaring sumali dahil nanalo na ito bilang Miss Europe 1958.[6] Papalitan sana siya ni Elisabeth Schübel-Auer, ngunit hindi na ito nakasali dahil kakulangan sa preparasyon. Hindi nakasali sina Leila Saas ng Ehipto at Janet Ohene-Agyei Boateng ng Gana dahil sa kakulangan sa badyet. Hindi nakasali sina Hjördís Sigurvinsdóttir ng Lupangyelo, Lydie Schmit ng Luksemburgo, Pirkko Mannola ng Pinlandiya, at Denise Orlando ng Tunisya dahil sa hindi isiniwalay na dahilan.[7]

Dapat sanang sasali si Krystina Zylówna ng Polonya, subalit hindi ito pinayagan ng kaniyang pamahalaan.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1958 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1958
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
5th runner-up

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semi-finalist sa edisyong ito ay ibaba sa anim mula sa pito noong nakaraang edisyon. Ang anim na semifinalist ay napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competiton.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Charles Jacobs – Litratistang Amerikano
  • Oscar Santa María – Politikong Brasilenyo
  • Cynthia Oberholzer – Modelong Timog-Aprikana
  • David Cowan Dobson – Pintor na taga-Eskosya
  • Barbara Goalen – Modelong Inglesa
  • Charles Eade – editor at miyembro ng Council of the British Commonwealth Press Union
  • Taina Elisabeth Elg – Amerikanong aktres
  • Stirling Moss – Formula One racing driver na Ingles[8]
  • Princess Shakuntala Sharma – Taga-disenyong Pakistani
  • Claude Berr – miyembro ng komite ng Miss Europe

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dalawampung kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Dagmar Herner 20 Baviera
Belhika Belhika Jeanne Chandelle 19
Venezuela Beneswela Ida Margarita Pieri[10] 18 Carúpano
Brazil Brasil Sônia Maria Campos[10] 20 Recife
Denmark Dinamarka Vinnie Ingemann[11] 18 Copenhague
Estados Unidos Estados Unidos Nancy Anne Corcoran[12] 23 Washington, D.C.
Greece Gresya Mary Panoutospoulou[13] 19 Atenas
Hapon Hapon Hisako Okuse[14] 23 Saitama
Irlanda (bansa) Irlanda Susan Riddell 17 Londonderry
Israel Israel Rachel Shafrir[15] 19 Tel-Abib
Italya Italya Elisabetta Velinsky 18 Roma
Canada Kanada Marilyn Keddie[16] 21 Flin Flon
Morocco Moroko Jocelyne Lambin[17] 21 Rabat
Norway Noruwega Åse Qjeldvik 19 Oslo
Netherlands Olanda Lucienne Struve[18] 19 Rotterdam
Pransiya Pransiya Claudine Auger[19] 17 Paris
United Kingdom Reyno Unido[b] Eileen Sheridan[20] 22 Walton-on-Thames
Suwesya Suwesya Harriet Margareta Wågström 20 Estokolmo
South Africa Timog Aprika Penelope Coelen[21] 18 Durban
Turkey Turkiya Sunay Uslu 18 Istanbul
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon
  2. Binago ang sash ng Great Britain sa United Kingdom dahil sa pagpalit ng organisasyong pumipili ng kinatawan ng Reyno Unido sa Miss World.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Honey Blonde South African Wins '58 'Miss World' Title". The News Journal (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 1958. p. 25. Nakuha noong 31 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Zuidafrikaanse Miss World" [South African Miss World]. Algemeen Dagblad (sa wikang Olandes). 14 Oktubre 1958. p. 4. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Penelope werd Miss World" [Penelope became Miss World]. Algemeen Handelsblad (sa wikang Olandes). 14 Oktubre 1958. p. 4. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Zuidafrikaanse werd nieuwe Miss World" [South African became new Miss World]. Het Rotterdamsch parool (sa wikang Olandes). 14 Oktubre 1958. p. 4. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Miss Austria wird seit 90 Jahren gewählt". Wien (sa wikang Aleman). 27 Enero 2019. Nakuha noong 22 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Rytsä, Paavo (5 Pebrero 2008). "Pirkko Mannolasta Miss Suomi". Yle (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 22 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 "Miss World 1958 Penelope Coelen uit Zuid-Afrika heeft honingblond haar" [Miss World 1958 Penelope Coelen from South Africa has honey blonde hair]. Het Parool (sa wikang Olandes). 14 Oktubre 1958. p. 3. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Op deze foto ziet u tezamen gebracht de vijf" [In this picture you can see the five put together]. Twentsch dagblad Tubantia (sa wikang Olandes). 15 Oktubre 1958. p. 11. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 "Ann Coelen, de Sur Africa elegida como "Miss Mundo" 1958" [Ann Coelen, from South Africa chosen as "Miss World" 1958]. El Tiempo (sa wikang Kastila). 14 Oktubre 1958. pp. 1, 11. Nakuha noong 4 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "African girl is Miss World". The Spokesman-Review (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 1958. p. 16. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Cooper, Hal (7 Oktubre 1958). "'Miss World' could be a Mrs. from N.Y." The Atlanta Constitution (sa wikang Ingles). p. 6. Nakuha noong 31 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "From Greece". Evening Times (sa wikang Ingles). 7 Oktubre 1958. p. 7. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Miss Japan arrives". The Straits Times (sa wikang Ingles). 7 Oktubre 1958. p. 2. Nakuha noong 22 Pebrero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Israeli Beauty For World Contest". Australian Jewish Times (sa wikang Ingles). 10 Oktubre 1958. p. 1. Nakuha noong 22 Pebrero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Marilyn Burkhardt". Vernon Morning Star (sa wikang Ingles). 24 Disyembre 2014. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 17 Oktubre 2021. Nakuha noong 22 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Babas, Latifa (11 Pebrero 2019). "Histoire : Quand le Maroc était représenté dans les concours internationaux de beauté". Yabiladi (sa wikang Pranses). Nakuha noong 30 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Miss Holland 1958". Dutch Australian Weekly (sa wikang Ingles). 23 Mayo 1958. p. 2. Nakuha noong 22 Pebrero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Welk, Brian (21 Disyembre 2019). "Claudine Auger, French Actress and Bond Girl in 'Thunderball,' Dies at 78". Yahoo! Entertainment (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Miss United Kingdom". Lancaster New Era (sa wikang Ingles). 1 Setyembre 1958. p. 2. Nakuha noong 31 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Coetzee, Nikita (16 Setyembre 2020). "A look back at SA's first Miss World". Channel 24 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]