Pumunta sa nilalaman

Kulambo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Muskitero)
Isang higaan na natatakluban ng kulambo.

Ang Kulambo[1] ay ginagamit upang harangin ang mga lamok, langaw, at iba pang kulisap. Dahil dito ay tumutulong ito sa pagpigil ng paglaganap ng mga sakit tulad ng malaria. Dahil dito, mahalaga ang mga kulambo sa mga lugar kung saan laganap ang mga sakit na dala ng mga kulisap na tulad ng langaw. Meron itong maninipis at maliliit na mga mata (mesh) na pumipigil sa mga kulisap na kagatin at guluhin ang mga tao na nasa loob ng kulambo. Hindi nito pinipigilan ang pagdaloy ng hangin at maaaninag mo ang tao na nasa loob ng kulambo. Pinapayuhan din na dapat walang malalaking butas sa kulambo dahil makakapasok ang kulisap at makakagat ang taong nasaloob ng kulambo. Dapat hindi nakadikit ang balat sa kulambo.

Mayroon ding mga kulambo na nilagyan ng pangpatay ng kulisap o insektisayd. Tinatawag itong insecticide treated nets (ITNs) at binuo ito noong dekada ng 1980 upang labanan ang sakit na malaria. Ang mga kulambong ito ay may insektisayd na pyrethroid gaya ng deltamethrin at permethrin na pumapatay o tumataboy ng mga lamok. Subalit, ang mga kulambo na ito ay dapat palitan o lagyan muli ng insektisayd pagkatapos labhan.

Tinatawag ding muskitero o moskitero ang kulambo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Kulambo, muskitero, moskitero". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.