Pumunta sa nilalaman

Moro National Liberation Front

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Watawat ng MNLF

Ang Moro National Liberation Front (MNLF) ay isang kilusang pagtitiwalag o pakikipaghiwalay ng mga Muslim sa Pilipinas na itinatag ni Nur Misuari noong 1969. Sila ay nahihimagsik laban sa pamahalaan ng Pilipinas upang makamit ang kalayaan at humiwalay sa isang estadong Muslim na tinatawag nilang Republikang Bangsamoro na binubuo ng lahat ng Mindanao, Palawan, Sulu, Tawi-Tawi at Basilan gayundin ng Sabah at Sarawak ng Malaysia.