Miss World 1969

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1969
Eva Rueber-Staier
Petsa27 Nobyembre 1969
Presenters
  • Michael Aspel
  • Pete Murray
Entertainment
  • Frank Ifield
  • Lionel Blair
PinagdausanRoyal Albert Hall, Londres, Reyno Unido
BrodkasterBBC
Lumahok50
Placements15
Bagong saliSeykelas
Hindi sumali
  • Ceylon
  • Gana
  • Italya
  • Kenya
  • Moroko
  • Peru
  • Taylandiya
  • Uganda
Bumalik
  • Czechoslovakia
  • Gambya
  • Lupangyelo
  • Libano
  • Paragway
NanaloEva Rueber-Staier
Austria Austrya
← 1968
1970 →

Ang Miss World 1969 ay ang ika-19 na edisyon ng Miss World pageant na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 27 Nobyembre 1969.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Penelope Plummer ng Australya si Eva Rueber-Staier ng Austrya bilang Miss World 1969.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Austrya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Gail Renshaw ng Estados Unidos, habang nagtapos bilang second runner-up si Christa Margraf ng Alemanya.[2][3]

Mga kandidata mula sa limampung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at Pete Murray ang kompetisyon.[4] Nagtanghal sina Frank Ifield at Lionel Blair sa edisyong ito.[5]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Royal Albert Hall, ang lokasyon ng Miss World 1969

Lokasyon at petsa[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bunsod ng pagdating ng colored television sa Londres, napag-isipan ng pangulo ng Miss World Organization na si Eric Morley na idaos ang kompetisyon sa Royal Albert Hall mula sa Lyceum Ballroom upang maging mas malaki ang kompetisyon at upang mapaunlakan na rin ang paggamit ng colored television.[6] Nausog rin ang petsa ng kompetisyong sa 27 Nobyembre 1969.

Noong 20 Nobyembre 1969, dalawang grupo ng British Young Liberals ang nagsimulang magprotesta laban sa paglahok ni Miss South Africa Linda Collett, dahil ayon sa mga ito, pinili si Collett ayon sa kulay ng kanyang balat. Itinanggi naman ito ng Mecca Ltd., at sinabing wala silang intensyon na tanggalin si Collett sa pagiging kandidata para sa Miss World.[7][8]

Pagpili ng mga kalahok[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa limampung mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang na na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at isang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Mga pagpalit[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos lumahok sa Miss Universe, bumitiw si Miss Venezuela 1969 María José Yellici sa kanyang titulo upang magpakasal sa kanyang kasintahan na si Guillermo Zuloaga, na siyang naging pangulo ng Globovision dalawang taon ang makalipas.[9][10] Dahil dito, ibinigay ang titulo sa first runner-up na si Marzia Piazza. Gayunpaman, hindi natuloy ang kasal ni Yellici.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang sumali sa edisyong ito ang bansang Seykelas. Bumalik sa edisyong ito ang bansang Paragway na huling sumali noong 1959, at Czechoslovakia, Gambya, Libano, at Lupangyelo na huling sumali noong 1967.

Hindi sumali ang mga bansang Ceylon, Gana, Italya, Kenya, Moroko, Peru, Taylandiya, at Uganda sa edisyong ito.[11] Hindi sumali sina Methsili Silva ng Ceylon, Victoria Folson ng Gana, Phanarat Phisutthisak ng Taylandiya, at Charlotte Ssali ng Uganda dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[12] Imbis na dalhin sa Miss World, napag-isipan ng mga isponsor ni Rahima Hachti ng Moroko na ipadala na lamang siya sa Miss Maja International sa Espanya. Hindi ipinadala ng Miss Italia Organization si Anna Zamboni ng Italya dahil nasasayangan diumano ang mga ito sa pera na ginagastos nila para dalhin ang kanilang kandidata sa Reyno Unido na siyang gagamitin lang para isapubliko ito.[13][14] Hindi sumali ang mga bansang Kenya at Peru matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat sanang lalahok sa edisyong ito si Miss Switzerland 1969 Liselotte Pouli,[15] ngunit dahil sa mga lumabas na litrato ng kanyang hinalinhan na nakahubad, napagdesisyunan ng mga organizer ng kanilang kompetisyong pambansa na huwag ipadala sa Londres si Pouli.

Mga resulta[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1969 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1969
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 15

Kompetisyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pormat ng kompetisyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.[4]

Komite sa pagpili[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • Francis Chichester – Ingles na manlilipad at piloto[16]
  • Henry Cooper – Ingles na boksingero[16]
  • Lady Sarah Courage – Modelo at asawa ng Ingles na car racer na si Piers Courage[4]
  • Michael Crawford – Ingles na aktor at komedyante[16]
  • Peter Dimmock – Isang executive mula sa BBC[5]
  • Ambrose Patrick Genda – High Commissioner ng Sierra Leone sa Reyno Unido[4]
  • Abdul Jamil Abdul Rais – High Commissioner ng Malaysia sa Reyno Unido[16]
  • Omar Sharif – Ehiptong aktor[16]
  • Susannah York – Ingles na aktres[16]

Mga kandidata[baguhin | baguhin ang wikitext]

Limampung kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Christa Margraf[17] 22 Eibach
Arhentina Arhentina Graciela Marino 21 Buenos Aires
Australya Stefane Meurer[18] 20 Newport
Austria Austrya Eva Rueber-Staier[19] 20 Graz
New Zealand Bagong Silandiya Carole Robinson[20] 22 Auckland
Bahamas Ida Pearce[21] 16 Nassau
Belhika Belhika Maud Alin[22] 18 Charleroi
Venezuela Beneswela Marzia Piazza[23] 18 Vargas
Brazil Brasil Ana Cristina Rodrigues[24] 18 Rio Grande do Sul
 Czechoslovakia Marcela Bitnarova[25] 19 Náchod
Denmark Dinamarka Jeanne Perfeldt 21 Copenhague
Ecuador Ekwador Ximena Aulestia[26] 17 Quito
Estados Unidos Estados Unidos Gail Renshaw[27] 22 Falls Church
The Gambia Gambya Marie Carayol[28] 24 Banjul
Gresya Heleni Alexopoulou[29] 18 Atenas
 Guyana Pamela Lord[30] 24 Georgetown
Jamaica Hamayka Marlyn Elizabeth Taylor[31] 21 Kingston
Hapon Hapon Emiko Karashima 20 Kitakyushu
Hibraltar Marilou Chiappe[32] 21 Hibraltar
India Indiya Adina Shellim[33] 21 Maharashtra
Irlanda (bansa) Irlanda Hilary Clarke 19 Dublin
Israel Israel Tehila Selah[34] 21 Ramat HaSharon
Canada Kanada Jacquie Perrin[35] 21 Toronto
Colombia Kolombya Lina María García[36] 18 Santander
Costa Rica Kosta Rika Damaris Ureña[37] 17 Guanacaste
Lebanon Libano Roula Majzoub 17 Beirut
Liberia Liberya Antoinette Coleman[38] 19 Clay-Ashland
Iceland Lupangyelo Ragnheiður Pétursdóttir[39] 17 Reikiavik
Luxembourg Luksemburgo Jacqueline Schaeffer 18 Esch-sur-Alzette
 Malta Mary Brincat[40] 17 Gżira
Mexico Mehiko Gloria Leticia Hernández Guanajuato
Niherya Niherya Morenike Faribido[41] 23 Lagos
Nicaragua Nikaragwa Carlota Marina Brenes López[42] 19 Matagalpa
Norway Noruwega Kjersti Jortun[43] 19 Oslo
Netherlands Olanda Nente van der Vliet[44] 23 Ang Haya
Paraguay Paragway Blanca Zaldívar[45] Asuncion
Pilipinas Feliza Teresa Miro[46] 17 Maynila
Finland Pinlandiya Päivi Raita[47] 19 Helsinki
Pransiya Suzanne Angly[48] 18 Mulhouse
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Sandra Cabrera[49] 18 Peravia
United Kingdom Reyno Unido Sheena Drummond[50] 18 Edinburgh
Seykelas Sylvia Labonté 18 Victoria
Suwesya Suwesya Ing-Marie Ahlin[51] 20 Estokolmo
Timog Aprika Linda Collett[52] 18 Durban
Timog Korea Timog Korea Kim Seung-hee 19 Seoul
Chile Tsile Ana María Nazar 22 Santiago
Cyprus Tsipre Flora Diaouri 19 Nicosia
Tunisia Tunisya Zohra Tabania[53] 17 Tunis
Turkey Turkiya Sermin Aysin[54] 17 Istanbul
Yugoslavia Radmila Živković 20 Belgrado

 Mga tala[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Austrian crowned Miss World; Virginia Girl finishes second". Sarasota Herald-Tribune (sa Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ng Google Books.
  2. "Austrian beauty wins Miss World crown". The Lawton Constitution (sa Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 5. Nakuha noong 3 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ng Newspapers.com.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 "Austrian crowned Miss World". The Morning Record (sa Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 1. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Donaldson, Anne (28 Nobyembre 1969). "Miss Austria wins world title". The Glasgow Herald (sa Ingles). p. 1. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google Books.
  5. 5.0 5.1 "Tonight's highlight". Evening Times (sa Ingles). 27 Nobyembre 1969. p. 5. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  6. "Miss World in colour at last". Cambridge Evening News (sa Ingles). 26 Nobyembre 1969. p. 4. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Newspapers.com.
  7. "Double threat to Miss World contest". Evening Times (sa Ingles). 19 Nobyembre 1969. p. 7. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  8. "Mounted police". The Glasgow Herald (sa Ingles). 19 Nobyembre 1969. p. 7. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  9. Garcés, Ever (16 Nobyembre 2022). "Miss Venezuela: Ni tan niñas, ni tan venezolanas…". Diario de Los Andes (sa Kastila). Nakuha noong 19 Disyembre 2022.
  10. "Miss Venezuela 1969, María José Yellici". Ultimas Noticias (sa Kastila). 1 Agosto 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 16 Abril 2016. Nakuha noong 19 Marso 2024.
  11. "Miss Italië blijft thuis" [Miss Italy stays at home]. Het Parool (sa Olandes). 26 Nobyembre 1969. p. 9. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Delpher.
  12. Muhindo, Clare (11 Nobyembre 2016). "Former Miss Uganda passes on". Sqoop (sa Ingles). Nakuha noong 18 Marso 2024.
  13. "Row over Miss Italy contest". The Straits Times (sa Ingles). 2 Setyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng National Library Board.
  14. "World News". The Canberra Times (sa Ingles). 27 Nobyembre 1969. p. 7. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Trove.
  15. Meier, Simone (12 Abril 2014). "Sie ahnen ja nicht, wie viel «Mad Men»-Flair die Schweiz einst verströmte" [You have no idea how much “Mad Men” flair Switzerland once exuded]. Watson (sa Aleman). Nakuha noong 19 Marso 2024.
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 16.4 16.5 Koh, Adele (30 Nobyembre 1969). "Envoy Jamil Rais was one of Miss World judges". The Straits Times. p. 5. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng National Library Board.
  17. "Winner wants ring, not crown". The Montreal Gazette (sa Ingles). 29 Nobyembre 1969. p. 37. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  18. "Untitled". The Canberra Times (sa Ingles). 1 Nobyembre 1969. p. 15. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Trove.
  19. "Ehemalige "Miss World" Eva Rueber-Staier führt heute ein ruhiges Leben". Oberösterreichische Nachrichten (sa Aleman). 2 Disyembre 2019. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  20. Paulin, Alastair (10 Agosto 2012). "Brains and beauty a Trump card". Stuff (sa Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  21. "'s Werelds mooiste wordt vandaag weer ontdekt Wonderen lopen in Londen op straat" [The world's most beautiful thing is discovered again today Wonders walk the streets of London]. De Volkskrant (sa Olandes). 26 Nobyembre 1969. p. 9. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Delpher.
  22. "Une Miss Belgique pour Charleroi" [A Miss Belgium for Charleroi]. La Dernière Heure (sa Pranses). 11 Disyembre 2003. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
  23. "Pair of dazzlers". Youngstown Vindicator (sa Ingles). 19 Nobyembre 1969. p. 2. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  24. "Catarinense e a nova "Miss Brasil"". Jornal do Brasil (sa Ingles). 30 Hunyo 1969. pp. 1, 31. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  25. "Tsjechische miss". De nieuwe Limburger. 21 Nobyembre 1969. p. 11. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Delpher.
  26. San Miguel, Santiago (30 Mayo 2022). "Ximena Aulestia: 'A las arrugas no les temo porque existe el bótox'" [Ximena Aulestia: "I'm not afraid of wrinkles because Botox exists"]. Expreso (sa Kastila). Nakuha noong 19 Marso 2024.
  27. "Women protest beauty contest". The Free Lance-Star. 22 Setyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  28. Secka, Alhaji AM Seringe (8 Hunyo 2011). "History of Metta Club organised beauty contests, Bathurst (1965-1969)". The Point (sa Ingles). Nakuha noong 19 Marso 2024.
  29. "UITGELEZEN voor u gelezen in andere bladen". Nieuwsblad van het Noorden. 15 Nobyembre 1969. p. 6. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Delpher.
  30. "Austrian beauty named world's most gorgeous". The Victoria Advocate (sa Ingles). 28 Nobyembre 1969. pp. 1, 13A. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  31. "Hundreds turn out for Miss Jamaica crowning". The Gleaner (sa Ingles). 4 Agosto 2023 [3 Agosto 1969]. Nakuha noong 19 Marso 2024.
  32. "Green-eyed beauty". Evening Times (sa Ingles). 18 Nobyembre 1969. p. 2. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ng Google Books.
  33. "A beauty from India". The Australian Jewish News (sa Ingles). 12 Disyembre 1969. p. 30. Nakuha noong 19 Marso 2024.
  34. "A reluctant Miss Israel". The Australian Jewish News (sa Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 1. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Trove.
  35. Lambrinos, Tim (Marso 2019). "Yesterday & Today: Up, Up and Away". Emery Village Voice (sa Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  36. "Del Valle la nueva soberana". El Tiempo (sa Kastila). 12 Nobyembre 1968. pp. 1, 14–16. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  37. "Candidatas al concurso Unimundo 1969 y Miss International". La Nacion (sa Kastila). 27 Mayo 1969. p. 28. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  38. "Afrikaanse dans" [African dance]. De nieuwe Limburger (sa Olandes). 26 Nobyembre 1969. p. 11. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Delpher.
  39. "Ragnheiður í London" [Ragnheiður in London]. Morgunblaðið (sa Islandes). 22 Nobyembre 1969. p. 7. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Timarit.is.
  40. "Miss Malta". Evening Times (sa Ingles). 17 Abril 1970. p. 2. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ng Google Books.
  41. "Serious Reflection on a Departed Beauty Queen". This Day (sa Ingles). 25 Disyembre 2020. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
  42. "Hoy eligen Miss Mundo". El Tiempo (sa Kastila). 27 Nobyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  43. "The top four in Miss World stakes". Evening Standard (sa Ingles). 27 Nobyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Newspapers.com.
  44. "Lost skirt–but beauty kept poise". The Sydney Morning Herald (sa Ingles). 23 Nobyembre 1969. p. 23. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  45. "Elección de misses, falta el glamour, sobran corrupción e incultura: "Es una realidad"" [Election of misses, glamor is missing, corruption and lack of culture are abundant: “It is a reality”]. Diario HOY (sa Kastila). 23 Agosto 2016. Nakuha noong 19 Marso 2024.
  46. "Let-down for Manila beauty". The Straits Times (sa Ingles). 8 Setyembre 1969. p. 1. Nakuha noong 17 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ng National Library Board.
  47. "Turkulaismerkonomi Suomen kauneimmaksi" [The Turku community is considered the most beautiful in Finland]. Helsingin Sanomat (sa Pinlandes). 26 Pebrero 2019 [26 Pebrero 1969]. Nakuha noong 18 Marso 2024.
  48. "Miss France". Miss France (sa Ingles). 3 Enero 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  49. "Five worlds". The Observer (sa Ingles). 23 Nobyembre 1969. p. 1. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Newspapers.com.
  50. "Wendy so close to Miss U.K. win". Derby Evening Telegraph (sa Ingles). 18 Agosto 1969. p. 2. Nakuha noong 3 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ng Newspapers.com.
  51. "Peek-a-boo beauty". The Bulletin (sa Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  52. "Seeks to oust white girl as Miss South Africa". Youngstown Vindicator (sa Ingles). 21 Nobyembre 1969. p. 33. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  53. Lotfi, Ben Khelifa (14 Pebrero 2019). "Voyage avec les nymphes tunisiennes". Le Temps. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ng PressReader.
  54. "Miss Turkey listesi, geçmişten günümüze Miss Turkey birincileri" [All past Miss Turkey winners]. Habertürk (sa Turko). 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 12 Marso 2024.

Panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]