Miss World 1977
Miss World 1977 | |
---|---|
![]() Mary Stävin | |
Petsa | 17 Nobyembre 1977 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | BBC |
Lumahok | 62 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Mary Stävin![]() |
Personality | María Elizabeth Giardina![]() |
Photogenic | Dagmar Winkler![]() |
Ang Miss World 1977 ay ang ika-27 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 17 Nobyembre 1977.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Cindy Breakspeare ng Hamayka si Mary Stävin mula sa Suwesya bilang Miss World 1977.[1][2] Ito ang ikatlong tagumpay ng Suwesya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Ineke Berends ng Olanda, habang nagtapos bilang second runner-up si Dagmar Winkler ng Alemanya.[3][4]
Mga kandidata mula sa animnapu't-dalawang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Ray Moore at Andy Williams ang kompetisyon. Nagtanghal din si Williams sa edisyong ito.[5][6]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagpili ng mga kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kandidata mula sa animnapu't-dalawang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at dalawang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dapat sanang lalahok sa edisyong ito ang first runner-up ng Miss Venezuela 1977 na si Vilma Góliz.[7] Gayunpaman, hindi nagustuhan ni Góliz ang mga resulta at binato nito ang sash na biningay sa kanya ni Cindy Breakspeare sa dating pangulo ng Venezuelan Committee of Beauty na si Ignacio Font na nagresulta sa kanyang diskwalipikasyon. Pumalit sa kanya si Jacqueline van den Branden bilang kinatawan ng Beneswela sa Miss World.[7] Dapat sanang lalahok si Janice Galea ng Malta sa edisyong ito, ngunit matapos matuklasan na siya ay labinlimang taong-gulang pa lamang, siya ay diniskwalipika at pinalitan ni Pauline Farrugia.[8][9]
Hindi rin pasok sa age requirement sina Annette Simonsen ng Dinamarka at Ineke Berends ng Olanda. Si Simonsen ay labing-anim, samantlang si Berends ay dalawampu't-lima, parehas na isang taong kulang o lagpas sa age requirement ng Miss World na labimpito hanggang dalawampu't-apat. Bagama't hindi pasok sa age requirement ang dalawa, pinayagan pa rin ni Julia Morley na lumahok ang dalawa sa kompetisyon.[10]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansa't-teritoryong Kapuluang Kayman, Papua Bagong Guinea, Pulo ng Man, at Samoa. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Panama na huling sumali noong 1971, at Buliya, Nikaragwa, at Sri Lanka na huling sumali noong 1975.
Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Hamayka, Italya, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, at Singapura,[11] at isang kandidata na lamang ang pinadala ng Timog Aprika.[12][13] Hindi sumali si Anna Maria Kanakis ng Italya dahil tulad ni Janice Galea ng Malta, siya ay labinlimang taong-gulang lamang din. Walang ipinadala ang kanyang organisasyong pambansa upang pumalit sa kanya.[14] Hindi sumali ang Kapuluang Birhen ng Estados Unidos matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok. Dahil ang kompetisyon ng Miss World South Africa ay naging multiracial na, iisang kandidata na lamang ang pinadala ng Timog Aprika sa edisyong ito.[15][16] Gayunpaman, bumitiw pa rin sina Veronica Lourdes ng Singapura at Sandra Kong ng Hamayka bilang protesta laban sa paglahok ng kandidata mula sa Timog Aprika na siyang pinangunahan ng South African Non-Racial Olympic Committee o SANROC.[17][18] Kasama rin sa pag-boykot sa Miss World sina Veena Prakash ng Indiya, Siti Mirza Nuria Arifin ng Indonesya, Welma Campbell ng Liberya, Christine Mary Lim ng Malaysia,[19] Ingrid Desmarais ng Mawrisyo, Anna Melissa Veneracion ng Pilipinas,[20] Zanella Tutu Tshabalala ng Suwasilandiya na siyang kasama rin sa boykot noong nakaraang taon,[21] at Svetlana Višnjić ng Yugoslavia.
Dapat din sanang lalahok sa edisyong ito si Toyin Monney ng Niherya. Gayunpaman, nang matuklasan na siya ay isang ina at ibinunyag niya ang kanyang totoong edad na tatlumpu't-dalawa, siya ay nadiskwalipika.[22] Hindi rin sumali sina Margaret Rouse ng Barbados, Kay Roussel ng Guernsey, at Dawn Theobalds ng Santa Lucia dahil sa kakulangan sa pondo papuntang Londres.
Mga kontrobersiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagbitiw ng ilan sa mga kandidata bilang protesta sa paglahok ng Timog Aprika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ikalawang taon ay nagkaroon ng pag-boykot ang ilan sa mga kandidata ng Miss World sa pag-udyok ng kanilang pamahalaan na siyang pinangunahan muli ng South African Non-Racial Olympic Committee o SANROC.[23] Bukod pa rito, noong 4 Nobyembre tinawag ng United Nations Special Commission against Apartheid ang lahat ng mga bansang lalahok sa Miss World na i-boykot ang kompetisyon dahil sa paglahok ng kandidata mula sa Timog Aprika.[24][25]Noong 15 Nobyembre, sa araw ng kanilang dress rehearsals, inatasan ng kalihim Ministry of Foreign Affairs ng Pilipinas na si José D. Ingles ang embahada ng Pilipinas sa Londres na pagbitiwin si Anna Melissa Veneracion ng Pilipinas.[26][27] Hindi klaro ang rason kung bakit pinagbitiw si Veneracion, ngunit iniulat na may kaugnayan ito sa partisipasyon ng Timog Aprika sa Miss World.[28][29] Ang diskwalipikasyon ni Veneracion ang siyang nagpasimula sa isang urban legend na dahil sa pagkagalit ni Veneracion nang siya ay pinagbitiw sa kompetisyon, siya raw diumano ay gumawa ng sumpa na kailanman ay hindi mananalo ang Pilipinas sa Miss World.[30] Pinabulaanan naman ni Veneracion ang haka-hakang ito.[30] Kinabukasan noong 16 Nobyembre, isang araw bago ang kompetisyon, bumitiw rin sa kompetisyon sina Veena Prakash ng Indiya at Siti Mirza Nuria Arifin ng Indonesya.[31] Binigyan din ng sulat ng pamahalaan ng Suwasilandiya si Zanella Tutu Tshabalala, ngunit binalewala niya ito.[32]
Noong 17 Nobyembre, sa araw ng kompetisyon, bumitiw sina Christine Mary Lim ng Malaysia at Veronica Lourdes ng Singapura. Ayon sa national director na si Seow Peck Leng, nag-aalangan siya na baka hindi matuloy ang mga negosasyon na gawin sa Singapura ang Miss World para sa taong 1978 bunsod ng pagbitiw ni Lourdes sa utos ng kanilang pamahalaan. Ilang oras bago magsimula ang preliminary competition, limang kandidata pa ang bumitiw sa kompetisyon dahil sa pag-boykot na pinanungahan ng SANROC; ito ay sina Sandra Kong ng Hamayka, Welma Campbell ng Liberya, Ingrid Desmarais ng Mawrisyo, Zanella Tutu Tshabalala ng Suwasilandiya, at Svetlana Višnjić ng Yugoslavia.[33] Nag-aatubili pa rin si Tshabalala na sundin ang utos ng kanyang pamahalaan na bumitiw sa kompetisyon,[34] ngunit kinumbinsi siya ni Julia Morley na bumitiw na isang oras bago ang kompetisyon dahil natuklasan niyang may banta ng karahasan laban kay Tshabalala kung hindi siya bumitiw. Nagpatuloy pa rin ang kompetisyon na may animnapu't-dalawang kandidata.
Mga resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagkakalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1977 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up |
|
Top 7 |
|
Top 15 |
Mga espesyal na parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Parangal | Kandidata |
---|---|
Miss Photogenic |
|
Miss Personality |
|
Kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pormat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
Komite sa pagpili
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Joan Collins – Ingles na aktres
- Micky Dolenz – Amerikanong aktor at musikero
- Dr. Reita Faria – Miss World 1966 mula sa Indiya
- Claude Francois – Pranses na mang-aawit
- Maurice Hope – Ingles na boksingero
- Eric Morley – Pangulo ng Mecca at tagapagtatag ng Miss World
- Robert Powell – Ingles na aktor
- Barry Sheene – Motorcycle racer[37]
- Oliver Tobias – Suwisong aktor
- Cynthia Wetzell – National Director ng Samoa sa Miss World
Mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Animnapu't-dalawang kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
![]() |
Dagmar Winkler[38] | 23 | Nuremberg |
![]() |
Susana Stéfano[39] | 20 | Salta |
![]() |
Helene Croes[40] | 19 | Oranjestad |
![]() |
Jaye-Leanne Hopewell[41] | 18 | Perth |
![]() |
Eva Düringer[42] | 18 | Bodensee |
![]() |
Michelle Hyde[43] | 21 | Wellington |
![]() |
Laurie Lee Joseph | 17 | Nassau |
![]() |
Claudine Vasseur[44] | 18 | Bruselas |
![]() |
Jackeline van den Branden[7] | 22 | Caracas |
![]() |
Connie Frith[45] | 23 | St. George's Parish |
![]() |
Madalena Sbaraini[46] | 21 | Porto Alegre |
![]() |
Elizabeth Yanone[39] | 17 | Santa Cruz de la Sierra |
![]() |
Xiomara Winklaar[47] | 19 | Willemstad |
![]() |
Annette Simonsen | 16 | Copenhague |
![]() |
Lucía del Carmen Hernández[39] | 18 | Chone |
![]() |
Magaly Varela[48] | 19 | San Salvador |
![]() |
Guillermina Ruiz Doménech[49] | 21 | Barcelona |
![]() |
Cindy Darlene Miller[50] | 20 | Chesapeake |
![]() |
Lina Ioannou | 24 | Atenas |
![]() |
Diane Haun | 17 | Yigo |
![]() |
Chizuru Shigemura | 22 | Saitama |
![]() |
Lourdes Holmes | 18 | Hibraltar |
![]() |
Marlene Villela | 21 | Tegucigalpa |
![]() |
Ada Lui | 18 | Hong Kong |
![]() |
Lorraine Enriquez | 18 | Dublin |
![]() |
Ya'el Hovav[51] | 21 | Herusalem |
![]() |
Blodwen Pritchard | 18 | St. Helier |
![]() |
Marianne McKeen[52] | 23 | Comber |
![]() |
Patricia Jackson-Patiño[53] | 18 | Grand Cayman |
![]() |
María Clara O'Byrne[54] | 20 | Atlántico |
![]() |
Carmen Núñez[55] | 17 | San José |
![]() |
Vera Alouane[56] | 18 | Beirut |
![]() |
Sigurlaug Halldórsdóttir[57] | 18 | Reikiavik |
![]() |
Jeannette Colling | 23 | Lungsod ng Luksemburgo |
![]() |
Pauline Farrugia | 21 | Żebbuġ |
![]() |
Elizabeth Aguilar[58] | 22 | Ameca |
![]() |
Beatriz Obregón[59] | 18 | Rivas |
![]() |
Åshild Ottesen | 22 | Oslo |
![]() |
Ineke Berends[60] | 25 | Amsterdam |
![]() |
Anabelle Vallarino | 19 | Lungsod ng Panama |
![]() |
Sayah Karakuru[61] | 24 | Port Moresby |
![]() |
María Elizabeth Giardina | 21 | Asunción |
![]() |
Isabel Frías[62] | 22 | Cajamarca |
![]() |
Asta Seppäla[63] | 20 | Helsinki |
![]() |
Didriana del Río[64] | 17 | Santurce |
![]() |
Véronique Fagot[65] | 18 | Poitou |
![]() |
Helen Shimmin[66] | 20 | Douglas |
![]() |
Jacqueline Patricia Hernández | 20 | Santo Domingo |
![]() |
Madeleine Stringer[67] | 24 | North Shields |
![]() |
Ana Decima Schmidt[68] | 21 | Apia |
![]() |
Sharmini Senaratna | 19 | Colombo |
![]() |
Mary Stävin[69] | 20 | Örebro |
![]() |
Danielle Haberli[70] | 19 | Zürich |
![]() |
Therese Amo | 18 | Papeete |
![]() |
Siriporn Savanglum[71] | 17 | Bangkok |
![]() |
Vanessa Wannenburg[72] | 21 | Johannesburg |
![]() |
Kim Soon-ae | 17 | Seoul |
![]() |
Marlene Villafana[73] | 20 | Port of Spain |
![]() |
Annie Garling | 17 | Santiago |
![]() |
Georgia Georgiou[74] | 23 | Nicosia |
![]() |
Kamer Bulutöte[75] | 22 | Istanbul |
![]() |
Adriana María Umpierre[76] | 20 | Montevideo |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Miss Sweden Now Miss World". Toledo Blade (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1977. p. 2. Nakuha noong 12 Mayo 2023.
- ↑ "New Miss World farmer's daughter from Sweden". The Courier-Express. 18 Nobyembre 1977. p. 2. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Swedish girl 'Miss World'". Gadsden Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1977. p. 10. Nakuha noong 12 Mayo 2023.
- ↑ "Farmer's daughter is Miss World". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1977. p. 12. Nakuha noong 12 Mayo 2023.
- ↑ "Upcoming in movies, television". Mt. Vernon Register-News. 12 Oktubre 1977. p. 8. Nakuha noong 12 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Andy Williams to host Miss World beauty show". The Lawton Constitution (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1977. p. 29. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ 7.0 7.1 7.2 Misses de Venezuela: reinas que cautivaron a un país (sa wikang Kastila). Caracas, Venezuela: El Nacion. 2005. p. 144. ISBN 980-388-206-6.
- ↑ "LOLLIPOP GIRLS NOT LICKED YET". The Straits Times (sa wikang Ingles). 4 Nobyembre 1977. p. 2. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Just a couple of kids". Tyrone Daily Herald (sa wikang Ingles). 2 Nobyembre 1977. p. 10. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Another two disqualified". The Straits Times (sa wikang Ingles). 5 Nobyembre 1977. p. 32. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Veronica on sorrows and joys of Miss World contestants". The Straits Times (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1977. p. 9. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Pull out of beauty contest order to Veronica". The Straits Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1977. p. 1. Nakuha noong 14 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Veronica: I'll do my best in Miss World quest..." The Straits Times (sa wikang Ingles). 25 Setyembre 1977. p. 5. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Too young to be Miss World". The Straits Times (sa wikang Ingles). 3 Nobyembre 1977. p. 2. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Multi-racial". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 7 Hunyo 1977. p. 5. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
- ↑ "Une seule Miss Afrique Du Sud" [Only one Miss South Africa]. Le Devoir (sa wikang Pranses). 8 Hunyo 1977. p. 1. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "Miss World Entries Quit Over South Africa Issue". The New York Times (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1977. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 12 Mayo 2023.
- ↑ "Miss World pullout: Govt will pay for -expenses". The Straits Times (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1977. p. 12. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Christine wins the title". The Straits Times. 9 Oktubre 1977. p. 11. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Manila out of pageant". The Bridgeport Post (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1977. p. 10. Nakuha noong 12 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "It's the second time out for Miss Swaziland". The Straits Times. 6 Nobyembre 1977. p. 3. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ Afigbo, Chinasa (30 Hunyo 2023). "1 Hijab queen, 43 other past Miss Nigeria winners & how they moved on with life". Legit.ng (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2023.
- ↑ "Black beauties may withdraw". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 6 Nobyembre 1977. p. 21. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "VN: Boycot „Miss Worldverkiezing" [UN: Boycott Miss World pageant]. NRC Handelsblad (sa wikang Olandes). 5 Nobyembre 1977. p. 5. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "The world in a nutshell". Amigoe. 8 Nobyembre 1977. p. 10. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Philippines quits Miss World contest". St. Joseph News-Press (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1977. p. 27. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
- ↑ "Mystery over beauty boycott". The Birmingham Post (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1977. p. 5. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Miss World bets on, but 3 quit in protest". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1977. p. 54. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ Lo, Ricky (1 Disyembre 2007). "Will a Filipina finally bring home Miss World crown?". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Abril 2024.
- ↑ 30.0 30.1 Magsanoc, Kai (1 Oktubre 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Abril 2024.
- ↑ "3 contestants withdraw from Miss World pageant". The Courier-Journal. 17 Nobyembre 1977. p. 16. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Beauties withdraw". The Leader-Post. 17 Nobyembre 1977. p. 30. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Swedish farmer's daughter reigns a new Miss World". The Amarillo Globe-Times. 18 Nobyembre 1977. p. 11. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "People in the news". The Ottawa Journal (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1977. p. 8. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ 35.0 35.1 35.2 35.3 35.4 "Sweden beauty wins title". Galesburg Register-Mail. 18 Nobyembre 1977. p. 21. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ 36.00 36.01 36.02 36.03 36.04 36.05 36.06 36.07 36.08 36.09 "Miss Sweden captures Miss World 1977 crown". The San Bernardino County Sun (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1977. p. 4. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Sheene's girl snubs Miss World". Evening Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1977. p. 1. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "Madalena is clear favourite for the Miss World title". Daily Post. 14 Nobyembre 1977. p. 4. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ 39.0 39.1 39.2 "Eleccion de "Miss Mundo"". La Nacion (sa wikang Kastila). 11 Nobyembre 1977. p. 110. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "Eldrith Oduber Miss Aruba 1976". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 20 Setyembre 1976. p. 5. Nakuha noong 28 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "WA girl– Miss World Aust". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 8 Setyembre 1977. p. 2. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
- ↑ "Miss World favorites..." Lakeland Ledger (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1977. p. 2. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
- ↑ "World's beauties". Papua New Guinea Post-Courier (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1977. p. 7. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
- ↑ "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.
- ↑ "Miss World beauty hopefuls". Kentucky New Era (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1977. p. 20. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
- ↑ "Miss World: 10-1 on Miss Brazil". The Straits Times (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1977. p. 2. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Miss Curacao in Nederland". Amigoe. 31 Oktubre 1977. p. 3. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Salvadorena". El Tiempo. 2 Nobyembre 1977. p. 2. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "Guillermina Ruiz Domenech". El País (sa wikang Kastila). 8 Hulyo 1978. ISSN 1134-6582. Nakuha noong 31 Enero 2023.
- ↑ Mastronardi, Peter (5 Setyembre 1977). "She's tops in a world of beauty". The Bridgeport Telegram (sa wikang Ingles). p. 6. Nakuha noong 12 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "People in the sun". The Lowell Sun. 4 Nobyembre 1977. p. 11. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Miss Canada". The Windsor Star. 4 Hulyo 1977. p. 1. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Empowering Young Women: Pamela Ebanks-Small's Vision Celebrated at the Inaugural Queens Gala". Yahoo Finance (sa wikang Ingles). 3 Abril 2024. Nakuha noong 12 Abril 2024.
- ↑ Cervantes, Jose (8 Enero 1979). "Cae falsa Miss Mundo en Barranquilla". El Tiempo (sa wikang Kastila). p. 37. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "La esperanza: representar con dignidad a Costa Rica". La Nacion (sa wikang Kastila). 6 Hunyo 1977. p. 2. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ Maroun, Bechara (2 Setyembre 2022). "Yasmina Zaytoun, une Miss Liban qui veut tracer son propre chemin" [Yasmina Zaytoun, a Miss Lebanon who wants to chart her own path]. L'Orient-Le Jour (sa wikang Pranses). Nakuha noong 5 Abril 2024.
- ↑ "RISAFERÐABINGÚ - TÍSKUSÝNING FEGURÐARDROTTNINGA". Morgunblaðið. 28 Mayo 1977. p. 5. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.
- ↑ "The world's beautiful misses hoping for a London hit". Daily Post (sa wikang Ingles). 31 Oktubre 1977. p. 5. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ Matamoros, Kathia (26 Enero 2017). "Las nicaragüenses que han logrado entrar al top en Miss Universo". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 26 Enero 2023.
- ↑ "Ineke Berends, tweede bij Miss World-verkiezing: ,Blij dat ik niet nummer 1 ben geworden'". De Telegraaf. 19 Nobyembre 1977. p. 19. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Bid to win a crown". Papua New Guinea Post-Courier (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 1977. p. 3. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
- ↑ "Miss Perú: las peruanas más bellas de las últimas décadas". El Comercio Perú (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
- ↑ "Suomen kaunein 1977 – Armi Aavikko". Yle (sa wikang Pinlandes). 26 Oktubre 2009. Nakuha noong 9 Enero 2023.
- ↑ "Nice work if..." The San Bernardino County Sun. 3 Nobyembre 1977. p. 19. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ Mathieu, Clément (8 Disyembre 2022). "Miss France 77 : Véronique Fagot chahutée par le public, acclamée par ses camarades". Paris Match (sa wikang Pranses). Nakuha noong 9 Enero 2023.
- ↑ "The miss from Man". Daily Post (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1977. p. 4. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Good luck kisses". Panama City News-Herald (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1977. p. 6. Nakuha noong 12 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Dancing back to Samoa: Nalei Moors". Samoa News (sa wikang Ingles). 6 Setyembre 2012. Nakuha noong 12 Abril 2024.
- ↑ Chiorando, Maria (9 Marso 2024). "Where are the Miss World winners now?". Mail Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2024.
- ↑ "Armed beauty". The Robesonian (sa wikang Ingles). 20 Nobyembre 1977. p. 17. Nakuha noong 12 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Veronica in London". New Nation (sa wikang Ingles). 5 Nobyembre 1977. p. 2. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "ER IS IETS MIS(S)". Algemeen Dagblad. 16 Nobyembre 1977. p. 1. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Her koma „sólskinsstúlkurnar"" [Here come the "sunshine girls"]. Tíminn (sa wikang Islandes). 4 Nobyembre 1977. p. 6. Nakuha noong 12 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.
- ↑ "World beauties". Statesville Record And Landmark (sa wikang Ingles). 1 Nobyembre 1977. p. 15. Nakuha noong 12 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Miss Turkey listesi, geçmişten günümüze Miss Turkey birincileri" [All past Miss Turkey winners]. Habertürk (sa wikang Turko). 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 12 Marso 2024.
- ↑ "La belleza salteña coronada a nivel nacional e internacional". Diario El Pueblo (sa wikang Kastila). 28 Mayo 2017. Nakuha noong 23 Enero 2023.