Mula sa bawat isa ayon sa kaniyang kakayahan, para sa bawat isa ayon sa kaniyang pangangailangan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Mula sa bawat isa ayon sa kaniyang kakayahan, para sa bawat isa ayon sa kaniyang pangangailangan[1][2] (Pranses: De chacun selon ses facultés, à chacun selon ses besoins; Aleman: Jeder nach seinen Fähigkeiten, jedem nach seinen Bedürfnissen) ay isang katagang unang ginamit ni Louis Blanc noong 1851[3] (bagaman ang isang nauna pang bersiyon ng kataga ay lumabas sa The Code of Nature ni Étienne-Gabriel Morelly)[4] at pinasikat pa ni Karl Marx sa kaniyang Critique of the Gotha Program noong 1875.[5]

Sa Marxistang pananaw, mangyayari lamang ang naturang kaayusan kapag sagana ang magagawang kalakal at serbisyo ng isang maunlad na lipunang komunista. Ang ideya ay, kapag naging ganap ang pag-unlad ng sosyalismo at walang hadlang ang puwersang produktibo, magkakaroon ng kasapatan para sa pangangailangan ng lahat.[6][7]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Araling Aktibista". Communist Party of the Philippines. http://www.philippinerevolution.net/documents/araling-aktibista. Hinango noong 2 Setyembre 2014. 
  2. Paredes, Horacio. "Isang sulat". Monica Publishing Corporation. http://www.abante.com.ph/issue/aug3012/op_hp.htm. Hinango noong 2 Setyembre 2014. 
  3. Blanc, Louis (1851) (sa Pranses). Plus de Girondins. Paris. p. 92. http://books.google.ca/books?id=KFc9AAAAcAAJ&pg=PA92#v=onepage&q&f=false. Hinango noong 2 Setyembre 2014. 
  4. Graeber, David (2013). The Democracy Project: A History, a Crisis, a Movement. New York: Spiegel & Grau. pp. 293–294. ISBN 9780812993561. OCLC 810859541.  (Ingles)
  5. Marx, Karl (1875). "Part I". Critique of the Gotha Program. http://www.marxists.org/archive/marx/works/1875/gotha/ch01.htm. Hinango noong 2008-07-15. 
  6. Schaff, Kory (2001). Philosophy and the problems of work: a reader. Lanham, Md: Rowman & Littlefield. pp. 224. ISBN 0-7425-0795-5.  (Ingles)
  7. Walicki, Andrzej (1995). Marxism and the leap to the kingdom of freedom: the rise and fall of the Communist utopia. Stanford, Calif: Stanford University Press. p. 95. ISBN 0-8047-2384-2.  (Ingles)