Pumunta sa nilalaman

Monowi, Nebraska

Mga koordinado: 42°49′44″N 98°19′45″W / 42.82889°N 98.32917°W / 42.82889; -98.32917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Monowi, Nebraska
Nayon
Karatula ng populasyon na makikita sa pagpasok sa Monowi mula sa silangan (2007)
Karatula ng populasyon na makikita
sa pagpasok sa Monowi mula sa silangan (2007)
Lokasyon sa loob ng Kondehan ng Boyd
Lokasyon sa loob ng Kondehan ng Boyd
Detalyadong mapa ng Monowi, Nebraska
Detalyadong mapa ng Monowi, Nebraska
Monowi is located in Nebraska
Monowi
Monowi
Lokasyon sa loob ng Nebraska
Monowi is located in the United States
Monowi
Monowi
Lokasyon sa loob ng Estados Unidos
Mga koordinado: 42°49′44″N 98°19′45″W / 42.82889°N 98.32917°W / 42.82889; -98.32917
Bansa Estados Unidos
Estado Nebraska
KondehanBoyd
Pamahalaan
 • AlkaldeElsie M. Eiler (R)[1]
Lawak
 • Kabuuan0.55 km2 (0.21 milya kuwadrado)
 • Lupa0.55 km2 (0.21 milya kuwadrado)
 • Tubig0.00 km2 (0.00 milya kuwadrado)
Taas
405 m (1,329 tal)
Populasyon
 (2010)[3]
 • Kabuuan1
 • Taya 
(2019)[4]
1
 • Kapal1.82/km2 (4.72/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC-6 (Sentral (CST)]])
 • Tag-init (DST)UTC-5 (CDT)
Kodigong ZIP
68746 (bahagi ng Lynch)
Kodigo ng lugar402
Kodigong FIPS31-32550[5]
GNIS katangiang ID0831379[6]

Ang Monowi ( /ˈmɒnoʊ-w/ MON-oh-wy) ay isang inkorporadong nayon sa Kondehan ng Boyd, Nebraska, Estados Unidos. Sang-ayon sa senso noong 2010, may populasyon ito na 1. Ito lamang ang tanging inkorporadong munisipalidad sa Estados Unidos na may ganitong populasyon.[7][8] Ang nag-iisang residente, si Elsie Eiler, ay alkalde at gayon din ang katiwala ng aklatan, tagatagay (bartender) at sa gayon, naging paksa sa iba't ibang kuwento na kinaiinteresan.[9][10]

Sang-ayon sa tradisyon, nanganghulugang "bulaklak" ang pangalang Monowi sa hindi pa natutukoy na Katutubong Amerikanong wika.[11][12] Ipinangalan ang Monowi sa bulaklak dahil sa maraming ligaw na bulaklak sa orihinal na pook ng nayon.[13]

Aklatan ni Rudy
Makasaysayang populasyon
Senso Pop.
1910109
1920100−8.3%
193012323.0%
194099−19.5%
195067−32.3%
196040−40.3%
197016−60.0%
19801812.5%
19906−66.7%
20002−66.7%
20101−50.0%
2019 (est.)1[4]0.0%
Sensong Desenal ng Estados Unidos[14]
Taya noong 2012[15]

Plinano ang Monowi noong 1902, nang pinalawak ang Fremont, Elkhorn at Riles ng Lambak ng Missouri sa puntong iyon.[16] Isang tanggapan ng koreo ang naitatag sa Monowi noong 1902 at nanatiling nasa operasyon hanggang 1967.[17]

Noong dekada 1930 ang mga tugatog na taon ng Monowi, nang umabot ang populasyon nito sa 150.[18][19] Tulad ng ibang maraming maliliit na pamayanan sa Great Plains, nawala dito ang mga mas batang residente upang pumunta sa lungsod na nakakaranas ng paglago at nag-aalok ng mas magandang trabaho. Noong senso ng 2000, mayroon populasyon na dalawa ang nayon: Ang tanging mag-asawa, sina Rudy at Elsie Eiler, na nanirahan doon.[18] Namatay si Rudy noong 2004, na iniwan ang kanyang asawa bilang ang nag-iisang residente. Sa ganitong kapasidad, nag-akto siya bilang alkalde, na binibigyan ang sarili ng isang isang lisensya para sa alak. Kailangan niyang gumawa ng munisipal na plano ng mga lansangan bawat taon upang makakuha ng pondo sa estado para sa apat na ilaw sa kalye ng nayon.[20]

Bagaman halos inabandona ang nayon, mayroon itong bar o inuman na tinatawag na Monowi Tavern, na pinapatakbo ni Eiler para sa mga dumadaang manlalakbay at turista. Karagdagan pa dito, pinapanatili ni Eiler ang limang-libong-bolyum na aklatan ni Rudy, na itinatag sa alaala ng kanyang pumanaw na asawa.[18]

Monowi Tavern, 2013
Monowi Tavern, 2013

Sang-ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, ang kabuuang sukat ng nayon ay 0.21 milya kuwadrado (0.54 km2), na lahat lupain.[21] Matatagpuan ang nayon sa malayong silangang bahagi ng Kondehan ng Boyd, sa hilagang-silangang rehiyon ng Nebraska. Matatagpuan sa pagitan ng Ilog Niobrara at mas malaking Ilog Missouri.[22] Lynch ang pinakamalapit na pamayanan sa Monowi, na tinatayang matatagpuan sa layong 6.92 milya (11.14 km).[23][24] Tinatayang matatagpuan ang nayon sa 193.97 milya (312.16 km) mula Omaha.[23][25]

Tinatampok ng datos ng senso para sa Monowi ang pagiging tangi nito, dahil sa numerikong singularidad ng populasyon nito. Noong 2010:[3]

  • Ang kabuuang populasyon ay isa (87.5 taon gulang, babae, puti, nagngangalang Elsie).
  • May isang nakatira sa bahay, na nabubuhay mag-isa.
  • Sa tatlong yunit ng pabahay sa Monowi, isa lamang ang okupado.

Nasa loob ng Pampublikong Paaralan ng Kondehan ng Boyd ang lugar.[26] Dating nasa loob ng distrito ng mga Pampublikong Paaralan ng Lynch sa Lynch ang lugar.[27] Pinagsama ang distrito ng Lynch sa distrito ng Kondehan ng Boyd noong Hunyo 2017.[28]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasunod ng Senso ng 1990, nakipag-ugnay ang alkalde ng Monowi na si Elsie Eiler sa brodkaster ng radyo na si Paul Harvey, na binanggit ang maling bilang ng populasyon ng Monowi sa isang pagsasahimpapawid.[29]

Naitampok din ang nayon sa isang patalastas ng telebisyon ng Arby's[30] (unang umere noong Hunyo 19, 2018) at Prudential[31] (unang umere noong Setyembre 16, 2018). Ginamit din ang nayon bilang ang simulang lugar para sa pinakamalaking paskil pang-anusyo sa mundo, na natapos noong Hunyo 13, 2018.[32]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Registrant Search Information for Elsie M Eiler" (sa wikang Ingles). Nebraska Secretary of State. Nakuha noong Mayo 12, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2019 U.S. Gazetteer Files" (sa wikang Ingles). United States Census Bureau. Nakuha noong Hulyo 26, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "2010 Demographic Profile Data – Monowi village, Nebraska" (sa wikang Ingles). United States Census Bureau. Nakuha noong Oktubre 8, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Population and Housing Unit Estimates" (sa wikang Ingles). United States Census Bureau. Mayo 24, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "U.S. Census website" (sa wikang Ingles). United States Census Bureau. Nakuha noong Enero 31, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "US Board on Geographic Names" (sa wikang Ingles). United States Geological Survey. Oktubre 25, 2007. Nakuha noong Enero 31, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. US Census Bureau. "American FactFinder" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 12, 2020. Nakuha noong Abril 13, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Reuters, Monowi, Nebraska, Population: 1 (sa Ingles).
  9. Carter, Maria (31 Marso 2017). "This 83-Year-Old Woman Is the Mayor, Bartender, Librarian and Sole Resident of Monowi, NE". Country Living (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Hulyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Francome, Will; Garner, Megan; Stein, Eliot (30 Enero 2018). "Welcome to Monowi, Nebraska: population 1". BBC Travel (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Bright, William (2004). Native American Placenames of the United States (sa wikang Ingles). University of Oklahoma Press. p. 296. ISBN 978-0-8061-3598-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Chicago and North Western Railway Company (1908). A History of the Origin of the Place Names Connected with the Chicago & North Western and Chicago, St. Paul, Minneapolis & Omaha Railways (sa wikang Ingles). p. 104.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Fitzpatrick, Lillian L. (1960). Nebraska Place-Names (sa wikang Ingles). University of Nebraska Press. p. 22. ISBN 0803250606.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. United States Census Bureau. "Census of Population and Housing" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 23, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Annual Estimates of the Resident Population: April 1, 2010 to July 1, 2012" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 20, 2013. Nakuha noong Hunyo 23, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Monowi , Boyd County". Center for Advanced Land Management Information Technologies (sa wikang Ingles). University of Nebraska. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 7, 2016. Nakuha noong Hulyo 30, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Boyd County" (sa wikang Ingles). Jim Forte Postal History. Nakuha noong Marso 23, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 18.2 "Monowi, Nebraska, America's smallest town is run by its single citizen/mayor/librarian/bartender". Atlas Obscura (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 10, 2018.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Macuha, Marhgil (Mayo 6, 2011). "Elsie Eiler, The Lone Resident of Monowi Town in Nebraska" (sa wikang Ingles). Batangas Today.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Reid, Tim (Pebrero 19, 2005). "Introducing the mayor of Monowi: (population: 1)". The Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Marso 11, 2007. Nakuha noong Hulyo 7, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)(kailangan ang suskripsyon)
  21. "US Gazetteer files 2010" (sa wikang Ingles). United States Census Bureau. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 12, 2012. Nakuha noong Hunyo 24, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. The Road Atlas (Mapa) (ika-2009 (na) edisyon). 1 inch:23 miles (sa wikang Ingles). Kartograpiya ni/ng Rand McNally. Rand McNally. 2009. p. 63. § E13-E14.{{cite map}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 Michels, Chris (1997). "Latitude/Longitude Distance Calculation" (sa wikang Ingles). Northern Arizona University. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Abril 11, 2008. Nakuha noong Oktubre 11, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. U.S. Board on Geographic Names (Marso 9, 1979). "Feature Detail Report for: Lynch". Geographic Names Information System (sa wikang Ingles). United States Geological Survey. Nakuha noong Oktubre 11, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. U.S. Board on Geographic Names (Marso 9, 1979). "Feature Detail Report for: Omaha". Geographic Names Information System (sa wikang Ingles). United States Geological Survey. Nakuha noong Oktubre 11, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "2020 CENSUS - SCHOOL DISTRICT REFERENCE MAP: Boyd County, NE" (PDF) (sa wikang Ingles). U.S. Census Bureau. Nakuha noong 2021-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "SCHOOL DISTRICT REFERENCE MAP (2010 CENSUS): Boyd County, NE" (PDF) (sa wikang Ingles). U.S. Census Bureau. Nakuha noong 2021-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Boyd County Schools" (sa wikang Ingles). Nebraska Department of Education. Nakuha noong 2021-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Jenkins, Nate (Marso 6, 2010). "Tiny Towns Tell Census: Get it Right". Seattle Times (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Arby's: Big Announcement | Arby's Now Has Coke", Arby's, Hunyo 19, 2018, nakuha noong Hunyo 20, 2018{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "The State of the US | -- America's Smallest Town Monowi, NE", Prudential Financial, Setyembre 16, 2018, nakuha noong Pebrero 10, 2019{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Largest Advertising Poster", Guinness World Records, Hunyo 13, 2018, nakuha noong Hunyo 15, 2019{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]